"Nagiging mainit ang mga eksenang kaganapan dito. Mukhang kailangan na nateng itigil ito manager Kezzia, baka mamaya kung anong maganap." Natatawang sabi ni Yuan
"Sa wakas may sinabi ka ding tama Yuan, oo itigil na naten itong game na ito." Pagsang ayon ni Kezzia
"Pag usapan na lang naten ang nalalapit na elimination." Sabi ni Nash
"Sige pag usapan nyo ang mga nalalapit nyong game, kameng girls matutulog na. Good night sa inyo, good night Dion." Nakangiting sabi ni Mari
"Good night Mari, pa-hug muna bago ka matulog." Malambing na sabi ni Dion at niyakap si Mari
"Sige girls tulog na kayo, good night. Good night Kezzia I love you." Sabi ni Toby at hinalikan si Kezzia sa noo
"Good night Toby, I love you too." sabi ni Kezzia at yumakap sa boyfriend nya
"Nami alam mo na, good night" nakangiting sabi ni Ryco, tumango naman si Nami at kasama ng ibang girls na nahiga sa kama
"Oo tama ka Nash simula na ng elimination, sa Monday makikita na naten ang block ng magkakalaban this year. Ang Kainan ay isa sa top 4 last year." Sabi ni Ryco
"Ngayong nakilala ko kayo parang gusto kong lumipat sa Shohoku, sina Daddy at Tito Maki kasi ang may gusto na sa Kainan ako mag aral." Sabi ni Nash
"Siguro ganon talaga Tol, sina Papa, Tito Kaede at Ninong Hanamichi ang gusto din ay sa Shohoku kame maglaro ni Toby sa dati nilang team." Paliwanag ni Yuan
"Nash anong position na nilalaro mo?" tanong ni Dion
"Tulad ni Daddy small forward ang nilalaro ko. Pero pwede ding shooting guard." Sagot ni Nash
"Sana makalaro kami nina Yuan at Dion this elimination, ayokong mabangko." Sabi ni Toby
"Twin Ace mababangko? At si Dion sa laking yan tyak malakas ang team nyo." Sabi ni Nash
Habang nag uusap ang mga boys about sa papalapit na elimination ay biglang pumasok si Ai at Kumi sa room ni Nami. "Boys matulog na kayo, natutulog na mga daddy nyo. Punta na kayo sa guest room." Sabi ni Kumi agad namang tumayo ang mga ito at nag tungo sa guest room para matulog.
Lumipas ang week end balik school sina Nami at ang iba pa. Magsisimula na din ang elimination kaya kailangan ni Ryota at Ryco na pumunta sa Kanagawa Sports Association para umatend ng meeting para sa mga nalalapit na laro. Si Ryco bilang team captain ng basketball team at si Ryota bilang basketball coach ng Shohoku.
Bago umalis ng school pinuntahan ni Ryco si Nami "Nami sorry hindi kita maiihatid ngayon. pupunta kasi kame ni Dad sa KSA, a-attend kame ng meeting para sa nalalapit na elimination." Paalam ni Ryco kay Nami
"It's okay Ryco, susunduin naman ako ni Papa, mag iingat ka ha." Nakangiting sabi ni Nami
"Yes mag iingat ako para sayo. At ikaw mag iingat ka din lagi, tandaan mo papakasalan pa kita." Nakangiting sabi ni Ryco
"Tama na ang pambobola mo Ryco. Sige na alis na baka mahuli ka pa magagalit ang Daddy mo." Kinikilig na sabi ni Nami
Nagtungo sina Ryota at Ryco sa Kanagawa Sports Association, samantalan sinundo naman ni Hanamichi si Nami sa Shohoku.
"Hi Princess, kumusta ang araw mo?" tanong ni Hanamichi sa anak
"Okey naman po Papa, malapit na din po ang first quarter exam namen kaya nagsisimula na po akong magreview." Sagot ni Nami
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...