Pumunta ang dalawang team sa mga pwesto nila para sa jump ball, si Ken para sa third year at si Dion sa mga new members. Hawak ni Kezzia ang bola.
"Ngayon makikita naten ang galing mo Toby Rukawa. Baka puro hangin ka lang." sabi ni Ryco sa isip nya
Tumingin si Kezzia kina Ken at Dion "Ready na kayo?" tanong nito
Tumango naman sina Ken at Dion, inihagis ni Kezzia ang bola. Unang natapik ni Ken ang bola papunta sa direction ni Ryco. Nasalo ni Ryco ang bola ng biglang lumitaw si Yuan at tinapik pataas bola. Agad namang naka abang si Toby para saluhin ang bola. Nakuha ni Toby ang bola, mabilis syang nagdribble at ipinasa kay Dion ang bola. Pagsalo ni Dion idinakdak agad nya ang bola.PASOK!!! At naghigh five ang tatlo sina Yuan, Toby at Dion para sa matagumpay na unang puntos nila.
Nang biglang may mga nagtiliang mga babae.
"YUANNNN......!"
"MITO.....!
"YUAN NANDITO NA KAME!"
"YUAN KUMPLETO KAMENG FANS CLUB MO!"
"DITO KAME LAHAT SA SHOHOKU NAG ENROL!" sigawan ng Fans club ni Yuan.
"Nyaaaaaaaaaaa at hanggang dito ba naman? Akala ko nakawala na ako sa sumpa nyo dahil high school na ako." gulat na sabi ni Yuan ng makita ang fans club nya
"Hanep Tol yang fans club mo, hanggang dito sa Shohoku sinundan ka. Wala na kong ma-say! Ang gwapo mo!" natatawang sabi ni Toby
"Naks! Ang cute may fans club." Nakangiting sabi ni Dion
"Magugulo nanaman ang buhay ko dahil sa mga yan. At tyak dadami pa sila." Inis na sabi ni Yuan
Samantalang sa team ng mga third year "Ryco naagawan ka ng first year na yun? Mukhang hindi naten dapat maliitin ang tatlong yan?" tanong ni Ken
"Mabilis pala ang Yuan na yun. Hindi ko namalayan ang paglapit nya saken. Ginulat nya ako dun. Hmmmm... Magiging maganda ito." Sagot ni Ryco
"Nagsisimula palang ang agresibo na nila. Unang pagkakataon pa lang nilang maglaro as a team pero maganda ang ipinakikita nila. Yun pala ang twin ace ng Kanagawa. At si Dion, ang galing nya sa team work.at walang kayabang yabang sa katawan." Nakangiting sabi ni Ryota
At nagpatuloy ang laro. Nagdidribble si Yuan. Bigla nyang binilisan at akmang titira sa 3 point line ng hinarangan sya nina Ken at Ryco. Ngumiti si Yuan habang ibinaba ang kamay na may hawak ng bola at ipinasa kay Toby na naka abang na sa kanya. Nasalo ni Toby at nagdribble then tumira ng jump shot. PASOK! Nakangiting nag-wink si Toby kay Kezzia.
"Ano ba mga third year, galaw galaw. Ipinapahiya nyo ang team. Mga first year ang kalaban nyo!" Sigaw ni Kezzia
"Nagsisimula pa lang ang laro Kezzia. Wag kang kabahan dyan, kailan ko ba ipinahiya ang team?." Sabi ni Ryco
Dahil sa naunang nakapuntos ang mga new members nagsimula ng mag init ang mga third year at nakipagsabayan na sila sa laro. Naging maganda ang laro at hindi naman nagpalamang ang mga new members sa mga third year. Nagdidribble si Toby ng sinalubong sya ni Ryco at madaling naagaw ni Ryco ang bola, inikutan nya si Toby at mabilis na nagdribble ang gumawa ng jump shot.PASOK! Nagsigawan ang mga fans ni Ryco.
