Epilogue
'Author's Point Of View'
Minsan talaga sa mga masasamang bagay na nagagawa natin, hindi na natin namamalayan na may nasasaktan na tayong iba. Napaisip na ba kayo? Kung bakit kailangan may masaktan at maiwan mag-isa? Na kapag may nahanap ng iba iiwan ka na lang kasi ayaw na sayo, dahil boring ka or what soe ever?
Yan ang mga tanong na hindi masagot sagot ni Kaye, because of all the pain that she's been taking, hindi niya kinaya, ang mawalan ng anak, at ang malaman na ang asawang minahal at minamahal parin hanggang ngayon ay sasaya sa piling ng iba.
Tatlong buwan, tatlong buwan na ang nakalipas nang hayaan at palayain siya ni Miguel, at sa tatlong buwan na yun para mas gusto na lang niyang mawala ng parang bula ng makita si Tyler, ang asawa niyang may kahalikang babae, babaeng dahilan kung bakit nasira ang buhay na meron siya, ang babaeng dapat na kasama ni Miguel sa mga buwan na lumipas.
Poot, Galit at Pagkaawa sa sarili ang kanyang nadadama, dahil din sa emosyong nadadama, nasaktan niya ang sarili at yun ang naging dahilan para manirahan sa hospital, hindi niya kinaya ang sakit kaya sinasaktan niya na lang ang sarili tuwing mag isa siya, kaya hindi na siya hinayaan na umalis pa sa hospital na kinaroroonan at doon inalagaan siya ng mga doctor at nurse.
Nakakilala siya ng isang kaibigan sa hospital, si Thea Jane, kung tawagin naman niya ito ay Theang, kahit tulala sa araw na araw na lumilipas, nandiyan ang kaibigan para tulungan at alagaan siya, napakabait nga nito at nagkwekwento pa tungkol sa buhay niya. Nalulungkot lamang siya ng malaman na naghiwalay sila ng kanyang fiance dahil sa arrange marriage na naganap sa pamilya nila.
Mag-lilimang buwan na siya sa hospital, dumating ang kanyang kaarawan, akala niya magiging malungkot ito ngunit ang saya saya niya dahil sinopresa siya ng ibang nurses at ng kanyang matalik na kaibigan. Si Clara
Noon pa man tumatawag na si Clara kay Thea, tinawagan ito ni Thea noong una dahil nalaman ni Thea kung saan nakatira dati si Kaye kaya pinuntahan niya yun upang malaman kung sino ang mga kamag-anak nito, nakarating siya sa bahay na dating kina Kaye at doon niya nakita ni Thea si Clara, tinanong ni Thea kung saan nakatira si Kaye Anne Velasquez, tuwang tuwa si Clara na malaman niyang ligtas ang kaibigan ngunit may lungkot ng malaman nitong nasa hospital si Kaye dahil sa mga pananakit nito sa sarili.
Lumipas lamang ang ilang linggo ng makalabas si Kaye sa hospital kasama si Clara, nangako ang kaibigan niyang nurse na si Thea na dadalaw ito sa bahay ni Clara para makapagbonding sila. Sa bawat araw na lumilipas bumabalik ang Kaye na masayahin, onti-onti nitong nakakalimutan ang masakit na kahapon, habang tumatagal nakakalimutan niya yung mga taong sumira sa buhay na meron siya, sariwa man ang ibang sakit na nadaman, alam niyang malalagpasan niya din lahat at pagiging matatag ang kailangan niya hindi para sa mga taong sinaktan siya, kundi para sa pangarap at mga taong nandiyan na nagmamahal sa kanya.
"Ma, Pa, pangako babalik din ako kapag natupad ko na yung mga pangarap niyo sakin, mahal ba mahal ko kayo, lagi kayong mag-iingat kung nasaan man kayo" Ang huling salitang binitawan niya sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang.
Nagtungo naman sila sa tapat ng Subdivision kung saan nakatira ang dating asawa.
Bumuntong hininga siya, "simula ngayon kakalimutan na kita, simula ngayon iisipin ko na hindi kita kilala at hinding hindi kita makikilala ulit. Maging masaya ka sana....Tyler..." Ang huling salita na binitawan niya bago paandarin ni Dave ang sasakyan papunta sa Airport kung saan naghihintay si Thea ang pangalawang matalik niyang kaibigan.
Habang si Clara ay pasimpleng pinupunasan ang mga luhang pilit na bumabagsak sa kanyang pisnge, masaya siya para sa kaibigan niya dahil nakaya at nalagpasan nito lahat ng masasakit at mahihirap na pagsubok sa buhay, ngunit nakakalungkot lang para sa kanya na mahihiwalay silang dalawa at mukhang aabutin pa ata ng taon ngayon bago sila muling magkita.
Gustong tuparin ni Kaye ang pangarap niya sa buhay at ng kanyang mga magulang, ngunit gusto niyang matupad yun sa ibang bansa, sa America, ang maging isa sa mga nurse ng bansang yun ang naging pangarap niya, at pinangako niya na kahit na nasa ibang bansa siya, handa parin siyang tulungan ang bansang kinalakihan at kinilala niya simula ng siya ay ipinanganak sa mundong ibabaw.
"Ipinapangako ko na pagbalik ko, hindi na ako si Kaye Anne Velasquez, hindi na ako ang babaeng kilala niyo at lalong hindi na ako ang babaeng minahal at sinaktan niyo..."
"Babalik ako, hindi na bilang ako, hindi na bilang Kaye, hindi na bilang isang mababang babae, hindi na bilang babae na inaapak apakan at kinakaya kaya niyo lang noon"
"Dahil, pangako, sa pagbalik ko, ako naman ang titingalain niyo at kayo naman ang kakaawaan ko...."
A/N: Title of the Book 2 is The Revenge of the Mafia Boss Wife. Hindi po ako gagawa ng ibang book, dito ko parin po siya ipupublish para isahan na lang😊Thanks for reading sana po nagustuhan niyo kahit ang cheap at bitin bitin ang story, hindi po kasi ako magaling ehh😅
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...