Chapter Thirty-Six
'Tyler's Point Of View'
"We'll be there later, Tita" Sagot ko sa kabilang linya kay Tita Vivian. Hinilot ko ang sentido ko at tumingin kay Kaye na mahimbing na natutulog.
It's five am in the morning, pwede nang lumabas ng hospital si Kaye at Kelly kailangan lang mabantayan.
"You should be there, Tyler! Dapat kahapon pa!" I groaned. Tinawagan ako ni Tita at pinipilit na pumunta na doon ngayon, she called me and asked me kung bakit wala ako doon sa mga Montecillo, sinabi kong nahospital sila Kelly at Kaye.
Uuwi naman si Dad para makiramay sa mga Montecillo kahit na may mga meeting siya. Pinapatigil ko na siya sa pagtratrabaho pero mapilit at 'yon lang daw ang libangan niya at wala naman daw siyang ginagawa.
"Pupunta kami mamaya, tita." I badly want to curse but she's still my Dad's Sister. Kanina ko pa din gustong-gusto ibaba ang tawag dahil sa paulit ulit na sinasabi niya at sinabi niya pang inuuna ko sila Kaye at Kelly kaysa kay Alyana. Fuck!
"Don't you go there with those poor people, Tyl--" Hindi ko na kinaya at binaba na ang tawag. She's always like that. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit niya kina Kaye at Kelly, wala naman silang ginagawang masama.
I checked the messages in my phone from different persons. Nagreply ako sa Mama ni Kaye ng magtanong ito kung saan tutuloy si Kaye kapag nakauwi na mamaya. Ang gusto ko sana doon na lang siya sa mansion pero baka kung anong mangyari kung magkikita sila ni Tita doon kaya sabi ko mag-usap usap na kami kapag nandito na sila mamaya.
Nilapag ko ang cellphone ko at umupo sa sofa. I looked at Kaye whose sleeping peacefully.
Hindi siya pwedeng umuwi sa Apartment niya lalo na kung mag isa lang siya doon. Pumunta ako doon kahapon at nakita ko ang box at note na iniwan sa kwarto niya. I have an idea whose the person behind those all, iisa lang ang kilala kong gagawa no'n kay Kelly at Kaye.
'Kaye Anne's Point Of View'
"It is okay if you'll stay with us first, Kaye?" Mama asked. Nagising ako ng six at nandito na sila, nag usap-usap kung kanino muna ako tutuloy. Pinilit ko pa na doon na lang ako sa apartment pero hindi pumapayag si Tyler.
Ngumiti ako at uminom ng tubig pagkatapos kainin ang pagkaing dala nila.
"Okay lang po" Sagot ko. Wala din naman akong magagawa dahil kahit anong pilit ko na doon sa apartment ayawa talagang pumayag.
Makakalabas na ako ng hospital, ganon din si Kelly. Gusto ni Tokashi na doon din muna sila Kelly at Klare pero hindi pa nila nakakausap si Klare dahil inaayos pa nila ang Bill kasama si Tyler.
"It will be safe too if you'll just live us, Ate Kaye" Sabi ni Daryl habang nakacross ang dalawang kamay sa dibdib at nakatayo.
"I agree with Kuya, Ate Kaye." Pagsang-ayon naman ni Tokashi.
Tumango ako at tumayo. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Tyler. He looked at me.
"You can change? Makakalabas na kayo, kaya mo bang magpalit?" Tanong nito. Lumunok ako at tumango. Kinuha ko naman ang damit na dala nila at dahan-dahang naglakad papuntang bathroom ng silid na 'to.
Inalalayan pa ako ni Tyler at siya na din ang nagsara ng pinto. Tinanggal na ang dextrose at iba pang nakakabit sa akin kanina, wala na din ako masyadong maramdaman na pagsakit ng ulo o kahit pagkahilo.
Gustuhin ko mang maligo ay hindi na pwede kaya binasa ko na lang ang katawan ko bago nagpalit ng damit.
Maliligo na lang ako mamaya kapag nakauwi ako. Sasabihin ko na lang na daanan muna namin ang apartment na tinutuluyan ko sandali para kumuha ng damit at tsaka 'yong mga passport ko at cellphone ko na naiwan sa sala ng apartment.
Hindi ko tuloy matawagan si Clara kasi hindi ko kabisado ang number siya at wala dito ang cellphone ko. Baka nag-aalala na 'yon dahil hindi man lang ako nagtetext sa kanya.
Lumabas ako ng banyo. Wala na sila Daryl at Tokashi doon, habang si Mama naman ay tumutuloy sa pagliligpit ng mga gamit na amin.
Mabilis ang kilos ni Tyler na lumapit sa akin at inalalayan ako kahit kaya ko naman.
"Ok lang, kaya ko naman" Sabi ko pero parang wala siyang narinig at pinaupo na lang ako sa sofa. Tumingin siya sa akin.
"Do you want to go with us to Alyana?" Tanong nito. Tumango kaagad ako dahil 'yon talaga ang gusto ko. Ang hirap paniwalaan na wala na siya, kailan lang kami nag kaayos at sa panahon pa na ganon ang kalagayan niya.
"Sasama ba sila?" Tanong ko.
"Yes, kahit si Klare at Kelly. Your mom want them in your family mansion too, it is okay?" Marahang tanong niya.
"Okay lang"
He nodded and leaned forward and kiss my forehead. Para akong naputulan ng hininga.
Hindi ko alam kung ano pa ba kami or kung meron pa bang kami. Parang gusto kong matawa sa sarili ko dahil ilang beses kong sinabi na hindi na ako babalik sa kanya pero ito nanaman 'tong puso ko at sobrang lakas ng kabog tuwing lumalapit siya.
"I want you to be with me but your family need you too. You need more time to be with them and bond with them." He let out a heavy sigh and look at my eyes.
Tahimik lang akong nakamasid at kinabisado ang bawat parte ng mukha niya. Hindi ko kailanmang naisip na magkakalapit ulit kami ng ganito kalapit pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Magsasalita na sana ako ng hawakan niya ang baba ko at mabilis ns nilapat ang labi niya sa akin.
Namula ako dahil sa ginawa niya, lalo na ng makita ko si Mama na nakatingin sa amin habang nakangiti.
Humiwalay ang labi niya sa akin at nakangiti akong hinarap muli and then he chuckled maybe because of my reaction.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...