Chapter 66

254 23 5
                                    

Dahil sa reaction ni Bryn nagkatinginan na nakangiti ang mag ina, sina Bell at Bianca. Nakita nila ang paghanga ng binata kay Empress "Hey young man come and join us. Mukhang gutom na gutom ka na dahil napanganga ka dyan." Pang aasar ni Bianca sa anak

"Yah big brother, sa laki ng pagkakanga-nga mo baka mapasukan ng langaw yang bibig mo. Come over here and eat. Sit beside Ate Empress." Sabi ni Bell

Biglang isinara ni Bryn ang bibig nya at naupo sa tabi ni Empress para kumain, tumingin sya kay Empress na tahimik na kumakain "Tumatahimik ka din pala? Bilisan mo sa pagkain dyan, may pupuntahan pa ako after kong ihatid ka." supladong sabi ni Bryn, tumango lang at nagpatuloy si Empress sa pagkain

"Alam mo Bro it's amazing na tumahimik yang sigang yan. Grabe ang ingay nya akala mo hindi babae. Akala ko maingay na si Manager Kezzia may mas malala pa pala. Partida ngayon pa lang kami nagkita ha." Natatawang sabi ni Yuan

Ngumiti si Bryn kay Yuan "Sinabi mo pa Bro, kung alam mo lang ang mga sinabi at ginawa nyan saken kagabi. Parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko dahil sa mga ginawa nya." Napapa iling na sabi ni Bryn

"Bakit ang mean nyong dalawa kay Ate? Ikaw Baby baka crush mo sya pero dinadaan mo lang sa kakaganyan mo ha? At ikaw naman Kuya baka ilang araw pa lang kaming nakaka alis dito sa Japan ibabalita mo sa amin ni Mommy na GF mo na si Ate Empress." Nang aasar na sabi ni Bell

"Di ko sya crush, hindi pa ba malinaw sayo na ikaw ang gusto ko." Sabi ni Yuan

"What? Bell you know my type, hindi ko magugustuhan ang isang babaeng lalaki pa sa aking kumilos at magsalita. At bakit ate ang tawag mo sa kanya, ganon mo ba sya kagusto para saken?" tanong ni Bryn

Natawa naman si Bell "My brother is too much affected. Look at her ang ganda ganda nya and you can't deny na kanina napanga-nga ka sa ganda nya. And for your information, I call her ATE because she is older than me and to you also, that is a sign of respect." Mataray na sagot ni Bell

Hinagpos naman ni Yuan ang likod ni Bell "Baby ang puso mo, aalagaan ko pa yan. Kaya wag kang ma-stress dahil sa babaeng sigang yan." Malambing na sabi ni Yuan

Ngumiti si Bell kay Yuan "I'm fine Baby, wala kang dapat ipag alala. Ganito lang talaga kaming mag usap ni Kuya, nagkakaganyan lang naman sya pag may bagay syang hindi maamin or kinikimkim." Natatawang sabi ni Bell

"I agree with you Bell, this young man only acts like this kapag may gusto sya at di nya makuha. We really know you Bryn at wala kang maiisekreto sa amin." Pang aasar pa ni Bianca

"Mommy and Bell stop it. I don't like her at wag nyong ipilit. Oi ikaw hintayin na lang kita sa may guard sa baba, tapusin mo na yang pagkain mo." sabi ni Bryn kay Empress

Tumingin si Empress kay Bryn at parehong namula ang mukha ng dalawa "Okay I will go there to see you after I eat but hindi ka pa kumakain? Nag-coffee ka lang?" sabi ni Empress

"Nakita mo yan Bryn, she is concern with you. Tapos ikaw wala ka man lang kasweet sweet dyan." Nakangiting sabi ni Bianca

"Hindi ako kumain dahil nawalan na ako ng gana dahil sa pinag uusapan naten. So finish your food and I will wait for you sa baba." Utos ni Bryn at tuluyan ng lumabas ng condo unit

As soon as nakalabas si Bryn napasandal sya sa pinto "Damn, ano tong nararamdaman ko. Nagsinungaling ako kina mom at Bell nung sinabi kong hindi ko gusto ang babaeng yun, but I can't deny to myself na attracted ako sa kanya. At kagabi pa akong my nararamdamang kakaiba sa kanya." Inis na sabi ni Bryn sa sarili at tuluyan ng bumaba

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon