Chapter Fifty-Five

2.7K 55 39
                                    

Chapter Fifty-Five

'Kaye Anne's Point Of View'

Tahimik akong nakaupo at nakayuko sa sofa, katabi ni Tyler habang nasa harap namin si Daryl na dumating kaninang madaling araw. Nag-uusap sila tungkol sa nagyari at ang pagpunta namin mamaya sa headquarter pero wala na akong maintindihan sa sunod na pinag-usapan nila dahil tulala na ako at kung saan-saan na lumilipad ang utak ko.

Bigla-bigla kong nararamdaman ang pamumula ng isipan tuwing naaalala ang nangyari kagabi. Napatikhim ako at napadiretsyo ng upo ng ilagay ni Tyler ang isang palad sa ibabaw ng hita ko. Napalingon ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sakin, kunot ang noo.

"What are you thinking?" Mahina ang boses niyang tanong sakin.

Mabilis akong umiling at ngumiti. "Wala," I mouthed.

Ofcourse I won't tell him what's on my mind at this moment, that'll be the death of me.

Napalingon ako kay Daryl ng marinig ko ang pagtikhim nito. Simangot ang itsura nitong pinagmamasdan kami. Bigla tuloy akong nahiya.

"Did you call Mom and Dad? They are worried," tanong ni Daryl sakin.

I nodded. "Yes, kanina lang."

Tumango ito bago nilipat ang tingin sa katabi ko.

"Susunod na lang ako sa headquarter. Our mens checked the perimeter to make sure that no one will attack."

"Thanks. I had talked to my Dad too, he'll add mens for more security. Though, I can't tell that going to the headquarter is safe a hundred percent but atleast it's way safer than the other places."

Marami pa silang pinag-usapan bago matapos at nagpaalam muna si Daryl na may gagawin at titignan lang. Kami naman ay umorder ng pagkain for lunch at mag-aayos na din sa pag-alis mamaya.

Nakaupo ako sa kama ngayon at nag-iisip. Habang si Tyler naman ay nasa banyo't naliligo, rinig na rinig ko ang mga patak ng tubig mula sa shower.

I sighed.

Sana matapos na ang lahat ng ito. Patagal ng patagal ay nafrufrustrate ako sa nangyayari at hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayanin.

Hearing guns and screams, seeing bullets and people dying because of this happening pain me so much. Hindi ko maisip na maraming buhay ang nawawala dahil sa amin, bodyguards man o mga inosenteng tao, their life is important.

"Now, what are you thinking again? Mind to telling me?"

Napaayos ako ng upo at nilingon si Tyler, nakatayo na ito sa harap ko. Hindi ko man lang napansin na tapos na pala siya. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang basang buhok at tanging twalya lamang ang nakatakip sa kanyang pang-ibaba.

"Stop staring," aniya nito na nagpabalik sa wisyo ko.

Tumikhim ako at inangat ang tingin sa kanya. Kunot nanaman ang noo nito habang nakatitig sa'kin, parang sinusubukan basahin ang laman ng isip ko.

"W-Well... ahm," lumunok ako. Parang kanina lang ang dami kong iniisip pero ngayon lahat yata 'yon naglaho dahil sa kaharap ko.

"Hmm? What?" Medyo istrikto ang tono nito.

Hindi ko alam kung anong tamang sabihin. Para akong nauubusan ng salita dahil sa kanya. Buti na lang at nakaupo ako dahil paniguradong nanginginig na ang tuod ko sa hindi malamang dahilan.

"You're spacing out too much. You're killing me, Kaye Anne!"

"H-Huh?"

Napapikit ako. Parang gusto ko ipukpok ang ulo ko dingding.

"Damn!"

"A-Ah! Sorry. M-May iniisip lang ako," I uttered unintentionally.

I looked stupid for god sake! He asked what I'm thinking tapos ayon pa ang nasabi ko. Wake up, Kaye Anne!

Medyo nagulat ako ng yumuko siya at pinantay ang ulo sa ulo ko dahilan para mapaurong ako bigla. His eyes are glared at me for a second pero pumikit din siya ng mariin tsaka mahinahon na akong tinignan.

"Are you scared?" He mumbled.

Hindi ko alam kung bakit ayon agad ang naisip niya. Do I looked like scared? Masyado na ba akong wala sa sarili para maisip niyang natatakot ako?

Well, am I scared? Maybe yes, maybe no? I'm not sure.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip ay naramdaman ko ang mahina niyang paghila sakin palapit sa kanya at niyakap ako.

"Don't be," he whispered at my left hear, medyo nakiliti pa ako.

"Hindi naman ako takot. I'm just worried for my family, for those people who got involved when they shouldn't and ahm... for you."

Naramdaman ko ang mahinang buntong hininga niya na parang puno ng hindi mapangalanang emosyon.

"I'm sorry. If it weren’t for me, you wou-"

Hindi ko pinatapos ang sinasabi niya. Ginilid ko ang ulo at tinignan siyang nakayuko ngayon sa aking balikat.

"Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto na guluhin ka ng mga taong iyon," I said. "Saka kung wala ka naman dito ay maiinvolve pa din ako. Did you forget that my family are part of this?"

"I love you," ang tangi niya na lang sinabi pero ramdam na ramdam kong nahihirapan din siya.

Sinubukan kong iangat ang ulo niya papantay muli sa akin at hindi naman ako nahirapan dahil nakisama din siya. I smiled and kissed him.

"Mahal na mahal din kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon