Chapter 28

290 17 11
                                    

Nagpunta sina Ryco at Nami sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan nina Nami, maya maya pa ay dumating na si Ryota. Agad nitong kinumpronta ang anak nya.

"Ryco ano nanamang ginawa mo? Bakit dumurugo ang ilong ni Bryn? Akala ko ba nagbabago ka na? kasama mo si Nami pero nakikipag away ka." sermon ni Ryota

"Naman Dad? Ako nanaman ang mali sa paningin mo, sana magtanong ka muna bago ka magRAP dyan." Sabi ni Ryco

"Tito Ryota ayoko pong maki alam sa usapan nyo ni Ryco. Pero ako po ang dahilan kaya sinuntok ni Ryco yung lalaking yun. Basta na lang po akong niyakap ng lalaking yun." Kwento ni Nami

"Ano? Bakit daw nya ginawa yun? Buti hindi si Hanamichi ang nakakita sa kanya kung hindi, baka hindi lang suntok ang inabot nya." Sabi ni Ryota

"Attracted daw sya sa hair ni Nami ang bastos na yun." Inis na sabi ni Ryco

"Mukhang may pagkabastos nga ang player ng Kainan na iyon. Hayaan nyo na si Maki na ang bahala sa kanya." Sabi ni Ryota

"Pero Dad alam mo nung tumingin sya saken parang nakita ko na sya kung saan, di ko lang maalala." Sabi ni Ryco

"Ganon ba Ryco, hayaan mo na lang sya. Nami ipapa alam mo ba kay Hanamichi ang nangyari? Tyak magwawala yun pagnalaman nya." Tanong ni Ryota

"Okay lang naman po ako Tito, buti po dumating agad si Ryco. Hindi po ako sanay na may secret kay Papa pero hindi ko na lang sasabihin kay Papa, baka po mag alala pa sya o magalit." Sagot ni Nami

Maya maya pa ay dumating na si Hanamichi, hindi na binanggit ni Nami ang nangyari. Sumakay na sila sa sasakyan at umuwi. Sina Ryco at Ryota naman ay sumakay na sa motorbike at magkasamang umuwi.

MAKIS'S RESIDENCE

"Bryn say something. Anong nangyari? Bakit ka sinuntok ng anak ni Miyagi?" galit na tanong ni Maki

"Sinuntok nya ko dahil nagseselos sya, pero it's nothing Tito. It's just a hug at sa culture na kinalakhan ko it's okay to hug a girl you admire kahit di mo kilala." Sabi ni Bryn

"Bryn tatlong araw ka pa lang dito sa Japan pero pinapasakit mo na ang ulo ko. Iba ang culture na kinalakhan mo sa culture dito. Pag ipinagpatuloy mo yan talagang mapapaaway ka at magumukha kang bastos." Paliwanang ni Maki

"Sorry for that Tito Maki, next time I will be more careful. I don't want to be your problem." Sabi ni Bryn

"Oo ayoko ng problema Bryn ikaw ang nagpupumilit na pumunta dito sa Japan. Teka ano nga ba ang dahilan mo, bakit gusto mo dito sa Japan. At bakit mo iniwan ang magandang buhay mo sa UK? Ang tagal mo ng model dun diba?" tanong ni Maki

"Tito Maki hindi po ako sigurado pero I think may itinatago sina Mommy at Daddy saken, at gusto ko pong malaman kung ano yun. Madami din po akong tanong sa isip ko at sa tingin ko po ay nandito sa bansang ito ang mga sagot." Sagot ni Bryn

"Sina Jin at Bianca may itinatago sayo? Pano mo nasabi yan? At anong mga tanong ang sinasabi mo?" paglilinaw ni Maki

"Mahal po nina Mommy at Daddy wala po akong duda dun. Pero one time narinig ko po silang nag aaway tungkol saken, pinipilit ko po kasing manood si Dad ng game ko pero never nya po akong pinagbigyan. Nagtataka lang po ako dahil basketball player din sya kaya dapat proud sya na basketball player din ako. pero never ko po iyon naramdaman. Never nya akong sinuportahan sa mga game ko. Yan po ang una kong tanong, bakit never naging proud si Dad sa mga achievements ko pagdating sa basketball."sabi ni Bryn

"Yun lang? Baka busy lang si Jin or gusto nyang magkaron ka ng sariling pangalan pagdating sa basketball. Yung gusto nyang sumikat ka dahil sa sarili mong effort hindi dahil sa anak ka nya. Pero sigurado akong proud sya sayo." sabi ni Maki

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon