Narating nila ang bahay nina Empress, mula sa kotse natanaw nila ang sasakyan ni Fujima na nakapark na sa garage nila."Nandito na si Papa." Sabi ni Empress
"That's good para maka usap namen sya." Sabi ni Bryn at bumaba sa sasakyan nya, nagtungo ito sa tapat ng front seat at pinagbuksan si Empress ng pinto. Bumaba si Empress at ganon din si Ryan, bago sila pumasok sa bahay ay kinuha muna ni Bryn ang mga gamit ni Empress sa compartment
Naunang pumasok si Empress kasunod nya ang dalawang binatang kasama nya "Papa nandito na po ako." sigaw ni Empress
"Grabe talaga ang boses nya ang lakas. Gusto ko ba talaga ang babaeng ito?" Sabi ni Bryn sa isip nya
Dahil sa lakas ng boses nito ay napalabas ng kwarto nya si Fujima, napakamot sya sa ulo nya ng makita ang anak nyang may benda sa ulo "Empress anak, ano nanamang nangyari sayo? Nahulog ka nanaman ba sa puno dahil sa pagligtas sa isang kuting? O muntik ka nanamang masagasaan dahil sa pagkuha sa isang tuta? Anak mag ingat ka naman." Sabi nito
"Good evening po Tito Kenji. Hindi po si Empress ang may kasalanan sa nangyari, it was an accident po. Isinali ko po kasi sya sa game namen ni Ryan. Kaya po nangyari yan sa kanya. I hope you can forgive me po Tito Kenji." Nakayukong sabi ni Bryn
Sunod namang nagsalita si Ryan"Good evening po Sir, I'm Ryan Kai po, team captain po ng sepak boys ng Shoyo High. Patawarin nyo po ako dahil ako po ang nakatama ng bola kay Empress habang naglalaro po kami. Pasensya na po." sabi nito sabay yuko
Tahimik na pinagmasdan ni Fujima ang tatlo "Kayong dalawa? Naglaro kayo ng sepak at isinali nyo si Empress? Lalaki ba ang tingin nyo sa kanya? Kahit maingay at magaslaw sya babae pa rin sya. Sana nag iisip kayong dalawa." Sabi ni Fujima sabay batok kina Ryan at Bryn
"Papa don't get mad po, look at me I'm okay na po at wala naman pong masakit saken ngayon. accident lang po yun at hindi po nila sinasadya," sabi ni Empress
"Anak alam mo kahit isa kang sakit ng ulo, nag iisa ka kaya hindi ko ito mapapalampas. Ire-report ko sa school nyo ang nangyari, team captain pa naman tong lalaking ito, hindi mo ba alam ang rules when it comes to game? Paano kung Malala ang nangyari, anong gagawen mo?" sabi ni Fujima habang nakatingin kay Ryan
"Sorry po Sir, sorry po talaga. Kung gusto nyo pong i-report sa school ang nangyari okay lang po sa akin. Tatanggapin ko po ang kaparusahan." Sabi ni Ryan
"Papa pag nagreport ka magkakaproblema ang sepak team girls and boys. Baka po hindi kami palaruin sa elimination pag ginawa mo yan Papa. Please po wag na Papa." Pagmamaka awa ni Empress
Napahinga ng malalim si Fujima "Oo na sige, kalian ba ako nanalo sayo. Okay ka lang ba anak? Sigura do kang walang masakit sayo?" tanong nito sa anak
Ngumiti si Empress "I'm okay po Papa, matigas yata ang ulo ko." Sagot nito
"Tito Fujima kanina po nung nangyari yun I called Tita Kumi, wife po ni Papa. She's a doctor po, everything is okay naman daw po kay Empress dahil nagising nap o sya agad and tumigil na ang pagdurugo ng noo nya. But she still need to undergo CT scan or MRI to be sure na walang problema sa brain nya." Sabi Bryn
"Thank you for doing that Bryn, tomorrow magpapa-schedule ako para sa procedure at para mai-check na din ang takot ng utak ng anak ko." Sabi ni Fujima
"Sir pasensya na po. hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari." Sabi ulit ni Ryan
"Kahit ganito ang nangyari nagpapasalamat ako sa inyong dalawa dahil nagsadya kayo dito sa bahay para humingi ng pasensya at ipa alam sa akin ang nangyari. Ganya ang tunay na lalaki, humahanga ako sa inyo." Sabi ni Fujima

BINABASA MO ANG
Ball of Love
Fiksi PenggemarLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...