Nagpatuloy ang laro, opensa naman ang mga new members. Nagdribble si Yuan, sinalubong sya ni Lance at mabilis na umabang si Ryco sa likod ni Yuan para maagaw ang bola pero mabilis na lumitaw si Toby sa harap ni Yuan at naipasa nito ang bola. Nagdribble si Toby at ipinasa kay Dion ang bola na nasa 3point line. Tumira si Dion.PASOK!
"Ang galing, parang may dalawang Rukawa sa loob ng court. Ang galing nila. Napakahusay ng pagkakaturo sa dalawang ito. Ang ganda ng mga kumbinasyon nila. " sabi ni Miyagi sa isip nya
Natapos ang laro ng third year laban sa mga new members. Nanalo ang mga third year sa score na 27-25.
Lumapit si Ryco sa team ng mga new members. "Nice game mga boys. Magagaling pala talaga kayo. Akala ko puro papogi lang kayo. Masaya ako na kateam ko kayo, excited na ako para sa mga magiging games naten." Sabi ni Ryco at iniabot ang kamay nya for shake hand
"Salamat Captain." Sabi ni Toby at nakipag shake hands
"Nice game Captain. Napakahusay mo." Sabi ni Yuan at nakipagkamay din
"Karangalan kong mapasama sa Shohoku team at maging team captain ka." sabi ni Dion then nakipagkamay din kay Ryco
"Malakas ang team ng Shohoku at lalong lalakas pa dahil sa inyo. Mukhang excited na ko sa mga darating na laro sa elimination." Nakangiting sabi ni Ryco
"Coach mukha pong wala atang sapi si Ryco? Ang humble ata nya ngayon. Ano po bang agahan nya at ganyan sya." Sabi ni Kezzia
"Mukhang excited sya sa mga bago nyang teammates. Sana nga tuluyan ng mawala ang sapi nya lalo na ang kayabangan nya." Nakangiting sabi ni Miyagi
After ng game nagsi-uwian na ang mga players nagmamadaling nagbihis sina Toby at Yuan dahil baka maghintay nanaman si Nami. Katulad nila nagmamadali ding lumabas si Ryco.
"I'm sure nasa labas yung magandang babae. This time kailangan ko na syang makilala." Sabi ni Ryco sa isip nya. Lumabas sya ng gym at nakita nya agad si Nami "Bingo ayun sya." Sabi ni Ryco at agad na nilapitan ito
"Hi Ms. Nagkita ulit tayo." Bati ni Ryco pero hindi nagsalita si Nami, tumingin lang sya at ngumiti
"Ang ganda talaga nya, lagi pa syang nakasmile. Pero bakit hindi nya na ako kinakausap ngayon? Dahil kaya kay Yuan?" tanong ni Ryco sa isip nya
Naglalakad naman si Dion palabas ng gym. Nakuha ni Nami ang atensyon nya. "She's beautiful, nagpadagdag pa sa ganda nya ang red hair nya. Lakas ng dating nya. Girlfriend kaya sya ni captain? Ang swerte naman ni captain." Nakangiting sabi ni Dion
Lumapit si Dion sa dalawa. "Captain is she your girlfriend? She's beautiful." Sabi ni Dion dahilan para mamula ang mukha ni Nami
"Hindi, hindi ko sya GF. Hindi ko nga alam name nya." Sagot ni Ryco
"Talaga hindi mo girlfriend? Hi Ms. I'm Dion Mitsui, anong name mo? Maari ko bang malaman?" nakangiting tanong ni Dion dahilan para lalong mamula ang mukha ni Nami
"Ang gentleman nya, parang si Papa. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko." Sabi ni Nami sa isip nya
"Nami Sakuragi" sagot nito
"Ang ganda naman ng name mo, parang ikaw." Nakasmile na sabi ni Dion
"Thank you." Namumulang sagot ni Nami
"Nice to meet you Ms. Nami. Pero bye na muna for now. Hope to see you around. Because I want to know you better." Paalam ni Dion
"Nami Sakuragi pala ang pangalan ng magandang ito. Pero bakit namumula ang mukha nya. Bakit si Dion kinakausap nya. Bakit ako hindi? " Inis na sabi ni Ryco sa isip nya
(Baka po may mali sa basketball rules. Sorry na po.Lab Lab Lab)
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...