Chapter 101

296 22 19
                                    

Nagsimula ang opening ceremony para sa Sepak Takraw tournament, ipinakilala ang ibat ibang school mula sa ibat ibang district ng Japan. Tatagal ang mga laro ng isang linggo at pagkatapos nito ay kikilalanin na ang Campion. Tinawag ang mga coach at team captain ng bawat school para sa bunutan kung sino ang makakalaban, at para inanunsyo ang mga magaganap sa kada laro.

"Ngayon sisimulan na ang mga laro! Tulad ng mga nagdaang taon single elimination ang laro, meaning kapag natalo kayo oras na para umuwi. Sa mga larong magaganap din kami pipili ng mga players na maaring maging national players, syempre kung gusto nyong mapili dapata nasa 1st, 2nd, o 3rd place kayo. Mayroon apat na playing court na gagamitin, dalawa para sa mga babae at dalawa para sa mga lalaki. Kung wala ng tanong maari na kayong bumunot para mai-set naten ang playing block." Sabi ng Tournament manager

Nakita ni Ryan na malalim ang iniisip ni Empress "Hey may problem aba Empress? Kinakabahan ka ba?"tanong ni Ryan

"Hindi Ryan, kasi Coach Regie wala pong coach kaming mga girls dahil po sa mga boys kayo pu-pwesto?" tanong ni Empress

"Ganon na nga Empress, pero nandyan naman si Ryan. Sya ang tatayong coach nyo habang hindi sya naglalaro, sana lang hindi magkasabay ang mga games nyo." Sagot ni Coach Regie

"Ako ang bahala sa inyo Empress, basta sana wag magkasabay ang game naten." Sabi ni Ryan at niyakap si Empress, agad namang kumawala si Empress sa yakap ni Ryan dahil sa ilang,

"Sige po Coach and thank you Ryan for being here.." Sabi ni Empress at saka bumunot para sa game block nila

Dahil lahat ng coach at team captain ay pamilyar na sa set up ay wala ng nagtanong at isa isang bumunot. Matapos bumunot si Coach Regie at si Empress agad na lumapit si Ryan sa mga ito "Coach pang ilan po tayo? At sino po ang makakalaban naten?" tanong ni Ryan

"First game tayo at mamaya pa iaanunsyo kung sino ang makakalaban naten.. Sabihin mo na sa mga kasama mo na magwarm up na sila. 10am ang simula ng game naten." Sagot ng coach

"Ayos, Excited na kong maglaro. Empress kayo pang ilang game kayo?" tanong ni Ryan

"Second game kame Ryan." Sagot ni Empress

"Mabuti at hindi sabay ang game naten, siguro naman tapos na ang dalawang set namen bago kayo maglaro. Mas matagal kasi ang game naming mga boys, masusuportahan kita mamaya sa game mo. Halika na at sabihin na naten sa iba ang mga magaganap." Pag aaya ni Ryan at hinawakan sa kamay si Empress

Sa napatitig si Empress kay Ryan sa paghawak nito sa kamay nya "Boyfriend ko na nga pala si Ryan, bakit ganito parang hindi na ko excited at kinikilig? Parang nakakaramdam ako ng ilang." tanong ni Empress sa isip nya at naglakad nakasama si Ryan



Nakaabang ang mga teammates nila sa pagbalik ng dalawa "Oy holding hands talaga ang dalawang captain." Pang aasar ni Ian

"Sira ka talaga Ian, sa halip na itanong mo ang tungkol sa laro naten pagiging chismoso moa ng pinairal mo." Sabi naman ni Mark

"Captain anong balita? Pang ilang game tayo at sino makakalaban naten?" tanong naman ni Gerard

"First game tayo mga boys, pero about sa kung sinong makakalaban hindi pa alam. Mamaya pa daw sasabihin sabi ni coach." Sabi ni Ryan

"How about us naman Empress?" tanong ni Rona

"Second game tayo girls kaya pwede muna tayo manood sa game nila, but matagal ang game ng mga boys kaya maaaring magsabay ang mga laro naten kaya standby tayo sa girls court." Sabi ni Empress

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon