Nagtungo sina Hanamichi at Bryn sa tahanan ng mga Sakuragi. Buo na ang desisyon ni Hanamichi na iharap at ipakilala si Bryn kay Nami at kay Kumi. Hindi nya alam ang pwedeng maging reaction ni Nami pero ayaw nya namang patagalin ang sekretong itinatago sa anak. Nakarating sila ni Bryn at bumaba, maya maya pa ay dumating na din sina Ryco at Nami galing sa Shohoku.Nagpark si Ryco at bumaba sila ni Nami.
"Ryco thank you for this helmet and sa safe ride going home. I really appreciate the way you take care of me." Nakangiting sabi ni Nami
Inabot ni Ryco ang helmet ni Nami at ngumiti dito "Any time Nami, masaya akong alagaan ka at lagi kong gagawen yun dahil dun ako masaya. Remember papakasalan pa kita." Sabi nito
Nakaramdam nanaman ng kilig si Nami dahilan para mamula ang mukha nito "Ryco halika pumasok ka muna sa loob." Pag aaya ni Nami at muling hinila si Ryco sa kamay nito
Pumasok sina Ryco at Nami sa loob at nakita nila sina Hanamichi at Bryn na kabababa lamang ng sasakyan ni Bryn. Napalingon si Hanamichi sa dalawa at nakita nitong magka-holding hands sina Nami at Ryco. Agad na nilapitan ni Hanamichi ang dalawa at kinatusan si Ryco
"At bakit mo hawak ang kamay ng Prinsesa ko." Inis na sabi ni Hanamichi
Napahawak naman si Ryco sa ulo nya "Aray Ninong, mas malakas pa po yun sa batok ni Daddy saken araw araw. Eh kayo po bakit nyo kasama yang mayabang na yan?" tanong ni Ryco habang nakaturo kay Bryn
"Oo nga po Papa, why are you together? Do you know each other?" tanong ni Nami
"Sagutin nyo muna ang tanong ko? Bakit kayo magka-holding hands. ayan naka-holding hands pa rin kayo! EXPLAIN!" sabi ni Hanamichi
Natatawa naman si Bryn sa reaction ni Hanamichi "You know sa UK it's normal na makipag-holding hands. You told me na nanliligaw si Ryco kay Nami and they like each other kaya okay lang po yan." Sabi ni Bryn
Matapos magsalita ni Bryn napatingin si Ryco dito at napatingin muli kay Hanamichi "Tama ba tong nakikita ko? Bakit parang magkamukha sina Ninong at Bryn, mula sa maangas nilang mga mata at matangos ilong. Oo nga magkamukha nga sila." Sabi ni Ryco sa isip nya
"Wala akong paki alam sa UK, siguro Nami sinagot mo na yang sangganong gubat na yan? Kaya pumapayag ka ng hawakan nya ang kamay mo. Baka mahawa ka ng galis dyan." Sabi ni Hanamichi
"No Papa, hindi ko pa po sya sinasagot. Ayoko po ng may secret ako sayo. Diba po we promise each other na wala tayong magiging secrets sa isat isa." Malambing na sabi ni Nami at yumakap sa Papa nya
Dahil sa sinabi ni Nami naalala ni Hanamichi kung bakit nya isinama si Bryn, naalala nya na sasabihin nya na kay Nami ang katotohanan. Nakaramdam sya ng kaba dahil hindi nya alam kung paano nya sasabihin ito sa anak at natatakot sya sa pwedeng maging reaction ni Nami.
"Princess can we talk?" seryosong sabi ni Hanamichi
"Yes po Papa, we always talk naman po diba?"nakangiting sagot ni Nami
"Kayong dalawa Bryn at Ryco, dyan lang kayo mag uusap lang kami ng Prinsesa ko." Sabi ni Hanamichi
Sabay na tumango sina Bryn at Ryco, pumasok naman sa loob ng bahay sina Nami at Hanamichi para mag usap.
"Bakit nandito ang mayabang na ito, at ano ang pag uusapan nina Ninong at Nami. Hindi kaya gustong pormahan ng ungas na to si Nami?" sabi ni Ryco sa isip nya habang nakatingin ng masama kay Bryn
Napatingin din si Bryn kay Ryco "Samang makatingin, naghahamon ka ba?" tanong nito kay Ryco
"Yabang mo ah, pasalamat ka nandito tayo sa bahay nina Nami. Kung hindi pinatulan na kita." Inis na sagot ni Ryco

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...