Chapter Forty

5.7K 117 5
                                    

Chapter Forty

'Kaye Anne's Point Of View'

"Aalis ako mamaya, sandali lang naman ako. Dito tayo matutulog bukas na tayo uuwi" Sabi ni Tyler habang nasa hapag na kami.

"Saan punta?" Tanong ko.

"May dadaanan lang ako malapit dito" Sagot niya.

"Sama na lang ako" Sabi ko.

"No need. Just enjoy being here or tour yourself around of this house" Sabi niya. Bakit ayaw niya akong isama? May babae siguro 'to. "I know that look,Kaye. Wala akong babae" Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Wala pa akong sinasabi, ang defensive niya.

Pagkatapos naming kumain ako na ang nagligpit habang si Tyler ay inaayos na ang sasakyan niya.Nilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan at akmang huhugasan na sana ito nang dumating ang isa sa mga kasambahay nila Tyler at siya na daw ang maghuhugas. Wala naman na akong nagawa kaya pumunta na lang ako sa sala at saktong kakapasok lang ni Tyler mula sa labas.

"I'll go now. Wag kang pasaway dito" Sabi nito at lumapit sakin.

"Alam ko ang gagawin ko. Tsaka anong pasaway? Ano ako? Sampung taong gulang" Sabi ko at inirapan ulit siya.

"Ang init ng ulo mo, buntis ka ba?" Pinanlakihan ko siya nang mata dahil sa sinabi niya habang nakangisi sakin.

"Umalis ka na nga!" Madiing sabi ko at tinulak siya.

"Goodbye Kiss?" Sabi nito at lumapit pa sakin.

"Heh!!" Tinulak ko ulit siya nang akmang hahalikan niya ako. "Alis na!" Sabi ko.

"Damot" sabi nito at umalis na.

****

Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Magpapasama ako kay Emily para mamasyal na bobored ako dito. Bumaba na ako at nakita ko si Emily na kakatapos lang yatang magpunas ng mga kagamitan dito sa loob ng bahay.

"Emily, pwede mo ba akong samahan mamasyal? Wala pa kasi akong masyadong alam na lugar dito" Sabi ko nang makababa na ako.

"Ahh sige Kaye, maliligo lang ako" Sabi nito kaya tumango ako. Umalis na siya kaya pumunta naman ako sa labas para tignan kung maganda ang panahon. Maaraw naman at sikat na sikay ang araw kaya mukhang hindi uulan.

Napatingin ako sa isang lalaking nakahood na itim at nakasakay sa motor habang nakatingin sa direksyon ko.

Parang nanuyo ang lalamunan ko. Siya yung lalaki na lagi kong nakikita sa School at sa bahay nila Tyler.

Mabilis akong pumasok sa loob at umupo sa upuan. Ano bang kailangan ng lalaking yun? Naalala ko yung time na si Dave ang sumundo sakin at may mga nakasunod saming Van. Nandoon siya nung time sa school nung time na yun.

"Kaye, tapos na ako"  Napatingin ako kay Emily na kakarating lang.

Tumayo na ako at naglakad na kami palabas ng bahay. Tinignan ko ulit ang harap ng gate pero napakunot ang noo ko at luminga linga paa hanapin yung lalaki kanina.

'Nasaan na yun?'

"Gusto mo daanan natin yung park residence na malapit dito?" Tanong ni Emily habang naglalakad na kami palabas ng subdivision. Wala naman kasi kaming sasakyan dahil dala ni Tyler at mas magandang maglakad para makita ko ang magagandang tanawin na madadaanan namin.

"Sige." Sabi ko. Nilakad lang namin mula bahay hanggang sa marating namin ang Park na sinasabi ni Emily. May nakalagay na Park Residence

Hindi lang siya Park ba kung saan naglalaro ang mga bata. It's was like a apartments or should i say Condominium? Akala ko Park katulad ng sa manila. Like Luneta Park, but then it's an apartment. Park Residence? Wait.

"Emily? Anong pangalan ng subdivision na pinanggalingan natin?Hindi ko kasi nakita nung lumabas tayo" Tanong ko kay Emily.

"Ahh. Araya Park Residence" Sagot niya. It's a Residence. "Sta. Rosa Laguna. Maraming lugar ang Laguna pero ang exact location ng lugar na 'to ay Sta. Rosa Laguna" Napatango ako sa sinabi ni Emily.

Naglibot libot kami at hindi ko mapigilang mamangha sa mga bulaklak na iba iba ang pagkakaayos. Marami na akong nakitang ganito kanina habang nasa byahe pero iba padin pala kapag nakikita mo nang malapitan at nahahawakan mo.

"Marami ding Water Falls sa buong laguna. At halos ata ng mga madadaanan mo kapag nilibot mo ang buong laguna ay mas marami ang mga Resort dito. Kadalasan Spring Swimming Pools ang marami" Wow. Para tuloy gusto ko nang tumira dito at maglibot magdamag. I am so amaze on what i've known.

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagring ng cellphone ni Emily.

"Sagutin ko lang 'to, Kaye. Diyan lang ako sa tabi" Paalam ni Emily. Mabilis akong tumango kasabay ng kanyang pag-alis

Naglakad-lakad muna ako at tinignan ang mga iba't ibang halaman at bulaklak na nasa gilid ng building. Nakashape ito na pa-heart at may iba't ibang kulay ng bulaklak. Hahawakan ko sana ito nang may humawak ng kamay ko at inilayo yun doon.

Mabilis kong inagaw ang kamay ko at tinignan siya. Para akong naninigas nang makilala ko kung sino yun.

Nginisian niya ako at naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisnge ko.

"What a nice timing, Mrs.Villanueva"

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon