Chapter Seven
Nandito ako sa kwarto ni ate janna at manang josie.Dito ako matutulog at buti na lang nakuha ko ang mga gamit ko ng hindi nahahalata ng Ate ni Tyler.Nagpatulong naman ako kanina kay manang josie.
Syempre hindi naman ako pwedeng matulog sa kwarto ni Tyler at baka hindi na ako sikatan ng araw.Minsan na-cu-curious na ako sa mga Villanueva para kasing may mga tinatago sila pero hindi ko alam.
Hindi naman sa masama sila pero halos lahat ata sila may mga lahing ano....alam niyo na yung para kasing ang bibipolar nila tulad ni Tyler minsan galit minsan tatawa parang si Papa tapos yung ate ni Tyler sobrang sadista at pati pagpatay gagawin niya tapos naman si Tita Vivian Minsan mabait minsan ang sungit.
"Ma'am Kaye" Napatingin ako kay janna ng tawagin niya ako habang inaayos ko ang tutulugan ko dito sa kwarto.Tama lang na dalawa ang kama kaya sa sahig na lang ako matutulog.
"Bakit Janna?Tsaka wag mo nga akong tawaging Ma'am pantay pantay lang tayo sa nag-iisang mundong ginagalawan natin" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.Nakakailang na din kasi yung 'ma'am'
"Nakasanayan na po eh" Ngiti niya sakin.
"Ate na lang kasi" Sagot ko at kinuha ang kumot sa bag na dala ko papunta dito kanina kasama ang mga ibang damit at gamit ko.
"Cge na nga Ate Kaye" Ngiting sabi niya pero mahahalata mo parin na nahihiya siya. "Ate Kaye dito ka na lang sa kama ko,ako na lang po diyan sa baba" Sabi niya
"Hindi na Janna.Ako na nga lang ang nakikitulog dito ako pa ang hihiga sa kama masyado namang makapal mukha ko nun" Sagot ko at humiga na
"Hindi naman Ate Kaye.Asawa ka naman ni Sir Tyler kaya bakit ka naman namin papatulugin sa sahig" Paglalaban niya.
Mabait naman sila sakin Except lang talaga kay Tita Vivian at sa Ate ni Tyler na si Ate Trisha.Si Tita Vivian alam ko naman kung bakit siya nagagalit pero sa Ate ni Tyler hindi ko alam kung bakit siya magagalit sakin kung malaman niya man na Asawa ako ni Tyler.
Hindi naman sa gusto kong gustuhin din nila ako pero syempre ayaw ko lang na may mga taong galit sakin lalo't hindi ko naman alam kung may nagawa ba akong mali o wala.
"Matulog ka na Janna" Sabi ko at pumikit na.Kanina pa tulog si Manang Josie anong oras na din kasi.
Narinig ko ang galaw ng kama ni Janna na hudyat na matutulog na siya.
Hinintay ko pa ang ilang sandali para dalawin ako ng antok ngunit bigo ako.Palipat-lipat ako ng pwesto ngunit hindi talaga ako dinadalaw ng antok.
Dahan-dahan akong tumayo upang pumunta sa kusina at uminom ng gatas.Yun kasi ang laging pinapainom ni Mama sakin noong hindi ako makatulog.
Ng makarating ako sa kusina kumuha ako ng baso at binuksan ang ref. Para kumuha ng gatas.Nagsalin ako sa baso at uminom.
Habang umiinom ako may narinig akong kaluskos mula sa Hardin.Siguro Yung guard lang na nag-iikot tuwing gabi.
Pagkatapos kong uminom hinugasan ko na ang baso at inilagay sa lalagyan.Pabalik na ako sa Kwarto nila Manang Josie ng may marinig ulit ako na kaluskos at Parang nalaglag na Paso.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinagmulan ng kaluskos ng may biglang mabilis na dumaan sa harapan ko dahilan upang mapa-atras ako.
Halong takot at kaba ang nararamdaman ko ng makita na lalaki yun at nakatingin sakin mula sa bintana ng hardin.
Malagkit na tingin ang nararamdaman ko sa titig niya ng biglang bumukas ang Ilaw ng Sala dahilan upang mapatingin ako sa taong nagbukas nun at nawala bigla ang lalaki mula sa bintana.
"What Are You Doing?" Matinis at Nakakatakot na tanong mula sa ate ni Tyler.
"W-wala po.Uminom lang 'ho ako ng gatas" Sagot ko.
"Tsk" Rinig ko bago siya pumunta ng kusina.
Tumingin ulit ako sa Bintana at nagbabasakaling makikita ko ang lalaki doon ngunit isang papel lamang ang naiwan mula sa sahig kaya lumapit ako at kinuha yun.
May sulat agad na mahahalata mo dahil sa pulang ballpen na ginamit sa na pansulat at diin na diin pa ang bawat letra sa papel.
Binuklat ko ito at babasahin na sana ng may makita pa akong kwintas na puno ng dugo.
"Sakin 'to" Bulong ko sa sarili
Alam kong akin 'to dahil nandoon ang pangalan ko na dikit-dikit.Binigay sakin 'to ni Papa noong maglilimang taon ako.
Halos maiyak ako dahil sa dugo na kumapit sa kamay ko na nagmumula sa kwintas.
Tinignan ko ang sulat at doon ko lang nalaman na hindi pala tinta ng pulang ballpen ang pinansulat doon kundi dugo din.
Biglang tumulo ang luha ko sa papel dahilan para mabasa ito at kumalat ang pula para mabura ang mga letra na nakasulat doon.
Tanging nag-iisang salita na lamang ang naiintindihan ko doon.
'Mamatay'
Yan na lamang ang nakasulat na naiintindihan ko.
Sinong mamatay?ako?Mabilis ang paghinga ko ng may maramdaman akong tao sa likod ko at inagaw ang papel na nasa kamay ko.Lumingon ako sa taong yun at laking gulat ko ng makita kong sino yun.
"Tyler"Sambit ko habang umiiyak
"Where did you get this,Kaye?"
A/N:Sorry natagalan ang update busy kasi ihhh
Sana nagustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...