Tulad ng mag ama na sina Hanamichi at Bryn nagtungo sa kanikanilang pwesto ang ibang members ng team. Nagharap sa point guard position sina Ryco at Sendoh. sina Dion at Kiyota naman sa power forward, sina Rukawa at Mitsui bilang shooting guard at sina Toby at Yuan sa small forward. Habang nasa kanikanilang pwesto pinagmasadan nina Maki, Fujima at Miyagi ang mga ito. "Nagkatapat ang mag ama, sa tindi at porma hindi maiipagkaila na mag ama nga sila. Ang tangkad ni Sakuragi na halos maabot na din ng taas bi Bryn." Sabi ni Maki
"Mukhang ayos lang ang tapatan.Pero sa tingin nyo kaya na bang tapatan ni Ryco si Sendoh bilang point guard? At ganon din si Bryn, kaya nya bang tapatan si Sakuragi bilang center?" tanong ni Fujima
"Sa tingin ko makaksabay si Ryco kay Sendoh. pero syempre mas mahusay talaga si Sendoh hindi lang bilang isang point guard pero sa kahit na anong posisyon sa loob ng court." Sabi ni Miyagi
"Miyagi magkalaban ang twin ace, ano kayang mangyayari? Kaya ba nilang maglaro ng hindi kasama ang isat isa?" tanong ni Maki
"Hindi ko masasagot yan Maki. Iilang linggo ko pa lang sila nasusubay bayan at lagi silang magkasama sa kada laro nila." Sagot ni Miyagi
"Twin ace? Sino sila dyan?" tanong ni Fujima
"Yung dalawang small forward. Anak nina Rukawa at Mito, mahusay sila at walang makapigil basta nasa iisang team sila. Marami di lang kumbinasyon na sila lang ang nakakagawa." Sagot ni Miyagi
Balik sa playing court, nakahanda na si Mito para sa jump ball sinyales na simula na ang laro. Pumagitna sya kina Bryn at Hanamichi at saka inihagis ang bola. Sa paghagis nya nito inabangan ito ng mag ama at sabay na tumalon para tapikin ang bola. Sa pagtalon nila mas mataas ang naging talon ni Bryn at natapik nya ang bola papunta sa derection ni Sendoh. "Mas mataas tumalon si Bryn kay Hanamichi, sa lagay nay an ay si Hanamichi ang isa sa pinakamataas tumalon dito sa Japan." Gulat na sabi ni Miyagi
"Yan ang kaibahan ng bata pa ang pangangatawan. Umi-edad na din si Sakuragi pero kung nasa high school pa yang si Sakuragi nasisiguro kong mas mataas ang talon nya sa anak nya." Sabi ni Fujima
Sa playing court, agad na nasalo ni Sendoh ang bola "Ang galing mo Bryn. Lalo mo akong pinapahanga." Sabi ni Sendoh at agad na nag dribble ng bola papunta sa court nila. Narrating nya ang point guard line at agad naman syang binantayan ni Ryco. Ngumiti si Sendoh at pinatalbog ang bola sa pagitan ng mga paa ni Ryco. Sa likod ni Ryco bilang lumitaw si Kiyota at sinalo ito sabay pasa sa Mitsui na nakatayo sa three point line. Sinalo ito ni Mitsui at mabilis na itinira ang bola.
Sa pagtira ni Mitsui agad na tumalon si Hanamichi at napalpal ang bola. "Akala nyo ba madali kayong makakapuntos. Kahit nagsama sama pa kayo ikaw Sendoh, isama mo pa yang matsing na yan, Mitchi, Yuan at lalo ka na Bryn. Hindi nyo kami basta basta malulusutan."seryosong sabi ni Hanamichi
"Ang angas ni Papa, nagsisimula pa lang pero ganito pala ang pakiramdam na makalaro sya. Kanina nasa harap ko lang pero pero ang bilis nya at nakapunta agad sya sa posisyon ni Tito Mitsui at napalpal ito. Ganito pala maglaro si Hanamichi Sakuragi, ang Hari ng Rebound na may pulang buhok. Ang Papa ko." Ginaganahang sabi ni Bryn sa isip nya
Hawak ni Toby ang bola at ipinasa kay Ryco, naglalakad si Ryco habang nagdi-dribble na parang si Ryota. Sinimulan syang bantayan ni Sendoh, binilisan nya ang pagdi-dribble at ganon din ang pagtakbo, tulad ni Miyagi taglay ni Ryco ang pambihirang bilis, inikutan nya si Sendoh at nalusutan nya ito. Nakita nyang nasa ilalim si Hanamichi na binabantayan ng anak nitong si Bryn. Tumango si Hanamichi kay Ryco sinyales na ipasa sa kanya ang bola. Agad na ipinasa ito ni Ryco sa kanya, nasalo ni Hanamichi ang bola at akmang titira ng lay up pero mahigpit ang pagbabantay sa kanya ni Bryn. Nakatingin mata sa mata ang mag ama, dahil sa higpit ng depensa ni Bryn hindi magawang tumira ni Hanamichi. Biglang tiningnan ni Hanamichi ng masama si Bryn, dahilan para makaramdam ng kaba si Bryn at napa atras ito. Sa pag atras ni Bryn agad na itinira ni Hanamichi ang bola,PASOK! "Bryn ito ang killer eye, sekreto ng depensa. Hindi makakagalaw ang kalaban dahil sa killer eye! AHAHHAHAHAH" tumatawang sabi ni Hanamichi at inulit ulit ang pagtingin ng masama sa anak
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...