Chapter Thirteen

4K 100 12
                                    

Chapter Thirteen

'Kaye Anne's Point Of View'

"I didn't know that you and Ate Alyana know each other" Hindi makapaniwalang sabi ni Kaizer, nandito kami sa sala ng apartment ni Alyana, tinext ko siya na sa susunod na lang kami magdinner at sinabing nandito ako sa apartment ni yana, nagtataka pa siya kung anong ginagawa ko dito.

Ala syete na din ng gabi at hindi pa kami kumakain, si Tyler nasa kusina at siya na daw ang magluluto ng dinner.

Tinawanan ko na lang si Kaizer, wala din akong maisagot sa kanya, kapag nagsalita pa ako siguradong maguguluhan lang siya at baka hindi ako tigilan kakatanong.

Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos si Tyler sa pagluluto at tinawag na kami para kumain, naglakad na kami papunta sa loob at naabutan namin si Tyler na nag-aayos ng pagkain para siguro kay Alyana dahil sa tray na hawak hawak niya.

"You go first, i'll just help yana to eat" sabi ni Tyler at naglakad na palabas ng kusina na hindi man lang kami tinitignan ni Kaizer.

Tinapik ako ni Kaizer at pinaghila ng upuan, ngumiti ako at umupo. Umupo naman siya sa kaharap ko na upuan. Nagsimula na kaming kumain, gusto ko pa sanang hintayin si Tyler para sabay sabay na kami kaso gutom na din ako.....

"This is better, parang date na din hahaha" sabi ni kaizer, umiling ako sa sinabi niya. "So you live in New York now? Oo nga pala, kailan ka pa umalis papunta sa New York?" Tanong nito pagkatapos nguyain ang pagkain na nasa bibig niya.

"Hindi ko na din matandaan kung anong araw akong umalis, basta 4 years for now" sagot ko, tumango tango naman siya.

Sumubo ako, kasabay non ay ang pagtatanong ulit ni Kaizer.

Marami kaming napag-usapan, tinanong niya pa kung saan ako nag-aral at kung saan ako nakatira. Sinagot ko naman yun.

"Wala pa bang boyfriend?" Kakatapos ko lang sa pagkain ng itanong sa akin ni Kaizer yun, tumikhim ako at handa na siyang sagutin ng pumasok si Tyler dito sa kusina habang dala dala ang Tray at bowl na wala ng laman, siguro kakatapos lang kumain ni Alyana.

Nakakunot ang noo nito habang naglalakad palapit sa lababo, napansin siguro nito ang pagsunod ng tingin ko sa mga kilos niya kaya lumingon ito sa akin at mas lalong kumunot ang noo niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Pinagtuunan ko ng pansin si Kaizer na kakatapos lang din sa pagkain.

"So? Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko" sabi nito habang nililigpit ang pinagkainan namin.

"Ako na" sabi ko nang akmang kukunin na niya ang pinagkainan ko.

"Sagutin mo muna tanong ko" sabi nito, tumabi naman sa kanya si Tyler na may dalang malinis na pagkainan at mukhang kakain na siya. "Kaye?" Kuha ni Kaizer sa atensyon ko. Bago ko ulit ibaling ang tingin ko kay Kaizer, narinig ko ang maliit na pagtikhim ni Tyler.

Parang biglang sumakit ang ulo ko at hindi ko alam kung sino ang pagtutuunan ko ng pansin.

"Wala" sagot ko sa tanong ni Kaizer sakin kanina.

"Wow, four years? Hindi ka pa rin nagkskaboyfriend? That's impossible" sabi ni Kaizer, nakikita ko sa gilid ng mata ko na tahimik lang na kumakain si Tyler. What's with him?

"Mas focus kasi ako sa pag-aaral at trabaho, kaya no time sa lovelife, makakapaghintay naman yun" paliwanag ko, tumango-tango naman si Kaizer.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na din si Tyler sa pagkain niya, nagpaalam naman si Kaizer na pupuntahan niya muna si Alyanna sa silid nito.

Tumayo si Tyler at pumuntang lababo, sumunod ako habang dala dala ko ang pinggan namin ni Kaizer.

"Ako na" prisinta ko, ng kukunin niya ang hawak kong mga pinggan, napansin ko na mukhang pagod at wala pa siyang pahinga, siya pa ang nagluto at nag-aasikaso kay Alyanna, kaya hahayaan ko pa ba na siya yung maghugas? Tsaka ito lang naman ang gagawin ko.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya naman umurong ako patabi sa kanya dahilan para mapaurong siya sa gilid. Naramdaman ko ang malalim na paghinga niya habang nagsisimula na ako sa paghuhugas.

"Umupo ka na doon, i can do this" sabi ko, baka kasi mabasag ko lang ang mga pinggan na ito dahil sa tingin na ibinibigay niya sakin.

Tumango ito at naglakad na palabas ng kusina, parang nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahilan para makahinga ako ng maluwag, parang gusto kong magmura dahil sa nararamdaman ko.

Ayaw ko nang makatakas pa ulit itong puso ko na ikinulong ko, kung papatakasin ko man, gusto ko tamang lalaki na ang makakahuli nito.....

A/N: Belated Happy New Year, late ako ng update, hirap kasi humawak ng cellphone dito sa bahay baka mapagalitan😆

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon