Chapter Thirty-Nine

5.6K 128 6
                                    

Chapter Thirty-Nine

'Kaye Anne's Point Of View'

"Babaero nga yun dati, Kaye. Noong doon pa ako sa manila nagtratrabaho laging may naghahanap sa kanyang mga babae" Tawang sabi nito habang nagwawalis. Nandito padin kami malapit sa pool, nakaupo ako habang siya ay nagwawalis.

"Ilang Taon na din ba kayo ni Jake?" Tanong ko sa kanya.

"Maglilimang buwan pa lang kami. Nagkakilala lang kami noong nagpunta sila dito nila Dave para sa Mission nila. Mga pitong buwan na din ang nakalipas simula yun. Hanggang sa dito sila natutulog at lagi pa kaming inaasar ni Dave na bagay daw kami. Tapos yun nagkasundo namab kami ni Jake tapos niligawan niya ako ng tatlong linggo" Sabi nito na parang kinikilig pa " lagi pa niya akong binibigyan ng bulaklak tapos ipapasyal kung saan-saan. Noong una nga akala ko hindi siya seryoso sakin kasi noong magdadalawang buwan kami may nakita akong babaeng kasama niya akala ko kasi babae niya kaya nainis ako tapos nilapitan ko at sinabunutan ko yun pala nakakabatang kapatid niya. Hindi ko naman kasi alam kaya nag over acting na ako lalo't alam kong babaero yun" Dugtong niya at nakanguso na nga ngayon na ikinatawa ko.

"Nagalit?" Tanong ko

"Galit na galit. Para siyang dragon na gusto akong bugahan ng apoy, nakipagbreak nga sakin yun eh" Sabi nito na ikinagulat ko pero siya mukha masaya pa " pero wala pang isang araw nang pumunta siya dito ng madaling araw at siya ang nakipagbati sakin" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

True love

"Ang ganda naman pala ng Love Story niyo" Ngiting sabi ko. Nakakainggit sana ganyan din sakin.

Yung makakatanggap ka nang mga bulaklak

Yung gagawa nang paraan para magkaayos kayo

Yung tipong liligawan ka niya at idadate kahit na busy siya.

Yung mamahalin ka ng totoo....

"Kayo din naman yata ni Mr.Villanueva, mas maganda pa yata yung sa inyo haha" Tawa nito at tinabi ang walis na hawak at umupo sa tabi ko. "Kwento ka naman" Sabi nito

Napangiti ako ng mapait "Pinakasalan niya lang ako para pagbayaran yung pagkamatay ng parents ko" Sabi ko at nakatitig sa rosas na hinahangin.

"S-sorry, di ko alam na ganon pala yung nangyari. But you two seemed so happy to each other. Sa nakikita ko mahal na mahal niyo na yung isa't isa. Natatandaan ko pa kanina kung pano mo ako tayaran haha" Napa awang ang labi ko dahil sa sinabi niya. N-nakita niya yun?

"Sorry. Akala ko kasi....." Napatigil ako sa pagdugtong ng sasabihin ko nang marinig ang malakas na tawa ni Emily.

"Fling? Hindi ako papayag na hanggang ka-fling lang ako 'no!" Sabi nito at tuwa pa din nang tumawa. Oo nga! Ba't ko ba kasi inisip yun. Ang ganda ganda niya tapos hanggang fling lang, kaye mag isip ka nga haist!

Napanguso na lang ako ng hindi pa din siya tumigil ng marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kusina ay napatingin ako doon.

"Hey" Bungad ni Tyler at lumapit sa amin. Tumigil na si Emily sa kakatawa pero nakangiti naman siya ngayon.

"Iwan ko muna kayo" Sabi nito at mabilis.na umalis. Napailing na lang ako, tumabi sa akin si Tyler ng upo.

"Gising ka na agad?" Tanong ko nang makaupo siya.

"Why? Don't you want me to wake anymore?" Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin ng pilosopohin niya ako.

"Tinatanong lang kita. 20 minutes ka lang atang natulog" Sabi ko at tinarayan siya.

"Bakit ba ang sungit mo lagi?Inaano ba kita?" Tanong nito at sumadal.

"Pagsusungit ba yun? Tsaka ikaw kaya ang namimilosopo, matutuwa ba ako doon?" Taas kilay kong sabi at tanong sa kanya. Totoo naman siya kaya ang nagsisimula kaya ako naiinis.

"You should be happy" Sabi nito. Napanguso na lang ako at tumingin sa mga bulaklak. "Huwag ka ngang ngumuso mukha kang aso..." nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Abat loko--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang itapat niya sa labi ko ang hintuturo niya upang patigilin ako.

"I'm not done yet" Sabi nito at nag 'Shh' pa sakin.

"You are like a dog, because i want to take care of you" He said.

"You are like a dog, because you are a brave girl like them" Namula ako sa sinabi niya.

"You are like them, because you are cute in your own way" This make me more blush.

"You are like them, because you need care and love" Ngumiti ako.

"You are a dog, 'cause i love you the way i love them...."

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon