Dahil sa nakita ni Bryn naisip nyang umalis na lang at wag nang magpakita sa dalaga "Aalis nanaman ba ako, paiiralin ko nanaman ba ang kaduwagan ko para harapin ang totoo. Hindi ko masisisi si Empress kung nagdesisyon syang ipagpalit ako, kasalanan ko basta na lang ako umalis ng hindi sya tinatanong, sobrang nasaktan ko sya. Kaya ngayon haharapin ko sya at hihingi ako ng tawad, kahit naninikip na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. At this moment all I want is mapatawad nya ako, pag nangyari yun tuluyan ko na syang papalayain at kakalimutan." Sabi ni Bryn sa sarili at naglakad papalapit kay Empress at sa batang kalaro nito
Habang naglalakad papalapit si Bryn ay nakita sya ni Empress at ng batang kasama nito. Sa mga oras na iyon hindi malaman ni Empress ang gagawen ng makita nya ang binata. Sobra syang nabigla sa biglang paglitaw ni Bryn. dahilan para mabitawan nya ang kamay ng bata na hawak hawak nya. Tumakbo ang bata papalapit kay Bryn "Bryn, anong ginagawa mo dito? Bakit masyadong biglaan ang pagbabalik mo?" tanong nito sa isip nya
"Tito Genius" masayang bati ng bata at yumakap sa mga hita ni Bryn
Umupo si Bryn at kinarga ang bata "Tito Genius?" gulat na tanong nito sa bata
Hindi kaagad nakagalaw si Empress sa sobrang pagkabigla, mahigit dalawang taon nyang hindi nakita si Bryn. At wala naman silang formal break up ng binata, nakaramdam sya ng pagbilis ng tibok ng puso at di malaman ang gagawen. Ngunit nang makita nyang karga karga na ni Bryn ang bata lumapit sya sa dalawa "Hindi sya ang Tito Genius mo Baby, but he is the son of your Tito Genius. Hello Bryn, akala nya ikaw si Tito Hanamichi, pasensya na." Namumulang sabi ni Empress at akmang kukunin ang bata kay Bryn
Pero itinaas ni Bryn ang bata dahilan para hindi ito maabot ni Empress "Kilala nya si Papa?" gulat na tanong ni Bryn
Muling ngumiti si Empress "Yah kilala nya si Tito Hanamichi. Nung umalis ka Tito Hanamichi always check on me. He keep in touch with me and sa family ko, nakaka-touch nga sa part na lagi nya akong kinakamusta at binibisita para lang malaman kung okay lang ako. Kaya ayan close na close silang dalawa." kwento ni Empress at muling tinangkang kunin ang bata
Pero muli itong itinaas ni Bryn "Wow this is so fun, higher higher." Masayang sabi ng bata habang hawak hawak ni Bryn
"Empress kamukhang kamukha mo sya." Sabi ni Bryn at tinitigan ang mukha ng batang hawak nya
"Tito Genius do you know who is Bryn?" pautal utal na tanong ng bata
Ngumiti si Bryn "I don't know who Bryn is? Sino ba sya?" tanong nito sa bata
"This is only a secret; pero I will tell it to you." Muling pautal utal na sabi ng bata
"Baby secret is a secret diba? Walang ibang dapat maka alam." Namumulang sabi ni Empress
"But Tito Genius is my friend. I will tell him the secret." Utal na sabi ng bata
"Yes you and I are friends so you must tell me the secret. What is it?" nakangiting sabi ni Bryn
"Bryn is the guy my ate loves. And she always kissed the picture of Bryn. But Bryn don't love my Ate, he always made her cry." Malungkot na kwento ng bata
"Ate? Inig sabihin kapatid nya ang batang ito at mali nanaman ang iniisip ko. " gulat na tanong ni Bryn
Lumapit si Empress sa bata "Baby secret is a secret. Bawal yun sabihin sa iba. It's only between you and ate." Sabi ni Empress dito
Bigla namang sumingit si Bryn sa usapan ng dalawa "Baby I have a question? Do you think your ate is mad to Bryn?" tanong ni Bryn
"Hmmmmm no, Ate never got mad at him. Ate only loves him. That is what she always told me." Sagot ng bata
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...