Chapter Twenty-Eight
'Kaye Anne's Point Of View'
[ Kaye, Goodnews, you can go back here in new york anytime soon ] Sabi ni Dr.Manuel ng mapatawag siya habang nasa trabaho ako.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa balita niya. Halong saya at lungkot ang naramdaman ko, saya dahil makakabalik na ako at pwede ko nang dalawin sila Maxine at Grandma Daisy, lungkot dahil aalis nanaman ako sa bansang kinalakihan.....at iiwan ang taong nagparamdam sakin ng sakit ngunit matimbang na saya.....
Tapos aalis ako nang hindi ko man lang lubos na nakikilala ang pamilyang matagal na nawalay sakin.
"Please Kaye, come back to us. Hindi ko na alam ang gagawin ko iha, ang mga kapatid mo ay gustong gusto ka nang makita at makasama, ganun din ako" Nakatulala lang ako habang patuloy na kinukumbinsi ako ng tunay kong ina.
Hindi naging maganda ang una naming pagkikita, pero heto parin siya at patuloy akong pinakikiusapan. My real Mother is like a lost kid who are finding her real home. Parang ako noong namatay ang mga magulang kinikilala ko.
"Your twin, klare, i already saw and talk to here years ago" she cried. "She's mad, i explain what happened but she didn't listen to me and to your father."
Napaawang bibig ko at nangilid ang luha sa aking mga mata. She already talked to Klare, my sister, my twin.....
Pinunasan ko ang bumagsak na luha sa pisnge ko. This pain is too much, gusto ko na kumawala sa nakaraan, sa mga hinanakit.
"She pushed us away, i'd try morw harder, kaye, pero sarado ang puso't isip niya." Kumuha ito ng tissue at pinunas sa basang mukha. "Hindi ko alam, kaye, hindi ko na alam ang gagawin ko, dalawa kayong wala na sa akin. I'm lost" she cried again. Nanginginig ang mga labi nito habang nagsasalita, habang ako ay naluluha na nakatingin sa kanya.
Bakit ba ako nakakatanggap ng ganito? Naging mabait naman ako sa tanan ng buhay ko. I always pray for myself and to my family. Hindi naman ako naging pasaway.
Hinaplos niya ang pisnge ko, nakangiti siyang pinagmamasdan ang mukha ko.
"Ang ganda ganda mo, kaye. Namana mo sa daddy mo ang mga magagandang mata at hugis ng mukha mo" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na siya. Pwede naman na siguro akong maging masaya? Kalimutan ang mga nakaraan? Magsimula at bigyan ng pagkakataon ang mga taong nasa paligid ko..
Pagod na akong magtago sa dilim ng nakaraan, gusto ko na mabuhay ng mapayapa, yung buhay na pinangarap ko, na kahit hindi magara, masaya at puno ng pagmamahalan.
[ Kaye? Are you still there? ]
"Yes Doc, can i just call later?" Sabi ko at pinunasan ang luhang nasa pinsge ko.
[ Okay, bye for now then ] paalam ni Dr.Manuel, binaba ko na ang tawag.
"Bakit ka umiiyak, kaye?" Tanong ni Jessa, ang bagong nurse na taga Cagayan De Oro. Umiling lang ako sa kanya at ibinalik na ang Cellphone ko sa bag. Alas tres na ng madaling araw. Tulog na lahat ng pasyente at ibang mga nurse ay natulog na din kahit nakaupo lang sa kanilang pwesto.
Sumandal ako sa upuan ko at pumikit ng mariin. Daryl, Tokashi, and Klare. Hindi ako makapaniwalang may mga kapatid talaga ako, noon, pinapangarap ko na magkaroon ng kapatid para may kalaro ako at kasamang manood ng mga barbie movies.
Pero inisip ko noon na siguro wala akong kapatid dahil sa hirap ng buhay, naging kontento naman ako sa buhay na meron kami noon.
Nakapagtapos ako ng elementary at highschool dahil sa dalawang taong kinilala kong magulang hanggang sa magdalaga ako. Kaya ngayon, hindi ko maisip na ang tulad ko na wala namang ibang hiniling ay isang anak ng mga Saito. May tatlong kapatid at mayaman ang pamilya.
Simula nnag mamatay ang si mama at papa, pinangako ko sa sarili ko na ako naman ang hubuo ng pamilyang masaya at nagmamahalan. Ako ang tutupad sa mga pangarap ng mama at papa ko.
Hindi hadlang na hindi sila ang tunay na magulang ko, malaki pa din ang utang na loob at pasasalamat ko dahil sa kanilang dalawa, dahil kahit hindi ako tunay na anak, hindi nila ako miniltrato bagkus ay tinuring pa nila akong anak talaga nila at nagsakripisyo para sa akin.
Malinaw na lahat sa akin, siguro kaya ganito ang nangyari, para makilala ko pa ang ibang taong magmamahal sa akin, at siguro kong hindi ganun ang nangyari sa buhay ko, wala ako dito......
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
AcakKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...