Chapter 72

328 22 8
                                    

Habang nakatingin si Bryn sa bolang hawak ni Ryan dumating si Nash na kasama ang GF nya"Mga Tol anong nangyayari dito?" tanong nito

"Hinahamon nya akong maglaro ng sepak to prove him na Empress and I are together." Seryosong sagot ni Bryn

"Nyaaaaaaaaaaaa akala ko hindi mo gusto si Empress, pero bakit nasangkot ka sa ganitong gulo Bryn?" tanong ni Nash sa isip nya

"Ryan, pag usapan na lang naten ng maayos to. Bakit kailangan pang daanin sa laro kung sinabi na nilang magjowa sila, ano namang problema dun." Tanong ni Nash

"Nash kilala mo ba yang mayabang na yan? Bigla na lang lilitaw at sasabihing syota nya si Empress." Sabi ni Ryan



"Hon stay here for a while; we will just fix something." Sabi ni Nash kay Kristel, girlfriend nya

Ngumiti si Aya "Sure Hon, but be sure not to hurt yourself or anything. I will sit here and finish my paper works." Sagot ng dalaga at hinalikan si Nash sa cheek nito



Muling lumapit si Nash kina Bryn at napakamot naman sa ulo nya "Ano namang masama kung sinabi nya yun? Kung talaga namang magjowa sila, at diba ayaw mo kay Empress? Sa pagkaka alala ko since junior high hindi mo pinapansin si Empress." Tanong ni Nash

"Gung gong ka ba? Gusto ko si Empress kaya natutuwa akong makitang patay na patay sya saken. Tapos biglang ganito, biglang magkakasyota sya. Ano Bryn makipaglaro ka saken." Hamon ni Ryan

"No, hindi nya kailangang makipaglaro sayo. Alam naman ng lahat dito na magaling ka sa larong ito at si Bryn basketball ang laro nya. Ang sepak at basketball ay magka iba." Pagpigil ni Empress

Ngumiti si Ryan "Basketball? Larong pambata at kahit sino kayang maglaro nyan. bakit hindi mo subukang lumabas sa comfort zone mo Bryn? Let's play sepak at ikaw Empress bakit mo sya pinipigilan? Natatakot ka bang durugin ko sya?" tanong nito

Nakaramdam ng inis si Bryn dahil sa narinig nya "Okay, tinatanggap ko ang hamon mo Ryan. Hindi ito para patunayan sayo ang relasyon namen ni Empress sa isat isa pero para mapatunayan ko sayong kaya kong lumabas sa comfort zone ko which is basketball. Ipapakita ko sayo na hindi mo ako kayang durugin." Sa nito

"Aba mayabang ka din, anong akala mo sa larong sepak? Hindi ito madali kaya wag mo mamaliitin ang larong ito." Inis na sabi ni Mark teammate ni Ryan

Tiningnan ni Bryn ng seryoso si Mark "Hindi ko minamaliit ang larong ito, dahil hindi ako tulad ng team captain nyo.Sya ang unang nangmaliit sa basketball at hindi ko mapapalampas yun. I know how to respect other sports dahil alam kong bawat laro mahihirap ang skills bago matutunan." Sabi ni Bryn

"Good, isang regu lang sapat na. ang unang maka 21 points sa dalawang set sya ang panalo. Mamili ka na ng dalawang gusto mong maka-team. Tingnan naten ang yabang mo, magkaiba ang larong ginagamitan ng kamay sa larong ginagamitan ng paa." Sabi ni Ryan

Tumingin si Bryn kina Nash at Empress "Kayong dalawa ang magiging ka-team ko." Nakangiting sabi ni Bryn

"Waaaaaaaaaaaaaaaaa ako? matagal na akong walang practice." gulat na tanong ni Nash na nakaturo sa sarili

"Bryn your so mean talaga sa akin? Babae ako, bakit ako ang napili mo? Mukha ba talaga akong lalaki sa paningin mo?" tanong ni Empress

"Buti naka-rubber shoes tayo Nash, pero ang hirap pa rin maglaro kasi nakapants tayo." Sabi ni Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon