Chapter Twenty-Six
'Kaye Anne's Point Of View'
"How's Alyana?" Pambabasag ni Tyler sa katahimik sa pwesto namin habang kumakain. Katabi ko si Kelly habang nasa harapan ko naman si Tyler at katabi si Kaizer.
"She's a hard headed, tita forced her to go in paris for medical treatment but as we are expecting" nagkibit balikat si Kaizer ng hindi na dinugtungan pa ang sasabihin. Ayaw talagang magpagamot ni Alyana, kung sa kalagayan niya kasi 25% lang ang chance na makaligtas siya dahil sa hinaharap na sakit, pero kung susubukan niya at baka swertehin siya, it will be a good news. Trying is the best thing to do, than to lose hopes.
"Mommy i'm already full" natuon ang pansin ko kay Kelly habang ang dalawa ay masinsinang nag-uusap.
Kinuha ko ang tubig na malamig at inabot kay Kelly, "Drink water, baby" sabi ko na tinanguan niya naman at uminom sa binigay kong basong may tubig.
Bago kami bumalik ni Tyler kanina mula sa counter, tinanong niya kung ok lang bang pagkatapos nito ay ihatid namin si Kelly ng ala una sa school na pinapasukan nito. Noong una hindi pa ako siguro kung papayag ba ako o hindi, ang plano ko kasi ay kakausapin ko si Kaizer pag katapos nito, i know he's thinking that Kelly is my daughter while me and tyler are married....
'Bakit? Hindi ba?' Sabi ng sarili kong isip sakin. Napapikit ako, for sure wala naman nang saysay ang kasal namin noon, that's just a contract, at siguro naman annul naman na kami kahit wala akong alam? He have money and connections, kaya ano pang saysay nun kung hindi niya gagamitin....
'Ehh pano kung mahal ka talaga niya? At hindu kayo annul?' Sabat nanaman ng isipan ko, napailing ako dahil sa mga naiisip.
"Are you okay?" Nabalik ako sa tamang wisyo ng marinig ko ang malambot sa pandinig na boses ni Tyler pati ang balat sa kamay niyang nakapatong na sa kamay ko ngayon. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa at nasa ilalim ng kangyang palad.
Tinanguan ko siya habang nakatingin sa kanya, mabilis kong inalis ang pagkakatitig sa kanya ng marinig ko ang singhap na nagmumula kay Kaizer, napayuko na lang ako ng onti at tinignan si Kelly na inuubos ang large french fries na hawak, naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Nakakahiya!
"Are you still coming to drop Kelly at her school?" Tanong ni Tyler na hindi parin tinatanggal ang pagtitig sakin.
"Uhmm" nag-angat ako ng tingin at nilingon si Kaizer na may pagtatanong kung okay lang ba. Oo na sa lahat, kaya siya nandito kasi inaya niya akong mag lunch at pumayag ako kaya nakakawalang respeto naman kung basta na lang ako pumayag sa gusto ni Tyler ng hindi man lang inaalam kung ok lang ba kay Kaizer. That's a rude move for sure.
Marahang tumango sa Kaizer at ipinakita ang cellphone niya na parang nagsasabing magtext na lang kami mamaya. Tumango ako sa kanya bago ibinalik ang mga tingin kay Tyler na ngayo'y nakasimangot habang nakacross ang dalawang braso sa harap ng dibdib niya.
Putek! Bat ang cute niyang tignan kapag nakasimangot siya?!
"Sasama ako" maikling sagot ko, pero inismidan lang ako ng hinayupak.
Tumayo si Kelly sa upuan na inuupuan niya kanina kaya mabilis ko siyang inalalayan at baka mahulog.
"Daddy, we need to go, it's 12:40 pm na" cute na sabi nito sa ama. Tumayo na si Tyler kaya tumayo na din kami ni Kaizer, inalalayan ko namang bumaba sa upuan si Kelly. At tsaka kami naglakad palabas.
"I'll go now too, my driver and car is there outside" sabi ni Kaizer. Tumango si Tyler, nagpaalam naman ako kay Kaizer.
"Next time ulit kaye, sana tayong dalawa na lang" mahinang sabi ni Kaizer sabay tikhim.
"Sige, ingat" sabi ko. Tumango ito at ngumiti sakin, hindi pa ako nakakapagreact ng mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa pinsge.
"Bye, beautiful"
Natulala ako habang nakatingin sa likod niyang naglalakad palapit sa kotse niya hanggang sa makasakay siya at umalis.
"Fvck" Tumingin ako kay Tyler ng marinig ko ang mahina niyang pagmumura. Masamang tingin ang pinukol niya sakin, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at nalunok ang sariling laway.
"Let's Go" matigas nitong sabi at binutan si Kelly bago naunang naglakad, sumunod naman ako sa kanilang dalawa, nakaharap si Kelly sakin at nginingitian ako. Pilit akong ngumiti sa kanya.
Such a beautiful little angel..
A/N: Please vote po:> update ko kaagad, paubos na load ko ehh baka isang linggo nanaman ako hindi makapag ud.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...