Chapter 32

337 20 12
                                    

Nagtungo sina Mari at Bryn sa registrar ng Kainan High para mag enroll. Ipagpapatuloy ni Bryn ang pag aaral nya sa Japan habang naninirahan sya dito. Habang naglalakad sa corridor ng Kainan building hindi maiwasang pagtinginan si Bryan dahil sa tangkad nito at aking kagwapuhan.

"Hoy Bryn Jin sigurado ka bang mag e-enroll ka na dito sa Kainan? Hanggang kailan mo ba balak magstay dito Japan?" tanong ni Mari

"Oo, sigurado akong mag e-enroll na ako dito sa Kainan. Nakikita mo naman oh, nakasuot na ako ng Kainan uniform tapos magtatanong ka pa. and hindi ko alam kung until when I will stay here in Japan." Sagot ni Bryn

"Alam mo ba saksakan ka talaga ng yabang at napaka suplado mo. Hindi na ako magtataka kung mamaya ipapatawag si Dad dito sa school, dahil napaaway ka. HAMBOG!" inis na sabi ni Mari

"What's your problem Mari? I just answer your questions, bakit ka nagagalit dyan. And kung mapaaway man ako, don't worry I'm a man of steel. Kayang kaya ko ang sarili ko." Sagot ni Bryn

"OMG! Man of steel? Superman lang. sana nga mapa away ka then mapa umpog yang ulo mo para mabawas bawasan yang kayabangan mo. Tara na nga." Inis na pag aaya ni Mari

"Oi lumayo layo ka nga saken Mari, baka isipin nila GF kita. Ang malas ko naman kung iisipin nila yun, napaka walang taste ko naman." Natatawang sabi ni Bryn



Nakipag usap si Bryn sa secretary sa registrar office at ipinasa ang mga requirements nya para makapag aral sa Kainan High. Binayaran na din nya ng buo ang tuition fee nya kahit hindi nya sigurado kung magtatagal sya sa Japan.

"Everything is okay na Mari. Samahan mo na ko sa classroom ko, but wag kang didikit saken ha. Keep distance." Nakangising sabi ni Bryn

"Kung ayaw mo kong dumikit sayo edi pumunta ka mag isa sa classroom mo. Pero don't forget mamaya after class may lakad tayo." Sabi ni Mari

"I don't know this place pa diba? So dapat samahan mo ako. wag ka ng maarte dyan, it's your pleasure na makasama ako. at alam mo bang yan ang pinapangarap ng ibang mga babae sa buong mundo. I will see you sa parking after class." Nang aasar na sabi ni Bryn

"Damn! Whatever." Sabi ni Mari at naglakad papunta sa building ng mga first year at itinuro kay Bryn ang classroom nya, saka nagtungo sa sarili nyang klase



Nagtungo sina Bryn at Mari sa kanikanilang klase. Lumipas ang oras at natapos na ang class hour. Nagtungo muna si Mari sa ladies room para mag ayos ng kanyang sarili, matapos mag ayos ay nagtungo na sya sa parking lot. Lumapit sya sa kotse ni Bryn at buhay na ang engine nito. Binuksan nya ang pinto sa may front seat at naupo katabi ni Bryn

Tumingin si Bryn sa relo nya "What took you so long? Ako pa ang pinaghintay mo." Sabi nito

"Hey 20minutes pa lang after mag-dismiss ng class! Naka-shades ka nanaman? Syempre nag CR muna ako at nag ayos ng sarili ko, makikita ako ni Dion so I must look beautiful." Sabi ni Mari

Napatawa naman si Bryn"Kahit isang tambak na make up pa ilagay mo sa mukha mo ganyan na yan. Wala ng igaganda. Lagi akong naka-shades basta nasa labas ng bahay." Sabi nito

"Bakit ba napaka hilig mong mang alaska? Hindi kita inaano dyan ha. Napaka balasubas nyang bibig mo." Inis na sabi ni Mari

"So, tell me the direction going Shohoku, diba dun tayo pupunta?" sabi ni Bryn

"Ayoko makipag usap sayo. May phone ka diba? Mag-google map ka." galit na sabi ni Mari

"Naks! Nagtatampo sya. Sorry na, pero panget ka naman talaga. AHAHAHAH" sabi ni Bryn at isinet up ang phone nya para sa google map.

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon