Chapter Forty-Six
'Kaye Anne's Point Of View'
"Nasan ba tayo?" Tanong ko habang nasa loob ng sasakyan at tinatanaw ang mabundok na lugar. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kanina dahil sa narinig, ngunit ng sabihin nila ang totoo ay gumaan ang loob ko pero hindi parin nawala ang takot.
"Iha, tama na, hindi totoo ang narini--"
"Mom!" Daryl shouted.
Pero hindi nagpatinag si Mama at patuloy na sinabi sakin na hindi totoo na patay na si Tyler.
"We just want to keep you safe, at isipin mong patay na siya, you're both in danger, Kaye. He asked us to help him to keep you safe by telling a lies. Nagkaroon ng pagsabog sa Opisina niya kahapon, maraming sugatan, sa mismong opisina ni Tyler mismo nanggaling ang pagsabog, sinadya ang nangyari, may nakitang bangkay, hindi na makilala kung sino dahil nasunog ang katawan, everyone thinks that its Tyler dahil hindi pa ito mahanap hanggang ngayon." Gulat at galit sa taong gumawa noon ang naramdaman ko. Sino ang gagawa ng kahayupan na yun? At anong kailangan nila kay Tyler at gusto nila itong patayin?
"I want to see him" Sagot ko na ikinailing ni Papa at ni Daryl.
"Delikado, binabantayan ng Fontejon ang mga galaw natin, kailangan palabasing patay na si Tyler para mas mapadali ang kilos namin, you have to act like you are hurt and in pain, Kaye."
"Pero hindi ko ba siya pwedeng makita? Kahit sandali lang? I just want to check at him, kung maayos ba siya" Buntong hininga ang naging tugon ni Daryl kaya tumingin ako kay Papa at mama.
Pumikit si papa at tumango. Hudyat na pumapayag ito.
"Pero hindi muna ngayon, palipasin natin ng ilang araw, at yung bangkay na nahanap sa opisina, yun ang gagamitin para mapatunayan na patay na si Tyler, walang alam ang mga Villanueva dito kundi tayo lang, at si Drake" Tango lang ang nasagot ko. Kung hindi alam ng mga Villanueva, knowing their family, alam kung hindi sila titigil hangga't hindi napapatay ang gumawa non. Lalo na at Mafia Boss ang pinatay...
Narating namin ang dulo ng daan at nakita ang nag iisang maliit na kubo doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang naiisip na nasa loob ng kubong yun si Tyler. Lumingon ako kay Daryl na tanging kasama ko lang ngayon.
"Sabay tayong bababa at diretsyo lang ang lakad papasok sa kubo" Sabi nito at nagtanggal ng seatbelt. Napatango ako at nagtanggal din ng seatbelt. Tulad ng sabi niya, sabay kaming lumabas at walang lingon lingon na dumiretsyo sa paglalakad patungon sa kubo. Tahimik ang paligid, halatang walang ibang tao, madilim at liblib na lugar dahil sa mga nagtataasang puno.
Binuksan ni Daryl ang pinto ng kubo ng makararing kami doon, nauna akong pumasok at para akong mawawalan ng hininga ng makita kung sino ang nakaupo sa kama habang ginagamot ang sariling mga sugat.
"T-Ty" Mahinang sambit ko habang nakatitig sa kanya. Lumingon ito sakin at bahagyang ngumiti ngunit ang paningin ko ay nasa katawan niyang walang pang itaas at maraming sugat.
"Help him, doon lang ako sa labas" Mahinang bulong ni Daryl. Nilingon ko siya at mahinang tinanguan bago muling binalik ang paningin kay Tyler, mas kaunting gasgas ang mukha niya, habang ang katawan ay maraming sugat pero hindi naman malalim, at parang hindi naman yun naging sagabal para hindi makita ang maganda niyang katawan. Macho parin at mukha namang hindi niya napapabayaan ang sarili habang isang linggo mahigit na ata siyang nandito.
Bigla akong pinagpawisan, biglang uminit ang paligid kahit kaming dalawa lang naman ang nandito.
"Kaye?" Napaangat ang tingin ko sa mukha niya habang nakaawang ang mga labi. Jusko, ano bang nilalang itong kaharap ko? Bakit sobrang gwapo?
"Kung tititigan mo lang din naman ako, pwede kitang bigyan ng litrato, at ng hindi ka nangangalay diyan" Natikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi niya at nahihiyang nag iwas ng tingin.
Bakit ganon? Ang tapang tapang kong ipagpilitan na gusto ko siyang makita pero ito na ngayong kaharap ko parang gusto ko unatras at magtago na lang.
"K-Kamusta?" Wala sa sariling tanong ko. Nakangisi na ito ngayon at mas hinarap pa ang sarili.
"Why don't you come and sit beside me? Para naman maging okay ako" Nagdadalawang isip pa akong lumapit sakanya pero sa huli ay naglakad ako palapit.
"Ayy!" Mahina akong napatili ng hilahin niya ako diretsyong pinaupo sa kandungan niya. Halos mawalan ako ng hininga ng humawak ang kamay ko sa katawan niya para sana ibalanse ang sarili at hindi tumama sa kanya. Pinaikot niya ang braso niya sa beywang ko at hinapit pa ako palapit sa kanya at niyakap.
"Fvck! I miss you so damn much, Wifey" Niyakap ko din siya pabalik dahil sa sinabi niya. Natutuwa ako dahil namimiss niya pala ako sobra, ganon din ako sa kanya, walang araw na hindi ko siya naiisip, walang araw na tinanong ko ang sarili ko kung okay ba siya, o kumain na ba, kung maayos ba ang lagay niya. Pero nasasaktan ako habang nasa harap niya ngayon, nakatingin sa mga sugat na natamo, nangilid ang luha ko at mas hinigpitan pa ang pagyakap.
"Miss din kita, miss na miss" kusa ng tumulo ang mga luha ko at napahagulgol.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...