Chapter Thirty-Eight
'Kaye Anne's Point Of View'
"Tyler, Saan ba tayo pupunta. Ilang oras na tayong byumabyahe" Naiinis na tanong ko ulit sa kanya. Pang ilang tanong ko na yan kaso di naman ako sinasagot at nakatutok lang sa pagdridrive.
"Malapit na tayo" Sagot niya na lang.
Tumingin na lang ulit ako sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin ng mapalingon ako sa isang malaking poster.
"Hutek! Anong gagawin natin dito sa laguna?" Mabilis na tanong ko kay Tyler ng marealize.ko kung saan kami pupunta. Hindi naman ito malayo pero grabe ano bang gagawin namin dito.
Tumawa lang ito bago ako sinagot "You'll see it later" sabi niya at diretsyo lang ang tingin sa kalsada.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Tahimik lang ang sumunod na mga minutong lumipas ng makarating kami sa isang Village at pinasok niya ang sasakyan niya sa isang malaking bahay--mansion pala.
"We're here" Sabi nito at pinatay ang makina ng sasakyan. Napakunot ang noo ko.
Kanino namang mansion 'to?
Lumabas na kami at dumiretsyo sa loob. Sinalubong naman kami ng mga maid na nandoon.
"Long time no see, Mr.Villanueva" Sabi ng maganda at maputing babae na mukhang isa sa mga maid.
"Long time no see to you too, Emily" Sagot niya pabalik at nginitian naman siya ng dalaga. Tumingin sakin yung Emily at nginitian ako, tinaasan ko naman siya ng kilay at nakita ko ang pagsimangot niya.
"Buti naman napadpad ka dito, Mr.Villanueva. Akala namin wala ka nang balak bumalik dito" Sabi ni Emily habang natatawa. Mas lalo tuloy akong nacurious, mukhang close silang dalawa at matagal nang magkakilala.
Tahimik lang akong umupo sa sofa na nakita ko kasi ang nangangawit na ang mga hita ko kakahintay kay Tyler na nakikipag usap pa.
"Kamusta na kayo dito? Baka ilipat ko sila Manang Josie at Janna dito" Sabi ni Tyler na ikinagulat ko.
"Bakit naman,Mr.Villanueva?" Tanong ni Emily kay Tyler. Nabobored na nilabas ko yung cellphone ko at tinignan ko kung may wifi, hindi naman ako nagkamali at nakiconnect ako ng malamang walang password yun.
"Lilipat kami dito ni Kaye. Magsisiksikan na kami masyado sa Bahay" Tawang sagot ni Tyler.
"Bakit tayo lilipat?Tsaka bahay mo 'to?" Singit ko nang hindi na ako makatiis dito sa pakikinig ng usapan nila. "Tsaka ang layo ng school natin dito" Matalim ko siyang tinignan.
"Kapag natapos na ang school year, Wife" Sabi ni Tyler. "Bahay nating dalawa 'to hindi bahay ko lang" Dugtong niya na ikinatanga ko.
'Ilan ba ang mansion ng lalaking 'to?'
Tumahimik na lang ako at nanood na lang sa YouTube ng kung ano-ano.
"Emily, can you cook for lunch? Hindi pa kami kumakain nor stop in some fastfoods" Sabi ni Tyler. Salamat naman at naisipan niyang magpaluto akala ko magkwekwentuhan sila diyan magdamag. Kanina pa ako nagugutom unti lang ang kinain ko bago kami unalis at biscuit lang nakain ko habang nasa byahe.
"Cge, Mr.Villanueva" Narinig kong sagot ni Emily at umalis na. Umayos ako ng upo nang tumabi sakin si Tyler at hinilig ang kanyang ulo sa aking balikat.
"I'm tired" bulong nito sakin.
"Edi magpahinga ka" sabi ko habang nanunood
"Let's go to our room?" Sabi nito at tumayo.
"Mauna ka na, dito muna ako" sagot ko. Paramg gusto kong libutin itong buong mansion niya mula sa gate hanggang sa likod.
"What? Di ka ba napagod? We should have take a rest then we will wake up or get down here before lunch" Nagkibit balikat na lang ako, narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumabi ulit ng upo sakin.
"Wife?" Tawag nito sakin.
"Hmmm?" Tugon ko
"Haist. Come on, let's take a rest" May pagmamakaawang sabi nito at hinila pa ang gilid ng damit ko na parang bata.
"You can go. Hindi pa naman ako pagod, magdamag kaya akong nakaupo sa sasakyan mo at gusto ko din libutin itong mansion mo" sabi ko at hinarap siya.
"Mansion natin." Pagtatama niya kaya inirapan ko na lang siya.
"Basta. Mauna ka na, maglilibot lang ako" sabi ko ulit.
"Ok fine. If you need something you can say it to Emily or to the other maids" He said and kiss my forehead. Tumango ako at naglakad na siya paakyat sa taas.
Tumayo na din ako at lumabas para tignan yung mga bulaklak na nakadisplay sa labas. Ang ganda niya tignan. Magkakaiba ang kulay at itsura ng mga nakahilerang bulaklak at nakapabilog sa maliit na fountain sa gilid ng gate.
Naglakad ako palikod at nakita ko small pool na malinis at ang salaming pinto mula sa kusina papunta dito. Nandoon ang mga maid at naghahanda na siguro ng tanghalian.
"Hi! Mrs.Villanueva" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Emily na nandoon at nakangiti sakin.
"H-hello" alanganin kong bati pabalik sa kanya.
"I'm Emily Cortez,Mr.Villaneuva's Childhood" Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang maputing kamay.
"Kaye Anne Velas--Villanueva" Sabi ko at tinanggap ang kamay niyang nakalahad padin.
"Nice meeting you, Mrs. Villanueva" magalang na sabi nito.
Mukha naman siyang mabait. Ako lang ata ang naging maldita sa kanya kanina.
"Same to you. Tungkol pala kanina, Sorry" Sabi ko. Nakita ko naman na mas ngumiti siya nang malapad.
"Wala yun Mrs.Villa--Kaye" Sabi nito
"No. Ang maldita ko tuloy kanina, akala ko kasi.......you know" Sabi ko at tumawa ng mahina na ikinatawa niya din ng marealize ang sinabi ko.
"We're just a close friend, Kaye. Mr.Villanueva kasi yung tawag ko sa kanya since grade 1 kasi parehong pareho sila ng papa niyang matalino at gwapo. Para ngang carbon copy siya ni Tito" Sabi nito sabay tawa. "Tsaka may boyfriend na ako haha" Napa 'ohhh' na lang ako sa sinabi niya.
"Halata nga, impossible naman na hindi ka pa nagkakaboyfriend sa ganda mong yan. Pwede ka pa ngang ipanglaban sa Ms.Philippines" Walang halong pagbibirong sabi ko na ikinatawa niya.
"At hindi na po. Baka mag away lang kami ng Boyfriend ko may pagkaselos pa naman yun" Sabi nito at tumawa pa.
"Mind to share the name of the lucky guy?" Natatawa ding tanong ko.
"Jake. Jake Denver Lee'
A/N: Please correct me/inform me if i have some typo's or wrong grammar's thank you💋
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...