Chapter Thirty-Three

5.7K 125 4
                                    

Chapter Thirty-Three

'Kaye Anne's Point Of View'

Tahimik lang ako habang nag uusap sila Tyler at Ms.Quinto. Nakakainis bakit ba nandito si Alyana. Nakaupo siya sa harap ko kausap niya si Stephanie the Monkey.

Gusto ko na din hilain yung buhok niya at pagbuhulin sila ni Stephanie kanina pa ako nginingisian eh!

Nagiging demonyita talaga pagdating sa dalawang 'to.

"Ms.Velasquez" Nag angat ako ng tingin kay Ms.Quinto ng tinawag ako nito.

"Po?" Sagot ko.

"Maiwan ka muna dito.Mag uusap tayo" Napakunot ang noo "Ms.Zhou Bumalik ka na sa Klase mo" Ano Daw!

"Wait Ma'am! Bakit ako maiiwan? Hindi naman ako yung nagsimula!" Napasigaw na ako dahil sa irita. Putcha!nakakagigil sila.

"Down Your Tone,Ms.Velasquez!" Napairap na lang ako sa ere dahil sa lintik na lalaking 'to. Umalis na si Stephanie tapos naiwan naman ang mag-EX!

"Ma'am, hindi naman talaga ako yung nauna" paliwanag ko ulit "Inunsulto ako kaya lumaban lang ako. Hindi naman siguro tama na siya pinabalik niyo tapos ako nandito para ano? Ibigay sakin yung parusa ko? Bakit? Porket mayaman sila kaya kinakampihan ninyo!" Nangilid na ang luha ko at yumuko.

"Kay--" Akmang magsasalita pa sana si Tyler ng sumigaw si Ms.Quinto na mas nagpainis sakin.

"Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan! You are just my student and I am your teacher so respect me! Don't you know the word manners, Ms.Velasquez?! Ganyan ba ang itinuro ng mga magulan--" Mabilis kong hinampas ang lamesa at galit na hinarap siya.

"Alam ko po yung manner at meron ako nun eh kayo ba? Alam niyo ba? Sinasahudan kayo ng school para mag turo hindi para bastusin ako at ang mga magulang ko! Pera lang ba talaga ang mahalaga sa inyo! Marunong po akong rumespeto pero karapat dapat ko ba kayong irespeto?! Your being unfair! Binabalik niyo si Stephanie doon at pinaiwan ako dito para ako yung sisisihin niyo kahit di niyo naman alam lahat ng nangyari!" Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko pinansin.

Umiyak lang ako ng makita ko si Clara na mabilis na lumapit sakin.

"Omyghad! Anong nangyari?Bakit ka umiiyak?" Yumakap agad ako sa kanya at doon umiyak ng umiyak "Shhh tahan na. Gusto mo bang iuwi na kita sa bahay? Nakakagigil ah! Nakita ko kanina sa Stephanie na nakalabas gusto ko siyang sabunutan kanina ng nginisian ako nung unggoy na yun"

Kahit papaano natuwa ako sa sinabi niya. Bumitaw ako sa kanya.

"Ok lang ako. Pasok na tayo" Sabi ko habang tinutuyo ang basa kong pisnge. Tumango lang siya kaya naglakad na kami pabalik ng room. English na namin kaya hindi ko na makikita si Tyler. Ang gusto ko lang malaman kung bakit nandito si Alyana? Baka dito siya nag patransfer pero bakit magkasama sila ni Tyler?

Tahimik lang kaming umupo ni Clara ng papasukin na kami ng Teacher namin. Napatingin din ako kay Kaizer na parang gusto pang magtanong pero hindi na niya itinuloy ng mapansin niya siguro na umiyak ako at tahimik lang ako.

Wala akong naintindihan sa lesson namin. Nawala lahat ng gana ko. Break Time nanaman at wala na kaming susunod na klase dahil pinasuspend na ng biglang dumilim at mukhang uulan pa ng malakas.

Kahit gutom na ako hindi na ako sumama kina Clara at Dave na mag canteen. Gusto ko na lang maglakad lakad sa labas at pumunta sa puntod nila mama at papa kaso mukhang kukulangin ako sa pamasahe dahil hindi ko na kuha ang wallet ko sa bahay nila Tyler ng umalis ako doon habang umuulan ng malakas.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung lalakarin ko mula dito sa school papuntang sementeryo aabutin ako ng isang oras bago makarating doon. Malayo layo pa kasi yun papunta na din yun sa kabilang bayan.

Lalakarin ko na lang maaga pa naman.

Nang makalabas na ako ng gate ng school naglakad na. Nadaanan ko pa yung park na malapit kina Clara. Bigla akong nalungkot ng maalala na dito pa kami pumupunta nila mama para lang bumili ng Ice cream at sumasakay pa kami sa duyan. Napapatingin ako sa mga batang naglalaro habang inaalalayan ng mga magulang nila.

Siguro kung hindi kami mahirap hindi sana magtratrabaho sila mama at paa kina Tyler. Hindi sana sila mapapahamak. Masama pa sana kami ngayon. Nandito pa sana sila para lang supportahan ako at bantayan. Edi sana tuwing kaarawan ko nandito sila para icelebrate namin yun....

At hindi ko sana siya makikilala....

Hindi nga ako nagkamali. Inabot na ako ng isang oras sa paglalakad ng makarating ako sa sementeryo na pinaglibingan kina mama at papa. Hinanap ko agad ang lapida nila.

Ng mahanap ko ito ay umupo agad ako sa harap at hinaplos ang lapida ng puntod nila mama at papa.

"Hello po mama at papa. Miss na miss ko na kayo, sana ok lang po kayo kung nasaan man kayo. Alam niyo po ba na malapit na akong grumaduate at may asawa na din po ako" pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisnge ko "Sana po hindi na lang kayo nawala para po may nag aalaga at tumutulong sakin sa mga projects ko sa school. Mahal na mahal ko po kayo mama at papa sorry po kung ngayon lang ako nakapunta dito simula ng ilibing kayo wala pa po kasi akong pera at kasama noon tapos nalulungkot po ako lalo kapag nakikita ko yung lapida niyo" Napaiyak na ako ng tuluyan kasabay ng pagpatak ng tubig galing sa langit.

"Kaye?"

A/N: :<

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon