Chapter Thirty-Two
'Kaye Anne's Point Of View'
Sinarado ko ang mga mata ko ng maramdaman ang sobrang liwanag. Nasan ako?
Tanong na una kong naisip.
May mga naririnig akong mga boses kung saan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata ngunit naisara ko rin ng mariin dahil sa liwanag na nagmumula sa taas.
Inangat ko ang kamay ko upang matabunan ang liwanag na dumadapo sa aking mukha. Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko.
Dinilat ko ang mga mata ng dahan dahan.
"Iha, you're awake 'thanks god." Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses ng tuluyan kong makita kung nasaan ako. Isa sa mga hospital bed habang nakahiga.
Naalala ko ang pagsakit ng ulo't at nawalan ng malay pagkatapos.....
"Kaye..." Hindi ako sumagot sa tumawag sa pangalan ko sapagka't pumikit ng mariin ng sumakit nanaman ang ulo ko. Para itong pinipilipit dahil sa sobrang kirot.
"Omy! Call a doctor!"
Pinilig ko ang ulo sa gilid.
"Oo boss, sigurado akong patay na ang asawa ni Villanueva" Isang lalaking may kausap sa telepono ang narinig kong nagsalita.
Sino sila? Hinawakan ko ang mga paa kong naipikit, nasa loob ako ng sasakyan ng kung sino. Sino sila? At nasaan ako?
"Hoy! Tara na may tao!" Sigaw ng kung sino. Hindi ko pinansin ang mga taong nasa paligid. Napatingin ako sa harap ng sasakyang kinaroroonan ko at nakita ang wasak na harapan at natumbang puno dahil sa pagkakatama ng kotse doon.
Napalingon ako sa isang lalaking nasa tabi, ang mistulang driver ng sasakyang 'to. Tinignan ko ang mukha ngunit hindi ko makita kung sino ang lalaking ito.
Sinubukan kong tanggalin ang paa kong naipit sa upuan ngunit isang galaw ko lamang ay siyang pagsakit ng ulo ko, may dumadaloy na dugo mula doon, punong puno ng dugo ang kamay ko.
Naramdaman ko nanaman ang sakit.
"Ahhh!" Pinigilan ko ang paggalaw upang hindi madagdagan ang sakit ngunit wala mas lalong lumala. Napapikit akong ng mariin at sunod sunod na huminga ng malalim upang tiisin ang sakit na dulot ng aking ulong dinidugo.
Narinig ko ang yabag ng kung sino ngunit hindi na nakita kong sino ng mas lalong sumakit ang ulo ko dahilan ng pagkawalan ng malay.
Nagising ako sa isang hospital. Bakit ako na dito? Sino ako? Anong nangyari? Gulong gulo ang isipin ko ng may lumapit sa aking isang lalaki at nagpakilalang asawa ko, Miguel Bautista and I am Klare Angela Montecarlos-Bautista.....
I open my eyes slowly, puting kisame ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa harap ko at nakita ko ang lalaking minahal at siguradong mamahalin ko habangbuhay.
"Kaye!" Sambit nito at mabilis na lumapit sa kinahihigaan ko. Maingat akong ngumiti at sinalubong ang mga mata niyang puno ng iba't ibang emosyon na hindi ko mapangalanan.
"A-Anong nangyari?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa gilid at inangat bago nilapit ang labi sa likod ng aking mga palad.
"Don't think to much. Tell to me if something hurt, okay?" May pag aalalang sabi nito.
Marahan akong tumango.
"Are you hungry? Or thirsty?" Sunod sunod nitong tanong. Nawala lahat ng iniisip ko at kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay baka tumawa na ako dahil sa kilos niya at sunod sunod na tanong. Ngumiti ako sa kanya at tumango dahil yun ang totoo, nakaramdam ako ng gutom at panunuyo ng lalamunan.
He let out a heavy sigh. "Wag kang gagalaw, i'll adjust the bed so you can drink and eat." Sabi nito. Mabilis siyang kumilos at maingat na pinaangat ang higaan. Nang makitang maayos na, kinuha niya ang maliit na lamesa.
Pinagmamasdan ko lang siya habang inaayos niya ang pagkain at nilagay sa maliit na lamesang nasa harap ko na ngayon. Nagsalin din siya ng tubig mula sa isang baso at nilagay sa bed side table kung nasaan ang mga prutas at mga gamot para siguro sa akin.
Umupo siya sa upuang nasa tabi ko.
"Let me fed you, Wife." He said. Tumango ako medyo kinilig pa dahil sa tawag niya sa akin. Hindi ko inaasahan na maririnig ko pa 'yon pagkatapos ng mga nangyari at taon na lumipas.
Tulad ng sabi niya, pinakain niya ako ng maingat at pinainom. Pinagbalat niya pa ako ng saging at mansanas tsaka hiniwa yun ng malilit para mabilis kong makain.
Uminom ako ng tubig ay bumukas naman ang pinto at pumasok ang mga magulang ko na may pag aalala sa mukha. Nauna ang tunay kong ina at lumapit sa akin, huminga ito ng malalim ng makita akong gising.
Nasa likod niya ang dalawa kong kapatid na si Daryl at Tokashi.
"How are you feeling, iha?" Tanong ng ina ko.
"Maayos naman na po" sagot ko at ngumiti pa para bigyan siya ng kasiguraduhan.
Tumabi si Tyler para mas makita ko pa ang mga magulang ko. Naglakad si Tokashi papunta sa akin habang namumula ang mga mata at kumikinang ang mga luha sa gilid ng mata.
"A-Ate..."
Para akong sinaksak dahil sa nabasag niyang boses. Tumulo ang luha niya at niyakap ako, hindi ganon kahigpit tama lang upang hindi ako masaktan.
Para akong maiiyak habang niyakap ang isa kong kamay sa kanya at hinagod ang likod niya. Naririnig namin ang hikbi niya.
Habang nakayakap pa din sa akin si Tokashi ay siyang pagpasok naman ng Doctor kasama ang ama ko.
Ang mga tingin niya ang puno ng lungkot habang nakatingin sa akin. Nangungulila dahil sa mga nangyari.
Yung pamilyang ngayon ko lang nakilala, nandito sa harap ko..... nag aalala at iniisip ako pagkatapos ng ilang taong hindi ko sila nakasama, maraming taon ang nasayang na hindi ko sila nakasama at nakilala. Taon na hindi na maibabalik para itama pa ang mali. Ngunit naghihintay na bagong taon para magsimula at ayusin ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...