Chapter Twenty-Nine

5.7K 118 3
                                    

Chapter Twenty-Nine

'Kaye Anne's Point Of View'

Nang umalis si Alyana biglang tumawag si Tyler.Tinatanong niya ako kung bakit hindi na ako nagreply sa text niya.Sabi ko na lang na naligo lang ako at mukha namang naniwala sa sinabi ko.

Natulog din ako kahit kalahating oras lang at nagising din nang marinig ko na malakas ang ulan sa labas. Malapit na din maggabi at mukhang may bagyo pa yatang paparating dati sa lakas nang kidlat at ulan. Napapikit ako nang mariin nang maalala ang panaginip ko na nasa kubo ako at malakas ang ulan at kidlat sa gitna nang gubat.

Sinarado ko na lang ang kurtina at bumalik sa pagkakahiga nang tumunog ang cellphone ko at makitang si Clara ang tunatawag. Kinuha ko yun sa gild nang kama ko at nakahiga lang na sinagot ang tawag.

[Bakit absent ka?]Tanong niya agad pag kapindot ko nang 'answer'.

"Dumating kasi yung Tita ni Tyler" Sabi ko agad dahil alam ko na ang bibig nitong kaibigan ko,kapag hindi ka agad nakasagot siya na ang huhula nang sagot o kaya naman magtatanong pa ulit.

[Talaga lang?] Napailing na lang ako dahil alam ko na may iniisip nanaman na iba yan kaya hindi naniniwala sa sagit ko lalo't pareho pa kaming absent,akala niya siguro may ginagawa kami na wala naman kasi.

"Oo nga" Siguradong siurado na sagot ko

[Sige sabi mo eh. Pero Sis kung naghoneymoon man kayo ok lang naman normal lang naman sa mag-asawa yun] Sabi nito at alam kong nakangisi na 'to nang nakakaloko. Haist baliw talaga.

"Ewan ko sayo,Clara. Kung ano anong sinasabi mo" Pero kahit ganito 'tong kaibigan kong 'to maswerte pa rin ako sa kanya. Kaya niya akong pasayahin gamit yung mga salita niyang may halong kalokohan.

[Ayy!Oo nga pala, Tapos ka na sa reports mo sa Sceince?] Tanong niya.

"Oo tinapos ko na kanina" Sagot ko sa kanya.

[Sana ako din, diba? Haha Bye na muna, Sis. May date kami ni Dave kahit malakas ang ulan] Tawa nito kaya nagpaalam na din ako sa kanya at binaba na ang tawag.

***

Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kwentuhan at tanungan nila Tita Vivian at Alyana. Ilang minuto lang ang nakalipas nang matapos ang pag-uusap namin ni Clara sa telepono nang ipatawag ako ni Ate Daisy ang isa sa bagong kasambahay nila Tyler dahil yung ibang mga katulong ay kailangan ng umalis dahil nagplaplanong mag abroad at yung iba kailangan na nilang bumalik sa kani-kanilang pamilya.

Sila Manang Josie naman ay nag paalam ba kailangan bumalik sa probinsya nila dahil may sakit daw ang kanyang anak, sinama niya si Janna dahil parang anak na din ang turing niya dito kaya pinayagan na lang siya ni papa.

Si papa naman hindi nakasabay mag dinner samin kaya hindi ko alam kong tama ba na sumasabay ako sa hapunan ngayon. Hindi kasi ako komportable na kasabay sula Tita Vivian at Alyana tapos para lang akong hangin dito na nakikinig sa usapan nila at tahimik na kumakain.

"Kaye Anne" Napatingin ako kay Tita Vivian. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya ako, akala ko hindi na nila ako napapansin.

"Po?" Sagot ko at umayos nang upo

Kinabahan naman ako ng pagtaasan niya ako ng kilay. "Hindi naman siguro kailangan na nagkukulong ka lang sa kwarto niyo ng pamangkin ko, you should help the maids in cleaning this mansion. Hindi naman porket asawa ka ng pamangkin ko ay tutunganga ka na lang at aastang reyna, dapat nga ikaw na ang gunagawa ng mga gawaing bahay dahil bilang house wife responsibilidad mo yun" Sabi ni Tita Vivian na nagpayuko sakin. Magsasalita na sana ako ng dugtungan niya pa ang kanyang sasabihin na nagpalabas ng inis ko "Ganyan ba ang tinuro sayo ng magulang mo?May buhay reyna dito sa bahay ng pamangkin ko?" Gusto ko siyang sumbatan dahil sa sinasabi niya pero nanahimik na lang ako.

Ayaw ko sa lahat yung dinadamay ang mga magulang ko lalo't wala na sila at tahimik na nakalibing sa kanilang mga puntod.

"Hindi po ganun ang mga magulang ko" Sabi ko at nagpipigil na sigawan siya. Naiinis ako dahil sa mga sinabi niya, para talagang ipinamumukha niya na wala akong kwentang asawa sa pamangkin niya.

"Tita Vivian is right,Kaye. Dapat nga tumigil ka na lang sa pag-aaral at tulungan mo na lang ang mga maid dito" Mas lalong nagpintig ang mga tenga ko dahil sa sinabi ni Alyana. Pinagtutulungan ba nila ako?!

"I don't know why Tyler marry you for a useless reason, just to pay you for your parent's death? Why don't he just pay you a money?" Sabi nito at sinabayan pa ng nang aasar na tawa. Pabagsak na ibinaba ko ang mga kutsara't tinudor at hinarap sila.

"Insult me but don't insult my parent's! Punong puno na ako sa inyo Ma'am pero hinahabaan ko pa ang pasensya k--"

"Don't shout at Tyler's Tita,Kaye" Putol ni Alyana sa sinasabi ko. Tinignan ko siya.

"I am not talking to you" Sabi ko at padabog na umalis sa kusina at dumiretsyo sa labas.

Tumulo ang luha ko habang nababasa nang ulan palabas ng gate at tinext si Clara.

Me:

Clara pwede ba akong pumunta sa inyo?Diyan na din ako makikitulog kahit ngayon lang,please.

Naglalakad lang ako sa gitna ng malakas na ulan habang hinihintay ang reply ni Clara.

Clara:

Ha?Oo naman. Bakit may problema ba? Gusto mo sunduin kita diyan sa Villages niyo.

Mabilis ako nagtipa ng sagot ko.

Me:

Hindi na kaya ko na,Thanks.

Text ko at mabilis na naglakad para makahanap ng sasakyan ko papunta sa kanila.

Naramdaman ko na nagvibrate ang Cellphone ko at may text na galing kay Tyler,binuksan ko yun at binasa at mas lalo lang akong naiyak.

Tyler:

Mamaya na Flight ko pabalik sa manila. Can't wait to see you,Wife.

A/N: Late Update,inedit ko pa kasi siya ehh hehe

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon