Chapter Twenty-Three
'Kaye Anne's Point Of View'
Alas tres na ng madaling araw, isang oras na ang lumipas ng maihatid ako ni Tyler dito sa apartment ko pagkatapos naming manggaling sa isang Italian Restaurant ngunit hindi pa din ako makatulog, ala una ang duty ko sa hospital kaya mamayang hapon na lang siguro ako babawi ng tulog.
Hindi ako makapakali nang maalala ang sinabi ni Tyler kanina habang nagmamaneho siya. He will court me! Sht
Hindi niya man lang hinintay ang approval ko kung papayag ba ako o hindi, hindi din ako makaalang dahil auto shock pa ako habang nagmamaneho siya.
"I will court you, weither you like ot not, i will fvcking court you, Mrs. Villanueva"
Mga katangang binitawan niya, siguro nagbibiro lang siya? And the heck, he called me Mrs. Villanueva.
I slightly sigh and stood up from lying on my bed. Open up your mind, kaye. He hurt you once, and it might happened again for the second time. I said to my self.
Tigilan na ang pagiging marupok.
'Tyler's Point Of View'
"Anong plano niyo kay Ma'am Kaye, boss?" Drake asked.
Nakatutok ang mga mata ko sa harap ng laptop at inaasikaso ang mga emails na ipinadala ng sekretarya ko. Hindi ko pa ito naaasikaso simula noong nakaraang araw dahil sa problema sa mga Lagdemeo. Ang nag iisang anak na lalaki ng Lagdemeo na si Vincent Lagdemeo , ang bagong pangalawang rangko sa Mafia World. Last year ang ito nakapasok sa pangalawang rangko dahil siya ang pumalit kay Mark Lagdemeo ang kanyang amang namayapa pagkatapos pagbabarilin ng mga kalaban sa negosyo.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Drake at pinagtuunan na lang ng pansin ang ginagawa ko.
Hindi ko mapigilan pigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga labi ko habang naaalala ko yung mukha niyang mala-anghel na may kasamang gulat dahil sa sinabi kong liligawan ko siya.
Fvck! Normal pa ba ang pinaggagagawa ko?
Naputol ang pag-iisip ko kay Kaye ng tumunog ang telepono, mabilis namang nilapitan ni Drake at sinagot ang tawag.
"Hello?" Sambit ni drake sa kabilang linya, ibinalik ko ang tingin sa mga ibang emails na kakarating lang mula sa aking sekretarya.
Sumandal ako at pinagtuunan naman ng pansin ang mga kontratang pipirmahan ko.
"Yes he is here madame" rinig ko nanamang sabi ni drake sa kabilang linya. "Bossing, si Mrs. Saito"
Napakunot ang noo ko at tumingin kay drake. Mabilis siyang lumapit sakin at inabot ang telepono na siya namang kinuha ko mula sa kanya at nilagay malapit sa tenga ko.
[ Tyler? ], mula sa kabilang linya tinawag ako ng totoong ina ni Kaye.
Tumikhim ako bago sumagot.
"Yes, Tita?"
[Did i disturb you, iho?] Tanong nito.
"Hindi po" sagot ko.
[Iho? Can i ask a favor? I want to talk to kaye again, i really miss my daughter, gusto ko lang siyang makausap ng maayos. Can you help me, Tyler?] Ramdam ko sa tono ng pananalita ni Mrs.Saito ang pagmamakaawa at parang nanghihina dahil siguro kakaisip kay Kaye.
"I'll try, Tita" sabi ko.
[Maraming salamat, iho, and it's mom]
Tumango ako na parang nakikita niya, i just can't help it to call her tita than mom, hindi ako sanay, nagpaalam na kami sa isa't isa bago binaba ang tawag.
"About kay kaye, boss?" Tanong ni drake ng ibalik ko sa kanya ang telepono.
"Yeah, gusto niya ulit makausap si Kaye" sagot ko sa kanya. Gumagawa palang ako ng paraan para maibalik sakin si kaye, mukhang mahihirapan ako ngayong involve na din ang pamilyang hindi niya parin matanggap ngayon.
Biglang may nagring ulit ngunit nanggagaling naman iyon sa aking cellphone, kinuha ko yun aa aking bulsa at tinignan ang caller.
Malutong akong napamura ng makita ko ang caller sa screen. Isa pa tong problema.
'Kaye Anne's Point Of View'
From : Kaizer
Goodmorning Kaye, available ka ba ngayong lunch?
Yan agad ang bumungad sa screen ng cellphone ko ng magising ako.
Mabilis naman ako nagtipa ng irerepky ko sa kanya.
To: Kaizer
Oo, Kai
Reply ko sa kanya.
Binaba ko ang cellphone ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para makapag ayos at makapag luto na ako ng breakfast ko.
Akmang lalabas na ako ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may bagong mensahe.
Kinuha ko yun mula sa side table ng kama at tinignan kong sino ang nagtext.
From: Tyler
Goodmorning :*
Mensahe mula kay Tyler na goodmorning na may emoticon pa. Napapikit ako ng mariin ng maalala ko nanaman ang sinabi niyang manliligaw siya, parang nilukob ng kasiyahan ang damdamin ko sa hindi ko malamang dahilan.
Iniwaksi ko ang nararamdaman at nagdalawang isip pa kung magrereply din ako para batiin siya pabalik.
Sa huli wala din akong nagawa kundi ang magreply ng 'Goodmorning too' sa kanya.
Ibinaba ko na ang cellphone sa kama at mabilis na naglakas palabas ng kwarto, baka maaliw ako kakatext at makalimutan ko nang magluto at kumain bg umagahan kapag nanatili pa ako doon at hintayin ang susunod na mensahe niya.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
De TodoKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...