Chapter Fifty-Five

4.7K 119 11
                                    

Chapter Fifty-Five

'Kaye Anne's Point Of View'

"Washroom lang ako" Paalam ko kay Miguel.

"Sure, do you want me to come with you?" He asked.

Umiling ako "Hindi na, Kaya ko naman" Sabi ko at tumayo na, hinarap ko si Mr.Tyler Villanueva na kanina pa nakatingin sakin na ikinaiilang ko din simula pa kanina.

"Excuse me" Sabi ko at naglakad na papunta sa Restroom, pagkapasok ko ay diretsyo ako sa salamin at tinignan ang mukha ko kung may dumi ba doon at siguro yun yung dahilan kung bakit nakatitig sakin si Mr.Villanueva.

Pagtingin ko sa salamin chineck ko ang buong mukha ko ngunit wala namang dumi. Kinuha ko ang Powder at hairbrush sa sling bag na dala ko at inayos ko ang sarili ko. Bigla ko nanaman naalala yung titig niya. Bakit ganon? Parang ang tagal na naming magkakilala. Isa ba siya sa mga kaibigan ko? Parang nakita ko na siya, o baka naman nakita ko na talaga siya bago ako maaksidente, siguro matagal na silang magkakilala ni Miguel at siguro nagkikita kami o sinasama ako ni miguel kapag may meeting sila.

Mga ilang minuto din ako sa Restroom at nag isip isip bago lumabas doon. Napahawak ako sa dibdib ko ng bumungad sakin si Mr.Villanueva.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at tinignan siya, nagulat ako doon akala ko kung sino.

"Boy's restroom" maikling sagot nito, napakunot ang noo ko sa sagot niya hanggang sa marialize ko kung ano yung ibig sabihin niya.

"Ahm, sige po, mauuna na po ako doon" sabi ko, akmang aalis na sana ako ng hilain niya ng marahan ang braso ko at hinarap ako sa kanya, parang may kuryenteng dumaloy sa braso ko dahil sa pagkakahawak niya, tinignan ko ang kamay niyang nakahawak padin sa braso ko, mabilis naman niya itong tinanggal ngunit nararamdaman ko pa din ang kamay niyang nakahawak sakin.

"Sorry" sabi nito at nauna pang naglakad pabalik kay miguel.

Hinawakan ko ang braso ko na hinawakan niya at naglakad na din pabalik.

Pagkarating ko doo, nakatayo na si Mr.Tyler at Miguel at mukhang tapos na ang pinag-uusapan nils dahil nagkamayan na ang dalawa. Lumapit na ako sa kanila at tumabi kay Miguel.

"Thank You for letting me invest in your company, Mr. Villanueva" pagpapasalamat ni Miguel, nakita ko ang pagtango ni Mr.Tyler.

"I need to go, i still have a meeting" paalam nito. Nagpaalam na din kami sa kanya at sabay sabay din kaming lumabas at sumakay ng kotse ngunit bago pa man ako makasakay ay tinignan niya muna ako bago naglakad papunta sa sasakyan niyang nakapark malapit samin.

'Tyler's Point Of View'

"Hello, Drake?" Panimulang bati ko kay Drake ng tinawagan ko siya.

[Boss, may kailangan ka ba?] Tanong nito.

"Ready the chopper, pupunta akong cebu, sa bahay nila Darren. I need to ask something about Kaye" sabi ko at ibinaba na agad ang tawag tsaka mabilis na pinaandar ang sasakyan ko ng makaalis na sila Ka--Klare.

****

Bumaba ako sa chopper ng makarating na kami dito sa cebu at hinintay ang sasakyang pinadala ko dito.

Nang makarating ang sasakyan na dadalhin ko papunta sa mansion ng mga saito.

*****

"Where's Mr. And Mrs. Saito?" I asked to there maid.

"Mr. Saito is not here sir, but Madame is in the kitchen, baking some cakes" Sagot nito. Tinanguan ko na lang ito at naglakad na papunta sa kusina. Malaki na ang mansion ng mga saito, huling punta ko dito ay nung nagkaroon ng pagtutulungan ang mga Villanueva at Saito laban sa mga masasamang taong nasa ilalim ng Mafia World.

"GoodAfternoon, Mrs.Saito" bati ko sa babaeng nakatalikod sakin na sigurado akong mama ni Kaye, humarap ito sakin at nginitian ako, the way she smile reminds me about kaye. Hindi mo talaga mapagkakaila na mag ina sila dahil sa mukha at ganda palang mahahalata mo na. Half-filipina and Half-japanese ang lahi ni Kaye dahil pure filipina si Mrs.Saito habang pure japanese si Mr.Saito.

"Iho! Buti naman at nakapunta ka dito, hindi mo ba kasama ang anak ko? Hindi niya pa ba kami kilala, sabihin mo naman sa kanya na gusto ko na siyang makasama" malungkot na sabi nito, hindi pa alam ni Mrs.Saito na nawawala si Kaye? Fvck!

"She's not here, Mrs.Sa--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Mama, Tyler, Mama." Sabi nito, napakamot ako sa ulo ko.

"Mama, she's not here, busy siya sa school" pagdadahilan ko na lang. Kung hindi alam ni Mrs.Saito? How about Mr.Saito. Alam ba nitong nawawala si Kaye? " Mrs.S--Mama, I need to ask something" sabi ko.

"Sure, ano ba yun?" I sigh.

"Mama, may kakambal ba si Kaye..?"

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon