Chapter Twenty-One
'Kaye Anne's Point Of View'
"Mommy!" Malakas na sigaw ni Kelly ng makita siya. Napatingin ako sa mga kasamahan ko.
"You have a daughter, Kaye?" Tanong ni Samuel. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya lumunok na lang ako at binalik ang tingin sa mag-amang nakalapit na sa pwesto namin. Lumapit agad sakin si Kelly at parang nagpapakarga.
May pagtatanong ang mga mata kong tumingin kay Tyler.
"Hmm. Kelly want to go outside, with you" sabi nito. Tumingin ako kay Kelly na hinihila ang damit ko, yumuko ako para makarga ko siya.
"Mommy, let's play outside, please?" Pagpapakyut nito sa akin. I smiled to her.
"Baby, M-Mommy is not available right now, may work pa akong tatapusin" I explain. Nawala ang saya sa mukha nito at tumingin kay Tyler. She's like asking a help to her father to convince me come with them.
I looked at Tyler and glare at him. Bakit kasi hindi niya pa sabihin sa anak niya ang totoo, Kelly deserve to know the truth about her real mother.
Nakapamulsa si Tyler habang nakakunot ang noo nito.
"Anong oras ba ang out mo?" Tanong nito sa sakin. Before i could answer his question, narinig ko ang bulong-bulungan ng mga pilipinong kasamahan ko.
"Ang gwapo ng asawa at ang ganda ng anak ni Kaye. Akala ko ba hindi niya kaano ano yung gwapong lalaki na yan?" Rinig ko mula sa likod ko, napapikit ako ng mariin at binalik ang tingin kay Tyler.
"Until 1 am ang duty ko" maikling sagot ko habang nilalaro ni Kelly ang buhok ko na nakatali. I pinch her cheeks. "Kelly, hindi kasi ako pwede ngayon, kailangan kasi si Mommy dito sa hospital to take care some injuired person" i said to her. She slowly nodded and smile at me.
"It's okay mommy, maybe next time, pwede po?" Tanong nito. Mabilis akong tumango sa kanya.
"Next time" i surely said to her. Tumingin ako kay Tyler. "I'll just text you kung kailan ako pwede, maybe weekends" sabi ko dito, tumango din ito.
"Ok. Sorry for disturbing you, i thought you are available tonight" nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Inabot ko si Kelly sa kanya.
"You should have tell me, para nagawan ko pa ng paraan ng mas maaga" sabi ko.
"You will do that?" Tanong nito na parang impossibleng gawin ko nga yun.
Tumikhim akon "for Kelly." I said.
He sighed and nodded at me for a second. "I'll inform you next time" sabi nito. "Baby, say goodbye to Mommy now" sabi niya sa anak niya habang nakatitig sakin, napaiwas ako ng tingin ng maramdaman ko ang diin sa pagkakasabi niya ng 'Mommy'
"Bye bye mommy, i love you po" sabi ni Kelly sakin habang kumakaway ang maliit nitong kanang kamay.
"Mommy love you too" i said to her. Nagpaalam na din si Tyler at naglakad na sila palabas, dahil hindi din pwede mag tagal ang bata dito sa loob ng hospital lalo't wala pang Face Mask si Kelly, maaari siyang makakuha ng iba't ibang sakit dito.
Nang makaalis ang dalawa siya namang nagsilapitan ang mga kasamahan ko at kung ano anong tinanong sakin, napailing na lang ako dahil umandar ang pagiging chismosa nila sa nangyari.
Naalala ko nanaman ang tingin ni Tyler sakin, yung tingin niya, thats the way he look at me before, yung mga panahong sinasabi niya pang mahal niya ako.
Kumunot ang noo ko. Mahal?
Minahal niya ba ako? Napailing ako. Bakit ko ba iniisip 'to. Matagal na yun, i should move on and forget everything that happened between the two of us. Maybe is just all a puppy love? Yes, it's just a puppy love. Hindi ganon kalalim para hukayin mula sa pagkakabaon.
Sinubukan kong ituon na lang ang pansin sa ginagawa ngunit kusa talagang pumapasok sa sistema ko ang mga nakaraan. Masasayang nakaraan na minsan ko lang din naranasan. Buong gabi lutang ako sa trabaho, pasalamat na lang at hindi mali mali ang mga kwarto ng pasyenteng pinasukan ko at ang mga gamot na dinistribute at pinainom ko sa kanila.
11 na ng gabi ng mapahikab ako at makaramdam ng pagkaantok. Hindi naman ako ganon kalate na natulog kagabi at tama lang ang gising ko kaninang umaga pero inaantok na ako.
"Are you sleepy, Kaye?" Tanong ni Samuel nakakatapos lang sa pag aayos ng mga medical information ng mga pasyenteng hawak niya ngayong gabi.
"Kinda" sagot ko at humikab ulit.
"Do you want some coffee? I can buy you one" sabi nito.
"It is okay?" Paniguradong tanong ko. He nodded at me.
"Yeah. I'll be buying something too" sabi nito. Tumango ako at kinuha ang pera ko sa wallet at binigay sa kanya.
Nakabalik na si Samuel mula sa 7/11 na nandito sa loob ng Hospital sa baba. Ininom ko ang kapeng hinigay niya sakin, kahit papaano nakatulong sa akin dahil nagising ang diwa ko at hindi na ako gaano inaantok.
Ilan sa mga nurses ay tulog na sa desk, yung iba naman nakapatong ang paa sa desk at nakasandal ang ulo sa mga upuan nila, at sa tingin ko yun ang nakakangalay na posisyon.
Lumipas pa ang isa't kalahating oras at unti unti nang dumadating ang mga kapalitan namin ng duty, dumating na din ang kapalitan ko kaya inayos ko na ang gamit ko, binigay ko sa kanya lahat ng mga hahawakan niya, at ang schedule ng pag inom ng gamot nila para mamayang umaga.
Ibinilin ko na din ang mga dapat na ibilin bago bumaba at ng makauwi na. Mapapalakad ako ngayon, dahil sigurado akong pahirapan ang pag sakay dahil madaling araw na, buti na lang at malapit lang ang apartment namin dito, ang iba kasi nasa ibang apartment kaya napapalayo.
Pagkalabas ko isang itim na sasakyan na pamilyar sakin ang nasa gilid. Bumukas ang pinto ng sasakyan mula sa Driver seat at lumabas si Tyler at nakapamulsang lumapit sa kinatatayuan ko.
"Let me drive you home" sabi nito at inilahad pa ang kamay niya. Napalunok ako, napatingin ako sa paligid at nakita ko ang ibang mga nurses na naghihighikan habang nakatingin kay Tyler. Napailing na lang ako, ganito ba talaga ang epekto niya sa mga kababaihan?
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...