Chapter 107

358 23 16
                                    

Dahil tagilid ang second regu ng Shoyo ay nagsimula ng mag warm up sina Bryn at ang iba pa. "Mukhang nagwawarm up na si Bryn. Baka maglalaro na sya." Sabi ni Mitsui

"Oo Mitsui, panalo ang 1st regu nila at matatalo itong pangalawa kaya lalaro ang 3rd regu para sa decision." Paliwanag ni Miyagi

"Ayan gusto ko ng mapanood ang anak mo Sakuragi. At syempre gusto ko din syang mapanood sa basketball." Excited na sabi ni Sendoh

"Oi Preee nababading ka na bas a anak ni unggoy. Kanina ka pang hangang hanga kay Bryn." Sabi ni Kiyota

"Ano ka ba Kiyota, walang anak na lalaki si Sendoh kaya natural lang na matuwa sya pag nakakakita ng mga binatilyong tulad ni Bryn." Sermon ni Maki

"Matagall pa ba? Inaantok na ako." sabi ni Rukawa

"Kahit ako excited ng mapanood si Bryn. Kahanga hanga ang pagpapalaki sa kanya nina Bianca at Jin. Napakatalented nya." Sabi ni Hanamichi

"Hindi naman sya magiging ganyan kung hindi nananalaytay sa kanya ang dugong Sakuragi. Dugong henyo sabi mo nga." Nakangiting sabi ni Mito at tinapik ang balikat ni Hanamichi

Sa bench naman nilapitan ni Ian si Ryan "Captain si Empress oh, hindi mob a sya lalapitan o iko-conrats. Panalo sila diba?" tanong nito

Napalingon naman si Ryan sa dereksyong itinuro ni Ian "Ano ba tong ginagawa ko, tama si Ian dapat lapitan ko si Empress ang girlfriend ko. Dapat ko syang i-congrats sa pagkakapanalo nila pero bakit pakiramdam ko hindi nya yun kailangan, o ako ang hindi nya kailangan." Tanong ni Ryan sa sarili

Tumayo si Ryan at naglakad papunta sa girlfriend nya at na-upo sa tabi nito. "Hi Babe, ang galing mo kanina. Conrats nga pala, panalo kayo sa unang game nyo." Sabi ni Ryan at inakbayan si Empress

"Thank you Ryan, pero hindi mo naman ako pinanood." Sagot ni Empress at saka inalis ang braso ng binate sa pagkaka akbay sa kanya

"Bakit?" tanong ni Ryan

"Ryan nandito tayo sa tournament, nakakahiya baka makita tayo nga mga officials at mga teachers. Sabihin pa nila pareho tayong Captain tapos PDA tayo." Sagot ni Empress

"Pero kanina si Bryn okay lang na umakbay sayo." Naiinis na tanong ni Ryan

Dahil sa sinabi ni Ryan natigilan si Empress "Ryan walang malisya yun, nagbibigay lang sya ng instructions sa akin kanina. Diba sya ang coach namen." Paliwanag ng dalaga

"Oo nga naman, walang malisya. Pero nagpaakbay ka sa hindi mo boyfriend at ayaw mong magpa akbay sa boyfriend mo kasi PDA. Empress hindi kita maintindihan." Umiiling na sabi ni Ryan at saka umalis

"Ryan sandal, wag kang magalit." Sabi ni Empress, pero nagpatuloy sa paglalakad si Ryan na parang walang narinig

Muling napa upo si Empress sa bench at napahawak sa noo nya "Ano ba tong nangyayari sa akin, wala naman talaga akong alam pagdating sa relationship at sa pagdadala nito. Nakaka inis, ano nanaman bang ginawa ko at nagalit si Ryan." Sabi nito sa sarili

Habang nagmumukmok si Empress may grupo ng mga kababaihan na nagsigawan "OMG nandito nga sya! Tama ang decision nateng puntahan sya dito. Ang gwapo...." Sigaw ng isa sa mga ito

"Si.... Si Bryn Jin nga..." sigaw ng isa pa

"OMG di ko expected na ganyan sya ka tangkad at ka gwapo. Grabe gusto ko syang patayin sa halik." Sabi ng isa pa sa mga ito

"Anong papatayin mo sya sa halik baka ikaw ang patayin ko. Aasawahin ko sya OMG. Nakakagigil sya." Sabi ni Isa

"BRYN JIN! Look over here." Sigaw ng isa pa dahilan para makuha nila ang atensyon ni Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon