Chapter 80

262 18 6
                                    

Dahil sa sigaw ni Empress naalala ni Bryn na walang syang suot na kahit ano. Para syang binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi nya inaasahang biglang lilitaw si Empress. Nakita ni Bryn na may varsiry jacket na nakatali sa baywang ng dalaga, agad nya itong hinila at itinakip sa katawan nya.

"Ano ba? Bakit mo ko hinihila, ayokong makita yang kalokohan mo." Inis nasabi ni Empress at tinakpan ng mga kamay nya ang mukha at mga mata nya

"Empress pahiram lang muna nitong jacket mo, magbibihis lang ako. wag ka munang aalis mag e-explain ako." sabi ni Bryn

Pabalik na sana si Bryn sa loob ng bar ng hinila ni Ryco ang jacket na nakatakip sa katawan nito "At saan ka sa tingin mo pupunta Kuya? May tatlong laps pa tayo. Walang dayaan." Sabi nito

"Ryco ano ba? Kailangan ko ng pumasok at makapag suot ng damit." Inis na sabi ni Bryn at nakikipaghilahan sa jacket na inagaw n Ryco

"Hindi pwede Kuya, kailangan nateng tapusin ang kasiyahang ito. Last three laps na lang naman. Teka ano bang nangyari sayo, bakit biglang nabahag ang buntot mo?"tanong ni Yuan

"Siguro dahil sa chikababe na to? Wow ang ganda pala ng taste mo Bryn, girlfriend mo?" tanong ni Toby habang nakaturo kay Empress

"Oyy babaeng siga, bakit ka nandito?" tanong naman ni Yuan

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA........... ano bang klaseng mga tao kayo? Bakit lahat kayo walang saplot, layuan nyo ko. Nakakadiri kayo." Inis na sigaw ni Empress at saka tumakbo papasakay sa kotse ng Papa nya

"Sino yun? Grabe ang lakas ng boses at ang bilis ng bibig. Katakot sya." Tanong ni Dion habang nakatanaw kay Empress

"Bryn si Empress ba yun? Sa lakas ng boses na yun sigurado akong si Empress yun. Buti na lang di nya ko nakitang ganito." Natatawang sabi ni Nash

"Bryn chikababe mo ba yun? Bakit hindi mo naman kami ipinakilala?" tanong ni Ryco

"Nililigawan ko yun, at paano sa tingin ko kayo ipapakilala. Sa itsura nateng ito? Tara na sa loob pumasok na tayo at itigil na ang kalokohang ito." Inis na sabi ni Bryn at isinampay ang jacket ni Empress sa balikat nya

Walang nagawa ang iba kundi sumonod sa naiinis na si Bryn "Mukhang bad shot si Bryn sa nililigawan nya, makita ba naman syang ganyan ang itsura." Natatawang sabi ni Dion

"Ayos lang yan Tol, lahat naman tayo pare pareho ng itsura ngayon, yun nga lang ang kaibahan. Nililigawan pa lang nya ang cute girl na yun." Sabi ni Toby

Nagmamadaling kinuha ni Bryn ang bag nya at pumasok sa comfort room ng bar para magbihis. "Anong nangyari kay Kuya? Tapos na ba ang pagtakbo nyo?" tanong ni Bell

"Natapos ng di inaasahan Bell. Nakita ng nililigawan ni Kuya mo ang kalokohang ito. Ayan tuloy nabad shot sya." Sabi ni Yuan habang nagsusuot ng t-shirt nya

"Nililigawan? Sinong nililigawan nya?" gulat na tanong ni Bell

"Si Empress ang nililigawan ni Bryn. Kanina nung inihatid nya ito ay nagpaalam na si Bryn sa Papa ni Empress na gusto nyang manligaw dito." Kwento ni Nash habang inaayos ang buhok nya

"Si Kuya Bryn may nililigawan na? tama ba ang rinig ko?" paglilinaw ni Nami

"Yung sigang yun? Nililgawan na ni Bryn? Mukhang nabubuang na ang kapatid nyo Bell and Bebe." Sabi ni Yuan

"Ate Empress is really beautiful and kung sya ang magiging GF ni Kuya Bryn hindi ako mag aalalang pera lang ang habol nya dito. Kasi yung tipo ni Ate Empress na walang ka arte arte sa katawan is very precious." Sabi ni Bell

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon