Chapter Twelve
Uwian na namin at kung minamalas ka nga naman maglalakad ako pauwi dahil hindi ko alam ang sasakyan kong jeep papunta sa bahay ni Tyler.
Alam niyo kung bakit ako mag lalakad?
Dahil doon si Tyler sa Parking Lot at nakikipaglandian pa sa Stephanie Zhou na yun.Hindi naman ako pwedeng makisingit doon at Umuwi kasabay si Tyler habang alam ni Stephanie at baka magkagulo pa at sumikat talaga ako.
Wala akong kasabay kasi kanina pa Umalis si Clara kasama boyfriend niyang si Dave tapos si Kaizer inaaya akong ihahatid na daw niya ako kaso tumanggi ako dahil sasabay sana ako kay Tyler kaso nandoon naman yung Stephanie na yun.
Wala pa sa kalate ng Kalye ang nalalakad ko ng buglang bumuhos at malakas na yun.Sakto namang may nakita akong Ministop kaya tumakbo na ako doon para sumilong.
Nakipagsiksikan pa ako sa mga Studyanteng Nakikisilong din.Nasa Harap ako banda kaya natatalsikan ako ng Tubig galing sa mga kotseng dumadaan.
'Ang malas ko ngayon'
Kinuha ko ang Cellphone ko para sana tawagan si Tyler o si Manang Josie sa bahay kaso Lowbat na Lowbat na ako.
Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang magdamag akong tatayo dito at hihintaying tumila ang ulan.
'Nagugutom pa naman ako'
Kapag pumasok ako sa Loob ng Ministop siguradong maninigas ako sa ginaw doon para kumain.Kaya nanatili na lang ako dito sa labas na nakatayo.
Maya-maya may biglang humintong sasakyan sa harap namin.
'Parang kilala ko may ari ng kotse na 'to'
Biglang bumaba ang Driver ng Kotse.
'Mang Cardo?'.Hala oo nga si Mang cardo.Si Mang Cardo ay isa sa mga Driver nila Tyler.
"Iha!"
"Manong Cardo.Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at kinuha ang payong na dala ni manong
"Nasa loob si Tyler.Halikan ka na iha at lumalakas nanaman ang ulan" Sagot ni Manong Cardo.Si Tyler nasa loob ng kotse.Tinted kasi ang salamin ng sasakyan nila Tyler kaya di ko makita.
Napangiti naman ako.
Lumapit na ako sa pinto ng back seat at binuksan ito tsaka pinatay ang payong.Pagkasara ko ng pinto nakita ko si Tyler na nasa passenger seat at nakahawak sa cellphone habang nakakunot noo.
Sunod namang pumasok si Manong Cardo sa Driver Seat at pinaandar na ang kotse dahilan para gumana ang Aircon kaya gininaw naman ako.
Pumunta ako sa gitna nila Tyler para hinaan ang Aircon.Si Manong Cardo nagdridrive habang si Tyler naman nakatutok sa Cellphone niya at parang walang tao sa paligid niya kaya ako na ang nagpahina ng Aircon.
"Giniginaw ka?" Biglang tanong ni Tyler at Binaba na ang hawak na Cellphone. "Why did you turn off the aircon?" Tanong niya kaya natikom ko naman ang bibig ko ng sasagot na sana ako.
'Sasagut pa lang ako may tanong nanaman.Ano yun Q and A?"
"Oo.Bakit Bawal ba?Tsaka Hininaan ko lang di ko pinatay" Pagtatanggol ko.Tinotopak nanaman ang lalaking 'to
"Tinanong ko lang bakit dami mo agad sinabi" Sagot niya dahilan para makita kong umiiling si Manong Cardo at nakangiti.
'Pinagtutulungan ako'
"Ba't ikaw?Hininaan ko lang dami mo agad tanong?" Iritadong Sagot ko pabalik.
Aba!Di ako papayag na ganyan-ganyanin pa niya ako ngayon.Oo dati inahayaan ko lang pero ngayon hindi na at baka isubsob ko ang Gwapo niyang mukha sa kanal.
"Meron ka ba ngayon?Ang init ng Ulo mo tsk" Ano bang pake niya kung meron ako o wala Personal Problem ko na yun.Tsaka sino bang matutuwa na nabasa ka ng malakas na ulan dahil PINAGLAKAD KA!
Gusto ko isigaw sa kanya pero para walang gulo nanahimik na lang ako at sumandal sa pinto at bintana habang pinapanood ang patak ng ulan.
"Kaye!Pumasok ka nga ditong bata ka at baka magkasakit ka diyan" Sigaw ni mama sakin habang kumukuha ng payong.
Ako naman patakbo takbo habang tumatawa sa gitna nang ulan.
"Mama!maligo ka din po dito" sigaw ko kay mama at lumapit sa kanya tsaka siya hinila sa ulan.
"Hay jusko!Baka magkasakit tayo at mapagalitan ng papa mo,anak" Sabi ni mama habang sinusubukan buksan ang payong na hawak hawak niya.
"Yaan mo na po mama ako naman po mag-aalaga sa'yo" Sagot ko at niyakap si mama.Niyakap naman niya ako pabalik at naglaro kami sa gitna ng ulan.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa akin mga mata.Saksi din ang Ulan kung pano ko mahalin ang mama at papa ko.Kung pano din nila ako mahalin.
Ako pa nga ang nagkasakit nun pero inalagaan ako ni mama at papa ng maayos at mabuti.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay nila Tyler.Mabilis naman akong umayos ng upo ng makita ko si Ate Trisha at mukhang inaabagan ang pagdating namin.
Binuksan ko na ang Pinto at ganun din si Tyler at lumabas na rin ng sasakyan kaya sumunod na ako.
"Where have you been?Lumandi ka pa ba bago umuwi" Mataray na sabi ni Ate Trisha ng makalapit na kami sa Pinto
"Ate,Kaye is not like the girl you think" Pagtatanggol ni Tyler sakin "Mind if we go upstair now and take a rest" Sabi ni Tyler at hinila na ako papasok at paakyat sa Kwarto.
"Dapat di mo na ako pinagtanggol Kay Ate Trisha" Sabi ko habang paakyat kami.
"Why i won't do that?Bakit totoo ba?" Pagmamatigas niya at humarap sakin dahilan para mapatigil ako sa pag akyat
"Hindi" Sagot ko at ngumuso.Ba't ba ang sungit nitong lalaking 'to ngayon.
"Better be,Mrs.Villanueva" Masungit na sabi niya at tumalikod na sa akin at nagtuloy sa pag akyat ako naman nakasimangot habang umaakyat.
"Sungit" Mahinang bulong ko
"May sinasabi ka?" Haluh natinig niya?Lakas ng pandinig
"Wala po" Sabi ko at pumasok na kami sa kwarto ng makarating na kami sa taas.
Sinarado ni Tyler ang pinto at ako naman naghanap ng damit dahil basang basa na ang uniform ko at para makapag shower na rin ako sandali.
"Sino yung Kaizer na yun?" Taas kilay niyang tanong sakin ng akmang papasok na sana ako sa CR.
"Si Kaizer Montecillo" Pilosopong sagot ko habang nakangiti
"Tsk.Wag mo kong nginingitian diyan at wag mo kong pinopolosopo" Masungit niyang sabi
Laki ng problema nito sa Earth
"Totoo naman ahh" Pacute na sabi ko
"Tsk" Yan lang sagot niya.Nagseselos ang Unggoy
Wait nga.Lambingin nga natin.
Binaba ko ang gamit ko sa kama at lumapit sa kanya
"What?" Masungit nanaman na sambit niya
Di ko siya pinansin at pinulupot ang Braso ko sa leeg niya.
'Landiin lang natin konti'
"Nagseselos ka?" Malanding tanong ko
"Fvck!Kaye Don't use that kind of Tone" Sabay alis niya sa braso kong nakapulupot sa Leeg niya.
Napatawa naman ako dahil sa Reaction niya.
"Hahahahahaha" Tawa ko
"Don't laugh" Iritadong sabi niya
"Pfft.Hahaha" Tawa ko pa din
"Do you want me to make you pregnant?huh?" Serious Tone sabi niya dahilan para mapatigil ako.
"Hehe titigil na nga eh"
A/N:Thanks for keep supporting my story and to those who vote for this story i really appriciate it.Thank you so much
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...