Chapter Eighteen
'Kaye Anne's Point of View'
Isang linggo.Isang Linggo na akong di pinapansin at Madaling araw na lang din dumadating si Tyler at Aalis din ng ala syete ng umaga ng di kumakain.Si Ate Trisha naman hindi ko pa nakikita sila papa at tita vivian nasa ibang bansa padin sila hanggang ngayon.
Pumapasok si Tyler sa School at nagtuturo ng normal pero nahuhuli ko siyang nakatingin sakin minsan.Gusto ko siyang kausapin pero tulog na ako kapag uuwi siya tapos Mag-aayos palang ako aalis na siya.
Isang Linggo nadin simula nang mangyari lahat at malaman ko ang ibang detalye na matagal ko nang gustong malaman.At sa isang linggo na yun lagi akong nakakatanggap ng mga sulat na ginamitan ng dugo upang ipangsulat doon.Hindi alam ni Tyler yun dahil tinatapon ko agad ang mga sulat na yun dahil siguro pinagtritripan lang ako kung sino man yun.
Si Drake at Jake na din ang kasabay kong umuwi.Tinatanong ko sila about kay Tyler pero ni isa sa kanila walang sumasagot kaya nananahimik na lang ako.
Ngayon pauwi nanaman ako at nandito ako sa gate ng School at hinihintay sila Jake at Drake na lumabas ng school.
Ilang minuto lang ng lumabas sila Drake at Jake sa gate at nilapitan ako.
"Halika na Ma'am Kaye?" Paninigurado ni Jake kung uuwi ba kami o kung may naiwanan ba ako
Tumango na lang ako at sumabay na sa kanilang maglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Drake.
Ng makarating kami doon tahimik lang na sumakay kami at si Drake ang Nagdrive habang ako nasa Back seat at si Jake ay nasa Passenger seat.Pinaandar na ni Drake ang sasakyan kaya sumandal muna ako sa pinto at bintana ng sasakyan tsaka pumikit.
Ilang sandali lang ng tumigil ang sasakyan kaya dumilat ako at tumigin sa labas.
'Nasa bahay na kami'
Binuksan ko na ang pinto at lumabas ng kotse tsaka kinuha ang bag ko at nauna nang naglakad papasok sa loob.Bakit nakabukas pa yung ilaw?
'Siguro gising pa sila manang'
Akmang bubuksan ko na ang pinto papasok ng bigla itong bumukas at bumungad sakin si Tyler na nakajacket at may dalang itim na bag.
Mabilis naman akong gumilid upang makadaan siya.Kaya ng makadaan siya ay Pumasok agad ako sa loob ng di siya nililingun.
Naguguluhan ako sa kanya.Ok naman kami.Naiintindihan ko na lahat pero bakit ito nanaman.Bakit kailangan niyang iwasan ako araw-araw na magkikita at magkakasalubong kami.Bakit ba ang daming bagay na hindi ko maintindihan.Kailangan bang ganito?parang puzzle na isa-isa ko dapat binubuo sa isipan ko.
Ilang araw na din akong nawawalan ng ganang kumain.Hindi ko alam kung bakit...Dahil ba kay Tyler?Kasi di niya ako pinapansin ng di ko alam ang dahilan.
Umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ng di kumakain.Nawawalan nanaman ako ng ganang kumain matutulog na lang ako.
Ng makarating sa taas ay pumasok na ako sa kwarto namin ni tyler binaba ko na ang bag ko at humiga ng di pa nagpapalit ng damit.Pumikit na ako at natulog
Malakas na ulan ang bumagsak mula sa kumikidlat na mga ulap dito sa madilim na ligar na hindi ko alam kung saan.
Nagpalinga-linga ako upang humanap ng masisilungan ng makita ko ang isang kubo sa tabi ng lawa ay tinakbo ko na ito at pumasok sa loob ng kubo upang sumilong.
Sunod-sunod na malalakas na kidlat ang aking naririnig mula sa labas kaya niyakap ko ang aking mga hita dahil sa takot.Madilim ang kubo at wala akong makitang ilaw kundi ang malakas na kislap ng kidlat lamang.
Walang tigil ang malakas na pagbuhos ng ulan kasabay ng malakas na kidlat dahilan upang makakita ako ng taong nakaitim at may hawak na kutsilyo
Isa pa ulit na malakas na kidlat ang kumislap sa loob ng kubo kasabay ng pagsaksak sa akin.
Pawisan at naghahabol ng hininga akong nagising mula sa isang madilim at nakakatakot na panaginip.
Umupo ako sa kama at nakaramdam ng paggalaw ng kumot.Ng tinignan ko ito ay nandoon si tyler at mahimbing na nakaharap saking natutulog.
Isang butil ng luha ang bumagsak sa aking mga mata at mabilis na pinahid ito.
Bakit ganun?Bakit natitiis niyang di ako pansinin at kamustahin man lang.
Isa bang pagkakamali ang malaman ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan.Ang malaman kung bakit ba kailangan kaming habulin ng mga lalaking yun.
Tahimik ulit akong humiga sa mama at nagkumot at dahan dahang pumikit.
Emotionally,Im Drained
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...