Chapter 122

302 21 6
                                    

"Ayoko ng ganito, pag usapan naten ng maayos sa bahay ko." Sabi ni Fujima

"Sa bahay mo? Sige, tamang tama. Para madadala na ng anak moa ng mga gamit nya. Sa bahay na sya titira." Sabi ni Hanamichi

"Magkita tayo sa bahay ko, Empress sa akin ka sasabay at hindi sa lalaking iyan." Sabi ni Fujima na nakatingin kay Bryn

"Sige magkita tayo sa bahay mo. Pero wag mong kakausapin yang anak mong madaldal baka kung anong ituro mo dyan. Hayaan mong magdesisyon sya para sa sarili nya. Bryn mag isa ka sa kotse mo, dito ako sa sangganong gubat sasabay." Sabi ni Hanamichi

"Okay po Papa." Sagot ni Bryn, sumakay sila sa kanikanilang sasakyan patungo sa tahanan ng mga Fujima


FUJIMA'S RESIDENCE

Pumasok silang lahat sa sala "Maupo kayo." Sabi ni Fujima

"Oi babaeng madaldal ipahanda mo na ang mga gamit mo. Mamaya iuuwi ka na namen." Utos ni Hanamichi

"Walang ihahandang gamit. Mag uusap pa lang tayo. Sakuragi seryoso ka ba sa gusto mong mangyari sa mga anak naten? Bilang ama ni Empress hindi ako makakapayag na ganito lang naten pinag uusapan ang kinabukasan ng mga anak naten." Sabi ni Fujima

"Kung kinabukasan ng anak mo ang iniisip mo wag kang mag alala. Nakita ko na ang bank account ni Bryn, at kahit ako nagulat kung gaano na kadaming pera meron sya. Kaya kahit mag anak sila ng isang daan kayang buhayin yun lahat ni Bryn." Sabi ni Hanamichi

Napahinga ng malalim si Fujima "Sakuragi ang pagiging mag asawa ay hindi lang tungkol sa pera. Ang tinutukoy kong kinabukasan ay ang pagsasama nila, hindi pa nila ganon ka kilala ang isat isa kaya baka mahirapan silang mag adjust sa mga ugali nila kung ikakasal agad sila." Sabi ni Fujima

"Edi kilalanin nila ang isat isa. Ganon lang yun kasimple Mr. Substitute. Ayoko naman ng nililimitahan naten ang mga gustong gawen ng mga anak naten at kung saan saan pa ito nagaganap. Nakita mo ang nangyari. Dahil sa ginawa nilang kababalaghan nandito tayong lahat ngayon. ang sa akin lang hayaan nateng gawen nila ang ikakasiya nila.WAHAHAHAHHA. sige Bryn itaas mo ang bandila ng mga Sakuragi at bigyan mo na ako ng apo." Sabi ni Hanamichi

Muling napahagikgik ng tawa si Ryco "grabe si Ninong, sana ganyan din sya ka suportado sa amin ni Nami. Pero sa kasamaang palad kabaliktaran." Sabi nito sa isip nya

"Sakuragi, tanungin muna naten ang mga bata, kung gusto nila yang kasalang sinasabi mo. Pag pumayag sila, sige wala akong tutol, bukas na bukas ikakasal sila. May kilala akong pwedeng magkasal sa kanila." Sabi ni Fujima

"Papa pati ba naman ikaw?" namumulang tanong ni Empress

"May punto naman si Sakuragi kahit konte, kung hindi nyo ginawa yun wala tayo dito. At hindi nyo gagawen yun kung hindi nyo gusto ang isat isa. Kaya ngayon bilang ama ni Empress tatanungin kita Bryn, mahal mo ba si Empress at handa ka bang pakasalan ito?" seryosong tanong ni Fujima

"Yes I love her and she knows that. And about the marriage I'm financially, physically, emotionally, psychologically, spiritually and sexually ready." Nakangiting sabi ni Bryn

"Yan ang panganay ko, ang nag iisang magpaparami ng lahing Sakuragi. Dapat mana ka sa akin, dapat tulad mo lalaki ang panganay mo. Para madadagdag agad ang magpaparami ng lastname naten." Sabi ni Hanamichi habang minamasahe ang balikat ng anak

"Sakuragi magseryoso ka naman kahit ngayon lang. bakit parang biro lang sayo ang nangyayari ngayon?" tanong ni Fujima at napahawak sa noo nya

"Hoy Mr. Substitute anong hindi seryoso? Diba ikaw ang may idea na tanungin sila, hindi ka ba kumbinsido sa sagot ng anak ko. Sexually ready na daw kaya usapang apo na ito. Proud na proud ako sayo Bryn, talagang nananalaytay sayo ang dugo ko.WAHAHAHH" Sabi ni Hanamichi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon