Chapter Ten

4.2K 112 17
                                    

Chapter Ten

'Kaye Anne's Point Of View'

"Bye, Kaye. Ingat ka" pagpapaalam ni Clara sakin, kumaway ako sa kanya at sumakay ns dala dala ang bagahe ko sa taxi napara namin. Ala syete na ng gabi at pauwi palang ako sa apartment na ibinigay para sa amin.

Sinabi ko kay manong driver kung saan ang apartment na tutuluyan ko at pinaandar na niya ang taxi na sinasakyan namin. Nakasandal ako sa bintana habang tinatanaw ang mga nadadaanan namin. Napangiti ako.


Ang dami ko nang nakikitang bagong buildings at yung iba ginagawa palang, umaangat na talaga ang ekonomiya ng bansang kinalakihan ko.


Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating kami sa apartment na tutuluyan ko. Nagbayad ako kay manong at bumaba tsaka kinuha ang bagahe ko. Pumasok na ako at pumunta information desk.

"What floor is room 27?" Tanong ko sa babaeng nandoon.

"5th floor, ma'am" sagot nito, tumango ako at naglakad na papasok sa elevator. May dalawang tao doon isang bata at mukhang nanay niya.

Ng makasakay na ako pinindot ko ang floor na pupuntahan ko. Nakarating sa 2nd floor ay lumabas na ang mag-ina na kasabay ko kaya ang ending ako na lang mag-isa. Walapang tatlong minuto ng makarating na ako sa floor ko, bumukas ang pinto ng elevator akmang lalabas na ako habang hila hila ko ang bagahe ko ng maynakaharang sa daraanan ko.

Tinignan ko siya para mag-excuse sana kaso napaamang na lang ako habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. Nakatingin din ito sa akin at halatang gulat habang nakatingin sakin.

"K-kaye?" Paninugurado niya. Tumikhim muna ako bago ngumiti sa kanya.

"Good Evening, Kaizer, long time no see" sabi ko. "Pwede padaan?" Biro ko sa kanya. Natauhan naman ito at mabilis na gumilid para makalabas ako sa elevator.

"Ikaw talaga yan?" Maayos na ang boses nito ngunit parang hindi parin makapaniwala.

Hinarap ko siya, "Yep" maikling sagot ko pero naninigurado na ako talaga ito.

"Wow, after four years or five? Nakita kita ulit" bilib na sabi nito. Tinignan niya ako tapos ang dala dala kong bag. "Saan ka ba galing?" Tanong nito.


"New york, you know, work" sagot ko sa tanong niya, tumango siya.


"Dito ka nakatira?" Tanong ulit nito.


"Ahmm nope, may dapat lang kaming gawin dito kaya napauwi ako ng bansa" sagot ko sa kanya, tumango tango naman siya at mukhang gusto pa magtanong ng bumukas ang elevator na sinakyan ko kanina at lumabas ang isang lalaki doon.

Napatigil ako ng makita kong sino ang lalaking nakatayo sa harap ng elevator at nakatingin samin ni Kaizer na nag-uusap. Tumingin din doon si Kaizer ngunit ang ikinagulat ko ay ng lumapit si Kaizer kay Tyler at tinapik ang balikat nito.


"Nandiyan ka na pala, kanina ka pa hinihintay ni Ate Alyanna" sabi nito kay Tyler, nangunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ni Alyanna, Alyanna? You mean si Yana?

Tumikhim ako para makuha ko atensyon ni Kaizer, para magpaalam na mauuna na ako, ayaw ko naman kasing maging bastos na bigla bigla na lang akong aalis gayong hindi pa kami tapos mag-usap kanina.

"Kaizer, una na ako, nice seeing you again" sabi ko at ngumiti.

"Ahm sige, kaye, pwede bang makuha number mo? Well, para naman makapag-usap pa tayo next time" sabi nito. Tumango ako, buti na lang may calling cards ako sa bag. Kinuha ko yun at binigay sa kanya.

"Sige, mauna na ako" pagpapaalam ko, tumango naman siya. Tumingin muna ako kay Tyler sandali at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin ngayon sa hawak na calling card ni Kaizer.


Hinila ko na ang bagahe ko at naglakad na papunta sa Room 27, ng makita ko yun second to the last ay kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto tsaka ako pumasok sa loob.


Malinis at maayos ang mga simpleng gamit na nandito. Nakita ko din na nandoon na ang iba kong gamit, sa tabi ng kabinet iniwan ko ang maletang dala dala ko simula pa kanina dahil nandoon lahat ng mahahalagang gamit ko.


Umupo ako sa nag-iisang mahabang sofa at sinandal ang ulo ko. Bigla naman pumasok sa isipan ko si Tyler at Alyanna. Alam kong si yana ang sinasabing Alyanna ni kazier kasi magpinsan sila at Ate ang tinawag niya dito kanina.


And napansin ko din na mukhang wala paring alam ang mga tao kung sino si Tyler sa buhay ko noon....


At about Tyler and Alyanna? May connections pa din sila after past years? Hindi naman sa nag-iisip ako ng kung ano. Nacucurious lang ako, alam ko namang close sila since then kasi naging sila before. And what about Klare? I haven't seen here for now, wala naman akong pake sa mga buhay nila ngayon, i just want to know where she is kasi mukhang hindi nila nakakasama ito dahil when i was in new york, Kelly call me mommy, so ibig sabihin hindi nila nakakasama ang ina nito.


Damn! Kakarating ko lang dito ang dami na kaagad ng mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko naman masagot sagot.


Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo ko, aayusin ko na lang ang gamit ko kaysa naman mag-isip pa ng ikakasakit lang ng ulo ko para makatulog din ako ng maaga dahil pupunta kaagad ako kinabukasan sa hospital para malaman kung kailan ang duty ko at saan ang location ko.....


A/N: Sorry kung long no update..... hirap pagsabay sabayin ng rp at wattpad😆

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon