Chapter Forty-Five

2.5K 55 8
                                    

Chapter Forty-Five

'Kaye Anne's Point Of View'

Wala pang alas kwatro ng umaga ng magising ako dahil sa naririnig kong nag uusapan sa labas, kinusot kusot ko ang mata at humikab pa dahil sa antok na nararamdaman.

Nasa hall lang nitong second floor ang mga nag uusap dahil naririnig ang nga boses nila, hindi ko alam kung bakit ganitong oras ay gising na sila pero sigurado akong sila Daryl, Mama and Papa yun.

Mabilis akong bumangon at naglagay ng sapin sa aking paa bago tinungo ang pinto habang inaayos ang aking buhok. Binuksan ko ang pinto at lumabas, nakita kong mabilis na napalingon sakin ang mga nag uusap usap, at kasama doon si Klare, napatigil si Daryl na nagsasalita, at nilingon naman ako ni Mama at Papa.

"Kaye, you woke up so early" Hindi ko alam pero randam ko ang taranta sa boses ng aking Ina pero ipinag sawalang bahala ko na lang yun.

"Kayo din po, anong meron?" Tanong ko at pinasadahan sila ng tinging apat. Nakita ko ang mabilisang tinginan ni Papa at Daryl at hinarap muli ako tsaka bumuntong hininga. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Ahm nothing, we're just talking about something, iha" Si Papa.

Tumango ako. Tumingin ako kay Klare ngunit tumikhim lang siya at nag iwas ng tingin. Nangunot ang noo ko dahil doon. Something weird, something happening and i know, they're hiding it to me.

"Mom, Dad, bumalik na kayo sa pagtulog, kayo din Kaye and Klare" Daryl announced. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila ng humalik sila Mama at Papa sakin bago naunang bumalik sa kanilang kwarto, tinanguan naman ako ni Daryl at ni Klare bago siya naglakad pabalik sa kwarto niya. Kahit nagtataka ay tumalikod na din ako at naglakad pabalik sa aking silid. Sinara ko ang pinto at nilock pero nanatiling nakatayo sa harap non.

Ano bang meron? They are acting weird this time.

Kahit hindi mapakali ang isip ko sa pag iisip ng kung ano ano, bumalik ako sa higaan at sinubukang matulog.

Nagising ako at tanghali na, mabilis akong tumayo at hinanap agad ang cellphone ko, at baka tumawag o nag text si Tyler, ngunit pagtingin ko doon, walang text at tawag ni isa.

Siguro nasa trabaho na at busy. Mabilis akong nag ayos ng sarili ko, nagtoothbrush, hilamos at inayos ang aking higaan bago lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan ko sila Klare at Kelly na naglalaro sa sala. Nilingon ako ni Klare, tumayo siya at pinaglaro muna mag isa si Kelly bago ako nilapitan.

"Morning" Bati nito ng makalapit sa akin. Bumati din ako pabalik at nilibot ang paningin sa mansyon.

"Nasan sila?" Tanong ko ng mapansing tahimik at mukhang umalis sila at sila Klare at Kelly lang ang nandito, kahit si Tokashi ay hindi ko nakita.

"Ahh, umalis sila kanina pa, may pupuntahan lang daw, business siguro" Sabi nito. Tumango ako.

Nagpaalam muna akong kukuha ng pagkain at doon na sa sala kakain. Hinayaan naman ako ni Klare at bumalik sa pwesto niya kanina. Katulad ng sinabi ko, ay kumuha nga ako ng pagkain at sa sala kumain. Doon din ako nagpalipas ng oras habang nanonood, minsan pumapasok sa isip ko kung ano nga bang pinag uusapan nila, siguro tungkol sa business at siguro may hindi magandang nangyari?

Hindi ko alam, kahit ako nalilito sa kilos nila. Dumating ang hapon na wala akong ginawa at mas nakakapagtaka, wala man lang tawag at text galing sa kanya. Kahit naman busy yun ay nakakatext parin siya sakin, pero iba ngayon, wala talaga. Bumuntong hininga ako pagkatapos naming maghapunan at magbalikan sa kanya kanyang silid. Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakaramdam ng kaweirduhan ng pamilya ko ngayon? Para silang may tinatago na ayaw nilang malaman ko. Isabay pa ang hindi man lang pag tawag ni Tyler, sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reached. Wala naman akong number ni Jake o ni Drake, lalo na si Emily.

Tulad kagabi, hindi ako makatulog sa dami ng iniisip, malalim na hininga ang pinakawalan ko at tumayo tsaka kumuha ng makapal na twalya at lumabas ng kwarto. Magpapahangin muna ako sa labas, baka makatulong yun para matahimik ang pag iisip ko.

Marahan ang lakad ko pababa ng hagdan ngunit hindi ko pa nararating ang dulo ay nakita ko ng nakabukas ang ilaw sa sala at narinig ang mga boses na nag uusap usap.

"It will hurt, Kaye! Pano natin sasabihin sa kanya? Na patay na si Tyler?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig, napababa ako ng tuluyan sa huling palapag ng hagdan at nagdala ng ingay dahil sa pabagsak na pag apak ng paa ko doon.

"Kaye!" Mabilis silang bumaling sa kinaroroonan ko at nararamdaman ko ang kaba nila habang nilalapitan ako. Pero hindi ako makapagfocus, hindi akomakapag isip ng tama, para akong nanghihina. Tama ba yung narinig ko? Guni-guni ko lang ba yun? Muli nanaman pumasok sa isipan ko ang pinag uusapan nila kaninang madaling araw, at ang buong araw na wala akong natanggap na tawag o text sa kanya, ang walang paramdam niya.

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon