Chapter Five
'Kaye Anne's Point Of View'
Nakasimangot lang ako habang kumakagat sa Donut, sino bang hindi mapapasimangot eh hindi ko nga makain ng maayos itong pagkain ko dahil kanina pa ako tinititigan ng kaharap ko, parang gusto akong tunawin dito.
Inis kong ibinibaba ang kinakain ko at sinalubong ang mga tingin niya, pinagtaasan ko siya ng kilay.
"What?!" Inis na asik ko sa kanya. "Stop looking at me and focus on your food" Mariing sabi ko at itinuro pa ang kinakain niyang Cupcake and Bread.
"Sorry, i can't help it, because the angel in front of me is so gorgeous" Sabi nito at ngumiti pa, biglang nag-init ang mga pisnge ko dahil sa sinabi niya. Whoa! Binobola ka lang niyan Kaye, wag kang papaapekto. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Ngumisi ako sa kanya, "Ang lakas mo palang mangbola" lokong sabi ko at umiiling iling pa, ayaw ko sa lahat yun pinagtritripan ako kahit na sabihin na nating nakakakilig pero maling bolahin ako. Kahit alam ko namang maganda ako.
"Hindi ako nangbobola" sabi nito, wala ka nang makikitang ngiti sa mga labi niya dahil ito naman ang nakasimangot ngayon, inirapan ko lang siya at hindi na siya ulit pinansin ng may pumasok na kalokohan sa isip ko, i smirk.
I think it's the time to turn my game on.
"Why are you smirking?" Tanong nito, Malandi ko siyang tinignan at nginitian.
Biglang kumunot ang noo niya dahil siguro sa inasta ko, "Nothing, Hubby" Sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain ko, bawat pagsubo ko titingin ako sa kanya at pinipigilan ko talaga ang sarili ko na huwag tumawa dahil sa mukha niyang hindi maintindihan.
Bumuntong hininga ito at itinuloy ang kinakain, napatingin naman ako sa sling bag ko na nasa gilid ng marinig ko ang ringtone ng cellphon ko. Sino naman kaya ito. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang caller, Si Maxine.
Mabilis kong sinagot yun.
"Hello, Baby" Bungad ko sa kabilang linya.
[Mommy Kaye, where are you? It's already 1:50 i have to drink my medicines after i ate my lunch] Mabilis kong tinignan ang orasan sa cellphone ko at 1:53 na ng hapon. Baka nakalimutan ko yun?
Makakalimutin na ako putek!
"Sorry, Baby, Mommy will be back now there" Sabi ko kay Maxine.
[Ok Mommy Kaye, i will wait you here] Sabi nito at pinatay na ang tawag, ibinalik ko na ang cellphone ko sa sling bag at tinignan ang kaharap ko na nakaawang naman ngayon ang mga labi niya.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.
"I have to go, thanks for the lunch" sabi ko, tatayo na sana akong unahan niya ako."Let me drive you back" sabi nito at nauna pang tumayo, wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya, nag-iwan siya ng sobrang pera sa lamesa namin at naglakad na siya palabas na sinundan ko naman.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ng buksan niya ang radio na nagbigay ng ingay sa katahimikan naming dalawa, Pagkatapos ng kanta biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.
Now Playing : All I Ever Need By Austin
Bigla kong naalala yung panaginip ko sa isang restaurant, i don't know but that dream is like a nightmare to me, because, see the destiny now? Wala na kami tulad ng pang-iiwan niya sa akin sa panaginip na 'yon.
The Chorus of the song play.
You all i ever need
Baby, your amazing
Your my angel
Come and save me ahh~Apat na linya lang yan ng kanta ngunit daang daang alaala ang nanunumbalik, mga panahong maayos pa ang takbo ng relasyon na meron kami, mga panahong hindi pa ako naaksidente dahil sa pagtakas mula sa mga taong gustong kunin ako, naalala ko din kung paano pa ako tulungan ni Alyana at ni kuyang nakablack hoody.
Handa ng tumulo ang luha ko ng tumigil ang kotse sa gilid ng isang park, tinignan ko ang katabi kong tumigil sa pagdridrive at nakapikit na nakasandal at parang ang lalim ng iniisip niya.
Noong mga panahong wala ba ako, naisip mo lang ba ako? Ni minsan ba pumasok ako sa isipab mo? Ni minsan ba inisip mo kung nasan ako, at anong ginagawa ko? Kasi ako? Kahit na gusto kitang kalimutan, gumagawa parin ng paraan ang tadhana para lang maalala kita.... pero hindi na sa masasayang alaala, naaalala kita dahil sa mga sakit na idinulot mo sa buhay ko.....
"Sorry" Narinig kong bulong niya sa hangin habang nakasandal na nakapikit ang mga mata.
"May dadaanan ka pa ba? I can go alone, malapit lang naman pwede ko nang lakarin" tanong ko sa kanya, kukunin ko na sana ang bag ko ng hawakan niya ang kamay ko at dilat ang mga mata niyang tinignan ako.
"I'm sorry" mahinhing sambit nito, nangunot ang noo ko.
"Bakit ka ba nagsosorry sakin? Wala ka namang ginawang masama" Sabi ko at hinila ang braso ko ngunit hindi siya nagpatinag.
"Please, I'm sorry, forgive me.....Wife" may pagmamakaawang sabi nito at hinalikan ang likod ng palad ko bago ako hinarap ulit. "Go back to me, hindi ko na kakayanin kapag nawala ka nanaman sakin, Wife, please" napaawang ang labi ko dahil sa mga salita nitong binibitawan at kung pano siya kaseryoso sa gusto niya. Hinila ko ng malakas ang braso ko.
Tinignan ko siya ng mariin sa mga mata bago nagsalita. "Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko, Tyler, walang babalik sayo, gumising ka na nga sa katotoohanan na may anak ka at asawa kaya maging faithful ka naman sa kanila kasi alam kong ganun din ang ginagawa nila" Mahabang lintana ko, nakita ko ang pag awang ng labi niya at pagkunot ng noo.
"May anak ako, pero wala akong asawa" Mariing sabi nito at bumuntong hininga pa sa huli.
"Liar. Who is Klare? Wag ako Ty." May bahid ng galit na singhal ko sa kanya, kung akala niya maloloko niya pa ako hindi na, hindi ako gagamitin ng ibang dahilan para lang balikan niya ako, kung may puwang pa siya sa puso ko hanggang doon na lang yun at hindi ko na hahayaan na lumaki. "Sana lahat ng nagawa mo, pinapatawad na kita, pero huwag mong hilingin na babalik pa tayo sa dati, because it will never be, thank you for the lunch but i hope this is the last..." Walang bahid ng awang sabi ko at mabilis na lumabas sa kotse niya. Lutang kong tinahak ang daan pabalik sa hospital.
"Ang kapal ng mukha niya para sabihin yun! Gusto kong tirisin at bangasan ang pagmumukha niya! Hindi na siya nahiya putek!" Inis kong bulong sa sarili ko habang nanggigigil na hinawakan ng mahigpit ang sling bag ko. Huwag na talaga siyang papakita sakin!
A/N: Nakakaantok😆
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...