Chapter Thirty-Seven
'Kaye Anne's Point Of View'
"After four years, you're back? For what? To seduced my niece, again?" Napatigil ako sa paglalakad para pumuntang bathroom ng bahay nila Alyana.
Dumiretsyo agad kami dito, nandoon sila sa Sala habang nakikiramay. I want to the washroom kaya nagpaalam ako at tinuro sa akin ang daan pero malapit na ako doon ng makasalubong ko ang Tita ni Tyler.
Walang nagbago sa kanya, she's still the same. Medyo makdita at nakakatakot parin. Para man lang hindi tumanta ang mukha nito, ang katawan ay mas lalong gumanda ang hubog habang nakasuot ng itim na fitted dress na hapit na hapit sa katawan niya at sumisigaw ng karangyahan.
Tumikhim ako at hindi alam kung maglalakad ba para lagpasan na lang siya o babatiin. Pero nanaig parin sa akin ang kabutihan.
"Magandang hapon po" Bati ko at yumuko ng unti. Umismid ito dahil sa ginawa ko.
"I really don't know what my niece see to you, gold digger psh!" Natahimik ako sa sinabi niya. Parang may sumaksak sa puso ko dahil doon, alsm ko naman na simula palang noong una na ayaw niya sa akin at tanggap ko na 'yon. Pero ang pagsalitaan ako ng ganito, parang sobrang baba talaga ng tingin niya sa akin....
"I'd rather chose my niece to live alone than seeing him with you, disgusting" Sabi nito bago naglakad palayo. Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa narinig.
Tahimik kong tinahak papasok ang bathroom at inayos ang sarili. I convinced my self to be not affected of those words of hers. Dapat alam ko sa sarili ko na maganda ang intensyon ko at hindi masama. Hindi ko dapat kailanganin ang opinyon ng iba dahil alam ko sa sarili ko ang tama sa ginagawa ko.
Pero nakakadown pala talaga kapag ganon, yung point na iba ang tingin nila sayo kahit puro kabutihan at maayos naman ang pinapakita mo.
Inayos ko ang buhok ko bago nagpasyang lumabas. Binuksan ko ang pinto.
"Jusko!" Napahawak ako sa dibdib at sinamaan ng tingin si Tyler na nakatayo sa tapat ng pinto dahilan ng pagkakagulat ko.
"Sorry" Sabi nito.
Sinamaan ko siya ng tingin bago huminga ng malalim.
"Ano ba kasing ginagaw amo diyan?" Tanong ko, umurong naman siya para bigyan ako ng daan para makalabas ng bathroom.
"Just checking on you and i'm worried" Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad at pasimpleng hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin nanaman ang pagtibok nito.
"Nag-CR lang ako, hindi naman siguro ako mawawala dito diba?" Medyo tinarayan kong sabi. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa kanya, at ang titig niya sa likod. Napapikit ako sandali umiling. Mababaliw na yata ako ng tuluyan!
Malapit na kami makarating sa sala ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghatak ng braso ko paharap sa kanya.
"Bakit?" Medyo mataas ang boses kong tanong. Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin at parang sinusuri ang mukha ko.
I gave him a what-look pero umiling lang siya at huminga ng malalim. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Lumapit agad ako kina Jake, Emily at Drake na nakaupo habang sila mama naman ay nakikipag usap sa mag asawang Montecillo.
Umupo ako sa tabi ni Drake na tulala habang nakatingin sa kabaong ni Alyana. Nalulungkot ako para sa kanya. Sana balang araw mahanap niya din 'yong babaeng para sa kanya at mamahalin siya ng sobra.
Napalingon ako ng tumabi ng upo si Tyler sa akin.
Inikot ko ang paningin ko at hinanap si Kaizer, magpinsan sila ni Alyana kaya baka nandito siya. Lumingon ako sa mga matatandang nag-uusap nandoon ang mga magulang ni Alyana, ang mama niya ay kanina pa pinapatahan dahil iyak ng iyak.
Pero napatingin ako sa isang may katandahang lalaki na. Papa ni Tyler...
Seryoso itong nakikipag-usap sa mga nandoon, medyo pumayat ito at halata sa mukha na tumatanda na talaga. Siguro mga nasa fifty-five na ang edad nito.
Napalingon naman ako sa katabi nito na masama ang tingin sa akin at inirapan lang ako ng makitang nakatingin na ako sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko.
Lumapit naman sila Daryl sa amin. Kasama si Kelly at Tokashi.
"Si Klare?" Tanong ko.
"Daddy!" Tawag ni Kelly kay Tyler at nagpabuhat, binuhat naman niya ito at nilaro bago tumingin sa akin si Kelly. "Mommy Kaye" sambit nito.
Ngumiti ako sa kanya at nilingon ulit si Daryl.
"Mom and Klare is talking outside" Sagot nito sa tanong ko. Tumango ako.
Kalahating minuto pa kami nanatili doon bago nagpasya na umuwi na para magpahinga, babalik na lang ulit bukas.
"Drake, una na kami" Sabi ni Jake sabay tapik sa balikat ni Drake. Tumango lang ito at hindi parin tinatanggal ang tingin sa kabaong ni Alyana. Nagpaalam na din sila sa mag-asawang Montecillo.
"Hindi ko ganon kakilala si Alyana pero nalulungkot ako kasi wala na siya, kawawa si Drake" Sabi ni Emily na nasa tabi ko.
"Kaya nga, hindi ko alam na may namamagitan pala sa kanila" Sabi ko. Nasa pinto na kami at hinihintay na lang sila habang nagpapaalam.
"Akala ko kasi sila ni Natasha, yun pala...." Sabi nito. Sino naman si Natasha?
Hindi na ako nakapagtanong ng lumapit na sila Tyler sa amin at sinabing aalis na. Hindi ako nakita ng papa ni Tyler dahil busy ito sa pakikipag-usap.
Doon ako sumakay sa kotse ni Tyler habang nasa likod sila Kelly at Klare, tulad ng ayos ng upo namin kanina habang papunta dito.
Naunang umalis sila Jake at Emily, kasunod ang kotse ni Daryl kaya sumunod na din kami pa diretsyo sa bahay nila, bahay ng totoong pamilya ko.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...