Chapter 160

193 14 2
                                    

"Bryn sorry, sorry talaga sa ginawa ko. sana hindi nagbago ang pagtingin mo sa akin after what I did." Sabi ni Empress

Hinalikan ni Bryn sa noo ang dalaga "We talk already diba? Ano bang ginawa mo para magalit ako?" tanong ni Bryn habang nakayakap sa dalaga

"Yung kanina, sumama ako kay Troy. I join him during lunch time and I also come with him sa practice nila. Ang sama sama kong girlfriend." Sabi ni Empress

Ngumiti si Bryn "Sumama ka lang naman sa kanya diba? Kumain lang kayo at nanood ka sa practice nila. Hindi ka naman nakipagholding hands, nakipagyakapan o nakipaghalikan sa kanya. Walang akong masamang nakikita dun Hon. And lalo mong pinatunayan sa akin ang loyalty mo dahil you told me all of this." Sabi ni Bryn

"But nagi-guilty ako hindi ko dapat ginawa yun dahil na iinis ako sayo. Alam mo habang nandun ako sa gym kanina ikaw lang ang naiisip ko." sabi ni Empress

"Ang sweet naman ng girlfriend at ang loyal pa. kahit may gwapong nagpapa-cute sa kanya ako pa rin ang nasa isip nya. Thank you for being you, thank you for loving me even masyadong magulo at malaki ang mundong ginagalawan ko. I love you Hon." Sabi ni Bryn

"Sorry sa mga imperfections ko Hon. And I promise to be more mature para unawain ang mundong meron ka. I promise din na babawasan ko ang pagiging selosa, pero babawasan lang ha. Selosa pa rin ako." sabi ni Empress

"I like everything about you Hon, wala kang dapat ipag-sorry. Sa relationship hindi lahat perfect, hindi lahat kontrolado mo. Yan ang natutunan ko kay Papa. Nagsisimula pa lang tayo to know each other kaya normal lang na may pagkakamali. Ang mahalaga alam naten how to correct it and the lesson na natutunan naten sa pagkakamaling iyon." Sabi ni Bryn

"Wow ikaw ba ang nagsasalita Bryn? The way you talk hindi ko ma-image na anak ka ni Sakuragi. Pero gusto ko lahat ng sinabi mo. I think maraming matututunan sayo ang anak ko." Pagpuri ni Fujima kay Bryn

"Tito Kenji nandyan po pala kayo. Nagkaroon lang po kami ng mis understanding ni Empress but we fixed it already na po. ayoko pong matutulog kaming hindi nagkaka ayos at lalong ayoko pong palakihin ang isang simpleng hindi pagkakaunawaan.." Sabi ni Bryn

"It's good to know na you can handle each other kahit na may dumarating na mga pagsubok sa inyo. And kanina napanood ko ang live contract signing mo Bryn. So babalik ka na pala sa UK.' Sabi ni Fujima

Ngumiti si Bryn "Opo Tito Kenji, magiging mahirap po yun para sa amin ni Empress pero naniniwala po akong kaya namen itong lampasan. 2 months lang naman po akong mawawala." Sagot ni Bryn

"2 months matagal tagal din pala. Paano ako makakasigurong hindi mo ipagpapalit ang anak ko dun? Makakasiguro ba akong babalikan mo pa si Empress?" seryosong tanong ni Fujima

"Mahal ko po ang anak nyo at sapat na po yung dahilan para bumalik ako dito. Sya po ang babaeng gusto kong pakasalan kaya po babalik ako. panghawakan nyo po ang salita ko." sabi ni Bryn

Ngumiti si Fujima "Kuhang kuha mo talaga ang porma at maangas titig ng iyong ama. At tulad ni Sakuragi alam kong may isang salita ka Bryn. Kaya bilang ama ni Empress panghahawakan ko ang salita mo." Sabi nito

"Salamat po Tito Kenji. Mauna na din po ako, masyado na pong naging mahaba ang araw na ito para sa amin ni Empress. I want her to rest na din po." Sabi ni Bryn

"Hon, sorry ulit. You know I just realized na kahit sinong herodes ang kumuha ng atensyon ko pansinin ko man sila sa huli ikaw at ikaw pa rin. Sa harap ng Papa ko I want to tell you na mahal na mahal kita Bryn Sakuragi." Sabi ni Empress at saka yumakap ng mahigpit kay Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon