Chapter Forty-Nine

2.2K 59 0
                                    

Chapter Forty-Nine

'Kaye Anne's Point Of View'

"Dave" Salubong ko kay Dave ng makarating ako sa Emergency Room ng hospital kung saan dinala si Clara. Nanginginig ang kamay ko at nanlalamig dahil sa nalaman. Sigurado akong may kinalaman dito yung lalaki sa coffee shop, mag isa si Clara na sinadya nila ang nangyari.

Tumayo si Dave sa pagkakaupo, puno ng galit ang emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata ng tignan ko siya, at ang mga palad niyang parang manununtok sa galit na nararamdaman.

"Nagkita kayo ni Clara diba?!" Napapikit ako dahil sa diin ng boses niya ng tanungin 'yon.

Alam ko may kasalanan ako, kung hindi ako nakipagkita kay Clara hindi sana siya madadamay sa gulong meron ako ngayon, kung naisip ko lang din na ganito ang pwedeng mangyari sana hindi ko na siya hinayaan umuwi muna at doon sa bahay nagpalipas ng isang araw.

Konsensya ang kumakain sa buong pagkatao ko, kasalanan ko lahat 'to.

May takot at puno ng konsensya kong dinilat ang mata ko at tumango sa tanong ni Dave. Mas kumuyom ang kanyang mga kamay.

Handa na akong mag salita at sabihing kasalanan ko ang lahat ng bumukas ang pinto sa emergency room at lumabas ang doctor.

Lumingon si Dave doon at mabilis na lumapit. Sumunod din ako sa kanya ngunit nanatili lang sa likod, hinihintay ang sasabihin ng doctor.

"Doc. Kamusta po ang fiance ko?" Salubong ni Dave at di mapakali sa sasabihin ng doctor.

Tinanggal nito ang medical mask na suot at hinarap kami. "The patient is in good condition. Nagkaroon lang ng tama sa balikat pero maayos na ngayon, hindi naman malalim ang tama. Then, let's just wait for her to wake." Nakahinga ako ng maluwag ng malamang ayos lang si Clara, dahil hindi ko kayang patawarin ang sarili ko kapag nalaman kong may hindi nangyaring maganda sa kanya. Salamat na lang at okay lang siya, pero hindi parin mawawala ang konsensya ko.

May mga sinabi pa ang Doctor kay Dave, ang huli ko na lang naintindihan ay ayos siya at nailipat na sa isang private room, pwede na siyang puntahan at hintayin na lang itong magising tulad ng sabi ng doctor.

Nauna na si Dave puntahan ang kwarto ni Clara ng di ako tinitignan o pinansin man lang. Napabuntong hininga na lang ako at naupo, dito parin sa tapat ng emergency room. Tanggap ko naman na kasalanan ko kaya hindi ako pinapansin ni Dave kahit kaibigan pa ako ni Clara, kahit na okay naman ang lagay niya, hindi parin siya mapapahamak kung hindi dahil sa akin.

Kahit ako nag aalala para sa kanya ng malaman ang nangyari, buong buhay ko pagsisisihan 'to kapag may nangyari di maganda sa kaibigan ko. Hindi lang kasi basta kaibigan ang turi ko sa kanya, para ko na ding kapatid si Clara, bata pa lang kami, magkaibigan at parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa dahil only child lang siya, at yun din ang kinalakihan ko bago ko makilala ang totoong pamilya ko.

Hinanap ko ang cellphone ko sa bulsa ngunit wala 'yon doon at tsaka naalalang naiwan ko sa kwarto dahil sa pagmamadali kanina at mabilis na nagpahatid kay manong. Sinabi ko pa naman kay manong na tatawag na lang ako sa kanya para magpasundo mamaya.

'Tyler's Point Of View'

"How's Kaye?" Napatayo ako sa pagkakaupo.

"Nahihatid daw ng kaibigan niya bago mangyari 'yong pamamaril doon sa kotse, sinadya talagang mag isa ang kaibigan niya at doon pinagpuputukan ng baril sa kalsada" Nakahinga ako ng maluwag ng malamang maayos naman si Kaye. Ibinalita sa akin ang nangyari sa kaibigan ni Kaye na si Clara at ang alam ko mag kasama silang dalawa ni Kaye ayon na din sa sinabi ni Darren kanina sa akin habang nag uusap usap kami.

"Nahuli ba?" Tanong ko. Ibig sabihin ay ang bumaril. Umiling si Jake ng nakuha kung sino ang tinutukoy ko. "Sigurado akong sila Fontejon ang may pakana nito"

"Kung sila, bakit kung kailan naihatid na si Kaye, doon lang nagpaputok?" Takhang tanong ni Drake na mukhang bumalik na sa sarili niya pagkatapos magluksa ng ilang linggo dahil sa nangyari. Napaisip din ako sa sinabi niya.

"Siguro dahil kaibigan ni Kaye 'yon?" Patanong naman na sabat ni Jake.

"Nasan ba si Kaye?" Tanong ko, ipinagwalang bahala ang sinabi nila. Sabay silang nagkibit balikat ng tignan ko sila. Fvck! Sabi ko nga hindi nila alam. "Aalis ako, pupuntahan ko lang si Kaye." Mabilis akong tumayo at hindi na sila hinintay na magsalita at naglakad na palabas.

The more i wait for Darren's plan, the more we'll be having a hard time to do it.

'Kaye Anne's Point Of View'

"I'm so sorry, Clara. Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari, hindi na lang sana muna ako nakipag kita o kaya naman--"

"Shhh. Wala kang kasalanan, Kaye, buti na lang okay na ako diba? At okay ka, kaya kalimutan mo na yung nangyari" Umuling ako sa sinabi niya. Naiiyak ako, dahil alam naming lahat na ako talaga ang may kasalanan, ako dapat yung nabaril, ako dapat yung muntik ng mapahamak at dapat nakahiga sa kinahihigaan niya ngayon, pero ito parin siya, patuloy pinapagaan ang damdamin ko at paulit ulit na pinaaalalang hindi ko kasalanan yun kahit ang totoo, dapat ako talaga. "Wag mong sisihin sarili mo, ikaw ba ang bumaril sakin, ha? Diba hindi naman? Tsaka kung pareho tayong pinaputukan doon, gagawin ko pading shield yung sarili ko sayo, kasi diba nga? Magkapatid tayo kahit di tayo mag kadugo." Hindi ko napigilan ang sarili kong napangiti at mapaiyak dahil sa sinabi niya.

"E-Eh kasi naman, h-hindi ko alam gagawin ko kapag may nangyari sayo, buong buhay ko pagsisisihan, kahit okay ka na, nagkokonsensya pa din ako"

"Halika nga dito" Sabi nito at hinila ako palapit sa kanya at niyakap. "Okay na ako. Tumigil ka na nga kakaiyak, para ka paring yung batang Kaye na iyakin kapag may nang aaway sayo sa school dati." Mahina akong natawa dahil sa bulyaw nito. "Pero seryoso, Kaye, okay lang talaga, wala namang nangyari sakin, daplis lang 'tong nasa braso ko ano ka ba, pero kung gusto mo naman makabawi sakin, kumuha ka ng kutsilyo at puputulan kita ng braso ngayon din" Nangiti ako at umiling dahil sa sinabi niya.

"Hindi ka parin nagbabago, kahit nakahiga ka na diyan, mapagbiro ka pa din at parang wala lang sayo yang tama mo."

"Eh alangan naman na umiyak ako at sabayan yang drama mo. Kaye kilala mo ako, hindi ako mahilig sa drama"

"Pero sorry parin, magpagaling ka kaagad ah, tapos yang fiance mo, galit ata sakin" Mahina kong sabi sa kanya. Lumingon ito kay Dave na nakaupo malapit sa amin at nginitian niya bago binalik ang tingin sa akin.

"Hayaan mo, kakausapin ko, may saltik talaga yan kahit noong nakaraan, inaaway ako, parang may regla, dinaig pa ako" Nangingiti nitong sabi. Nangiti din ako dahil sa sinabi niya, kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Hindi ko makakailang ang swerte ni Dave dito sa kaibigan ko. Kahit din ako na kaibigan niya, maswerte sa kanya dahil kahit medyo maldita at prangka, mabait naman at totoo talaga sayo dahil ayaw niyang nakikipagplastikan, dahil ganon siya, at kahit ganon siya, ayaw kong magbago kung ano siya noon at ngayon.

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon