Chapter 45

332 21 15
                                    

Halos hindi nakatulog si Hanamichi sa kakaisip sa magiging resulta ng DNA test nila ni Bryn. Pinagmasdan nya ang natutulog na si Kumi."Boss namimiss na kita, sana sa mga susunod na araw hindi ka na busy. Thank you sa lahat, thank you sa pagdating sa buhay ko, thank you sa pagtanggap kay Bryn. Mahal kita isaksak mo yan sa kokote mo." Nakangiting sabi ni Hanamichi



Nasa dining table para mag agahan ang pamilya ni Hanamichi ng dumating si Bryn. "Good morning po Papa, Tita Kumi and Nami." Bati nito

"Bryn you're so early. Nag-breakfast ka na ba? Come join us." Nakangiting sabi ni Kumi

"Thank you po Tita. Opo, pumunta po talag ako ng maaga. Nasa bahay pa po ang kotse ni Papa, naisip ko po na ako na po ang maghahatid kay Nami sa school." Sabi ni Bryn at naupo para kumain

Ngumiti naman si Nami "Really? Ihahatid mo ko sa school, hindi ba nakakahiya sayo? Pwede naman akong sumabay kay Toby." Sabi nito

"Oo nga pala, nakina Lolo pa nga pala ang sasakyan ko, naku baka ipakilo nay un ni Lolo dun. Mamaya dapat mai uwi ko na yun." Sabi ni Hanamichi

"Yah it's okay Nami, isa yun sa duty ko as your older brother. Inihahatid ko din sa school si Bell yung sister ko na nasa UK." Nakangiting sabi ni Bryn

"Ang bait mo namang Kuya, last night nag-promise ka ng shopping, hmmmm akala mo nakalimutan ko yun, hindi. Then today ihahatid mo ko sa school. Thank you in advance," sabi ni Nami

"Bryn baka naman i-spoiled mo si Nami ha. Gustong gusto nya ang mga ganyan." Nakangiting sabi ni Kumi

"No Tita, babawi lang po ako sa kanya. I want to take care of her po and gusto ko pong mafeel nya na my brother sya." Nakangiting sabi ni Bryn

"Mamaya na lalabas ang result ng DNA test naten Bryn, nakahanda ka na bang magpalit ng last name at lumipat dito?" tanong ni Hanamichi

"Opo Papa, pero I want to talk muna din po kina Mommy and Daddy bago naten ipabago ang last name ko. I want them to know it in respectful manner. Gusto ko pong maayos ang lahat, ayoko po ng magkaron kami ng samaan ng loob sa isat isa." Sabi ni Bryn

"Tama yan Bryn, kung mapatunayan nateng anak nga kita ayokong kakalimutan mo si Jin na tumayong ama mo bago mo ako nakilala. Kahit ako makikipag usap din sa kanila." Sabi ni Hanamichi

"Tama yan Love and Bryn, bago nyo gawen ang mga plano nyo its nice na dapat naka usap nyo sina Jin at Bianca. " sabi ni Kumi

Sabay sabay kumain ang pamilya ni Hanamichi na kasama si Bryn. Matapos kumain ay nagpaalam na si Nami para pumasok sa school at nag paalam na din si Bryn para ihatid si Nami. "Papa ako na po ang maghahatid kay Nami, babalikan ko na lang po kayo dito." Sabi ni Bryn

"Bye po Mama at Papa, papasok na po ako." paalam ni Nami sa parents nya at sumakay na sa kotse ni Bryn



"Hi Nami, I will be your driver for this morning." Nakangiting sabi ni Bryn kay Nami

"Parang kang si Papa, parang baliw. Sige na ihatid mo na ako sa school." Nakangiting sabi ni Nami

"Okay po Mam. By the way Nami are you mad with me?" tanong ni Bryn

Ngumuso si Nami "Why? Bakit naman ako magagalit sayo?" tanong nito

"Kasi dumating ako sa buhay mo. Sa buhay mo na almost perfect. You have a loving parents and also mga friends, then bigla akong lilitaw at magiging part ng family mo' tanong ni Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon