Chapter Two
'Kaye Anne's Point of View'
"Clara, I see him, with a child" Sabi ko kay Clara sa kabilang linya, alas kwatro na ng hapon, at nasa condo na ako, dapat ala una ng madaling araw ang uwi ko galing sa hospital pero sabi ni Doc na kailangan ko na ihanda yung mga gamit na dadalhin ko para sa pagpunta sa Pilipinas.
Haist.
"Anong sabi niya? Anak niya ba yung kasama niya?" Tanong ni Clara, naikwento ko na sa kanya yung nangyari ngayong araw, hindi ko naman na dapat pinoproblema ito dahil ilang taon na ang nakalipas at nakamove on na ako, meron lang part sakin na hindi mapakali kung sino ba si Klare at magkahawig na magkahawig kami, tapos yung batang yun, bakit ako tinatawag na mommy, nasaan ba ang mama niya?
Sumasakit ang ulo ko kakaisip!
"Kaye, Nandiyan ka pa ba?!" Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang sigaw ni Clara sa kabilang linya.
"Nandito pa, may iniisip lang" sagot ko.
"Sino ba yung Klare? Naguguluhan ako, tapos anong sabi mo? May anak si Mr.Villanueva? Single nga ang status nun sa mga magazines na nailalabas tungkol sa kanya" Sabi ni Clara.
"Magazines? Para saan?" Balik tanong ko sa kanya.
"Ayy! Oo nga pala, hindi mo ba alam na 'yang ex-hubby mo ehh sikat na sikat na, at sobrang galing sa pagtuturo, principal slash teacher pa siya sa PHU at yung mga negosyo nila nakarating na sa buong Asia. Pero three years ago may balita balita na may girlfriend daw siya kasi may nakakita daw sa kanya sa Mall na may kasamang babae" Babae? Sino? Si Klare?
"Sino?" Tanong ko.
"Hindi kilala, hindi kasi nakuhanan ng maayos na picture kaya hindi makita yung mukha tapos mukhang hindi din naman sikat yung babae" Sabi nito. Nawala lang ako ng ilang taon ang dami ko nang hindi alam, o sadyang hindi ko lang talaga inaalam kasi gusto ko na silang kalimutan, pero heto nanaman ngayon, babalik na nga ako sa pilipinas pero nauna pa yung pagkikita namin kaysa sa pagbalik ko. "Babalik ka na dito sa pilipinas? Buti naman, miss na kita, Sissy, lagi na lang kayo ni Theang ang magkasama, iisipin ko na talaga na ayaw mo na sakin at ipinagpapalit mona ako sa iba" Natawa ako dahil sa pagmamaktol niya, miss na miss ko na din 'tong baliw kong kaibigan.
"Hindi naman na kami nagkakasama ni Theang kasi umalis din siya, hindi pa nga kami nagkakausap" Paliwanag ko, siguro itetext ko na lang din si Theang na uuwi ako ng pilipinas para sa opening ng bagong hospital na hawak ng hospital na pinagtratrabahuan ko.
"Umuwi ka na dito, marami pa akong ibabalita, tungkol samin ni Dave" Parang excited na sabi nito at mukhang kinikilig pa, grabe ang tibay nila, hanggang ngayon sila pa rin, kasal na lang ang kulang sa kanila.
"Oo na, sige na bye na, aayusin ko pa mga gamit ko" paalam ko sa kanya. Nagpaalam na din siya bago pinatay ang tawag. Naayos ko na ang ibang gamit ko, kukunin ko na lang at ilalagay ang mga mahahalagang papeles sa isang bag para hindi magkawala-walaan.
Biglang umilaw ang cellphone ko at mukang may nagtext doon. Si Clara siguro.
Hindi ko muna yun pinansin alam naman niyang may ginagawa ako kaya okay lang kung malalate ng reply.
Inilagay ko sa isang maayos na maleta ang mga papeles ko kasama na ang birth certificate ko, hindi ko pa alam kung sino-sino ang mga makakasama ko sa pagpunta sa pilipinas, tapos ang pasaporte ko ay bukas ko pa makukuha, may isang linggo pa ako dito bago ang pag-alis papunta sa bansang iniwan ko, humahanap pa ako ng syempo kung paano ako magpapaalam kay Maxine at kay Lola Daisy, hindi ko pwedeng biglain dahil delikado sa kalagayan nila lalo na kay Lola, mahirap din sila iwan, gustuhin ko mang mag-stay wala na akong magagawa dahil naka-oo na ako at nagkaroon na kami ng kasunduan ni Doc, ang sabi naman ni Doc na panandalian lang ang pag-s-stay namin doon, dahil nga bago palang ang hospital na yun wala pang masyadong mga nurse at doctor kaya kami muna ang ipapadala para pagsilbihan ang hospital na yun sa maikling panahon.
Hay naku! Pilipinas, babalik nanaman ako diyan. Sana lang ay malayo sa kanya, sa sobrang dami ng lugar na pwedeng pagtayuan diyan sa manila siguro naman hindi malapit sa kanya.
Ayaw kong nagtatagpo ang landas namin, kung kailangan ko magtago gagawin ko, kung kailangan ko lumayo lalayo ako, basta hindi lang ulit magtagpo ang landas namin tulad ng nangyari ngayong araw.
Naalala ko nanaman yung mga titig niya na parang nanunuri, yung tingin niya na mahinhin, yung tingin niya noong mahal niya pa ako..... Okay! Kaye! Nakamove on ka na, wag mo nang ibalik ang mga nakaraang ibinaon mo na sa limot. Tsaka bakit mo pa ba siya iisipin self?! Hindi mo nga alam kung iniisip ka din niya.
Shetttttttt! Over reacting ka na kaye, shut up na!
Tinapos ko na lang ang iba ko pang ginagawa, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message na galing kay...
"Unknown? Sino naman 'to" inopen ko ang message na galing sa hindi kilala at parang nalagutan ako ng hininga ng makilala ko kung kanino yun.
Unknown:
Hey, Thanks about early, and sorry about my daughter.
Can we go out? I just want to treat you for helping me to Kelly... BTW this is Tyler
What the f?! Pano niya nalaman ang number ko?!
Ibinato ko ang cellphone ko sa kama at naiinis na tumayo, putcha! Ang sabi ko iiwasan ko tapos ngayon nalaman niya number ko?! Ano ba namang buhay ang meron ako, bigla akong minalas!!! Arghhhh!
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...