Chapter Fifteen
'Kaye Anne's Point Of View'
"Kaye, paabot naman yung mga syringe" pasuyo ni Marielle. Ininat ko ang braso ko bago tumayo para kunin malapit sa bagong aparador ang mga syringe at binigay kay Marielle na nakapatong sa table para malagay ang mga syringe sa mas mataas na bahagi ng kabinet.
Kakatapos lang namin mag lunch at mukhang matatapos kami ng maaga dahil patapos na lahat, may mga ipinadala kasi para tulungan kami kaya napadali ang trabaho namin.
Marami ding diniscuss na dapat naming gawin, alam ko naman na ang mga rules at regulations dahil isang taon na din ako sa pagiging nurse, kahit noong nag-aaral palang ako tinuturo na din samin ang pagiging responsable at pagiging palakaibigan sa mga pasyente para magibg comfortable sila sa amin.
We have a logo, it's called Rod of Asclepius with a symbol of rod and 2 curled snake around it. Ano bang ibig sabihin ng simbolong yun? Ang ibig sabihin nun, dapat bilang isang mang gagamot hindi dapat kami makapagbigay ng mas malalang sakit sa isang pasyente, kaya nga may kasabihang, First, do no Harm.
Kaya nga mahirap din maging isang nurse, lalo na kapag doctor, pero tulad ng sabi ko, masaya naman mag-alaga ng kapwa. Meron lang talagang mga bagay na mahirap gawing perpekto lalo na sa paggagamot. May time na kakabahan, matatakot, o kung ano pa dahil baka may magawa kang mali na hindi maganda ang kalalabasan.
Ilang taon din ang nilabanan ko para lang makapagtapos as nurse, 4 years kasi ang itatake mo bago ka makapasa dito, pero worth it naman lahat ng gastos at hirap kasi natupad ko naman, and here i am now, i already achieved one of my dreams.
Pinag-iipunan ko na lang yung dream house ko sa new york, para naman may sarili na akong bahay at hindi na doon sa apartment.
Gusto ko ngang bilhin yung bahay na para sa amin, yung bahay na naging unang tahanan ko, yung bahay na pinaghirapan ng mga magulang ko.
Napabuntong hininga na lang ako, kaso mas maganda kung lalayo na lang ako, para din sa ikakabuti ko, para din makalimutan ko na ng buo yung mga hindi magandang nanyari sakin, hindi ko na sasayangin yung mga pinaghirapan ko na mapunta lang sa wala.
Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagtulong sa pag-aayos.
Mag-aalas tres na ng hapon at natapos na namin lahat ng dapat gawin, kakarating lang nung ibang mga wheelchairs, beds, kabinets at iba pang mga kagamitan para sa mga magiging pasyente ng hospital. Pati ang limang ambulansya ay nasa emergency parking lot na din, marami daw kasing itratransfer na mga pasyente kapag natapos na ang opening ceremony.
"Kaye, may kasabay ka ba sa pag-uwi?" Tanong ni Marielle habang kinukuha ang gamit niya.
"Wala naman, bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi ako makakasabay, maglalakad ka ba pauwi? I need to go to my grandma's house today" sabi nito, tumango ako, at ngumiti.
"It's ok, Marielle. Ingat ka ahh, tsaka may dadaanan din naman ako" Sabi ko, tumango ito at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Sabay na tayo bumaba?" Tanong nito, tumango ako at kinuha ang gamit ko, sling bag lang naman dala ko, wallet ko at cellphone ko lang nandoon pati ang atm card ko at iba pa.
Nakalabas na kami ng hospital, nagpaalam na si Marielle at pumara ng taxi, kumaway ako sa kanya, ganun din ang ginawa niya, ng makaalis na siya naglakad na ako papunta sa paaralang pinag-aralan ko na din noon, ang PHU.
Ang daming nagbago dito, iba na ang kulay ng malaking gate, kulay pula na ito, dati kulay dilaw pa ito, may mga studyante pa na papalabas palang ng school, mukhang nag overtime para siguro gumawa ng mga proyekto, parang kami lang dati noong elementarya.
Naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa playground, maraming bata na naglalaro doon, naghahabulan, may mga naglalaro sa swing,at sa padulasan.
Tinignan ko yung madalas kong upuan na bench, nandoon pa yun at ganun parin kulay at maayos pa din ito hanggang ngayon. Sobrang daming improvement dito, siguro alagang alaga ng mayor, kahit ang kalsada hindi na malubak ngayon, wala ka na din masyadong makikitang nakatira sa tabi tabi lang at mga nagtitinda sa daanan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, kalahating oras pa yata ang inabot bago ako nakarating sa sementeryo kung saan nilibing ang mga magulang ko. Nang mahanap ko ang lapida ng aking mga magulang umupo ako sa harap nun, bumuntong hininga at ngumiti.
"Ma, Pa, kamusta na kayo diyan? Nakakamiss kayo, kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko pa din matanggap" pinunasan ko ang maalikabok na lapida nila mama at papa. "Sana ok lang kayo diyan, balang araw ma at pa magkikita din tayo diyan, hintayin niyo ko ahh, mahal na mahal ko kayo" pinigilan ko na huwag tumulo ang mga luha ko, ayaw ko kasing umiyak sa harap ng mga lapida nila, dapat maging malakas ako. Para din sa kanila itong ginagawa ko, para sa mga binuong pangarap nila sakin at sa paghihirap na dinanas nila para mapag-aral at mapalaki ako ng mabuti.
May mga tao din nandito sa sementeryo at mukhang dinadalaw din ang mga mahal sa buhay na pumanaw na, pinagmasdan ko sila, walang maguguhit na lungkot sa mga mukha nila, halatang tanggap na nila ang pagkawala ng mga mahal sa buhay, kaya dapat ganun din sakin, kailangan ko nang kalimutan ang mga nangyari at maging masaya na lang, at gawing kayamanan ang mga nakaraang nangyari.
May kasabihan nga na, Be Strong, because things will get better. It may be stormy now, but it will never rains forever..
"Kaye..."
A/N: Thank you po sa patuloy na pagsupport sa story ko kahit napakatagal po ng ud, pasensya na din po sa hindi ko paguud everyday:<... have a nice evening everyone...
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...