Chapter 55

301 21 4
                                    

Habang nasa bench lumapit si Kezzia kay Toby at my iniabot ng tumbler dito "Babe drink this." Sabi nito

Tinanggap naman ni Toby ang tumblet "Ano to Babe?" tanong ni Toby

"Babe lemon water yan, yan lagi ang iniinom ni Dad sa tuwimg my game sya. Maganda yan sa katawan." Sagot ni Kezzia

"Ang sweet naman ng Babe ko, kaya mahal na mahal kita." Sabi ni Toby at niyakap si Kezzia sabay kiss sa noo nito

"Sana all magkasama sa bench, ako patanaw tanaw na lang kay Mari na nasa bench ng Kainan." Nakangiting sabi ni Dion

Si Yuan naman ay panay ang pagpapa-cute kay Bell habang naka upo sa bench at habang nasa audience seat naman si Bell. At si Ryco ay nakatanaw kay Nami na katabi din ni Bell sa audience. Maya maya pa ay pimito na ang referee, sinyales na magsisimula na ang second half. Nagbalikan na ang mga players ng Kainan at Shohoku sa playing court. Pumwesto sila sa kanikanilang pwesto at naghanda sa pagsisimula ng second half.


Sa Shohoku ang bola, nagdi-dribble si Ryco ng bigla syang bantayan nina Nash at Bryn. "Double team, tingnan naten Ryco kung kayanin mo yan." bulong ni Miyagi

Ngumiti naman si Ryco "Kailangan talaga dalawa kayong magbantay? Pero mga Tol wala yan." Nakangising sabi ni Ryco at pinatalbog ang bola sa pagitan ng hita ni Bryn, naka abang naman si Yuan at agad itong sinalo. Agad na tumakbo sina Bryn at Nash papunta kay Yuan para bantayan ito.

"Mga salawahan pero di nyo ako kaya." Nakangiting sabi ni Yuan at tumalon ng mataas sabay tira ng jump shot, sinubukang pigilan ni Bryn pero napakataas tumalon ni Yuan kaya matagumpay nyang naipasok ang bola 36 – 30 score

"Sorry Kuya Bryn and Nash" nakangising sabi ni Yuan

"Di ko inaasahang ganon sya katas tumalon." Sabi ni Nash

Ngumiti si Bryn "Ayos lang yun Nash, unti unti na nateng nakikita kung anong mga talent nila at kung saan sila magaling. Alam na naten kung paano sila babantayan." Sabi ni Bryn

Ngumiti naman si Nash "Oo nga, mukhang pareho tayo ng iniisip" sabi ni Nash at nakipaghigh five kay Bryn


Sa audience, "grabe ang napakataas tumalon ng anak mo Mito. Kahit si Bryn na mukha ng kapre sa tangkad nalusutan nya." Paghangang sabi ni Mitsui

"Oo mataas syang tumalon. Hindi man ako basketball player noong kabataan ko, mahusay naman ang mga nagturo sa kanyang maglaro. Sina Hanamichi at Rukawa ginabayan nila si Yuan sa paglalaro ng basketball." Nakangiting sabi ni Mito

"Pweh yung dapat kay Bryn ko ituturo sa kanya ko naituro,malay ko bang may anak akong lalaki." Sabi ni Hanamichi

"May ginalaw kang babae tapos magtataka kang may anak ka. gung gong." Sabi ni Rukawa



Balik sa playing court, nagdi-dribble si Darren ng bola. Tiningnan nito si Jun sa mata at saka si Nash. Ipinasa nya kay Jun ang bola, agad namang binantayan ni Ken si Jun. Habang nakabantay si Ken kay Jun ay tinapik ni Yuan mula sa ilalim ang bola, naka abang si Toby pero hindi nya nasalo ang bola dahil naunahan sya ni Nash "Nakita ko na yan mga Tol." Sabi ni Nash at agad na nag-dribble ng bola papunta sa side nila. Ipinasa nya kay Bryn ang bola na nasa 3point line. Agad nyang itinira ang bola pasok 36 – 33 ang score



Sa audience, "Parang si Jin kung tumira ng 3 points, ang linis at siguradong pasok na pasok." Sabi ni Maki

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon