Chapter Forty-One

2.5K 65 0
                                    

Chapter Forty-One

'Kaye Anne's Point Of View'

"You're still planning to go back in New York?" Tyler asked. Nandito kami ngayon sa Park na malapit sa sementeryo, katatapos lang namin kumain and we decided to stay here for a while. I'm happy because this is my first time to experience this kind of date, not romantic but special.

"I think i need to. Marami akong gamit sa condo, i need to visit grandma and maxine" we talked a lot of topic, about my study there, and my part time job, about clara and thea who helped me, and talked about what happened in the past.

Guminhawa ang pakiramdam ko ng mailabas ko ang lahat ng gusto kong ilabas, sama ng loob, pait at sakit na naramdaman ko ng mga panahong 'yon.

"Kaye, i want to come with you" He said. Hindi na ako nagulat, he been mentioning about coming with me where ever i go. I looked at him.

"Wala ka bang trabaho?" I asked. Still confused. Alam ko kung maraming kompanya ang pamilya nila kaya nakakapagtaka na hindi ko man lang mapansin na busy siya.

"I'm the boss" Maikling tugon niya. Napailing na lang ako. Oo nga naman, siya ang boss pero parang hindi naman maayos tignan na laging wala ang boss nila....

How his position as the mafia boss? Napaisip ako doon, he still had the position. Napapaisip ako, ano ba talagang ginagawa nila doon? Lalo na siya as the boss?

Should i do some research? I don't know pero bigla akong nagkainterest tungkol doon, samantalang noon i don't mind it at all lalo na kapag hindi naman ako nadadamay...

Ilang oras pa kami nagtagal doon habang nakaupo at nag uusapan kung may maiisip na pag uusapan, minsan pinapanood ang mga batang naglalaro. Hanggang sa mag ala sais ay nag aya na siyang umalis. Tumango at sabay kaming naglakad pabalik sa tapat ng sementeryo dahil doon nakapark ang sasakyan niya.

Pumasok ako sa passenger seat, siya naman ay sa driver seat bago inayos ang seatbelt. Pinaandar ang kotse, napakunot ang noo ko ng ibang daanan ang tahakin namin, imbes na mag u-turn kami ay dumiretsyo lang siya. May short cut ba dito?

Siguro meron. Ipinagwalang bahala ko na lang 'yon at tumingin na lang sa labas. Hindi talaga ako pamilyar sa lugar na 'to. At dahil hindi na ako makatiis hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"May short cut ba dito?" Tanong ko. Lumingon siya sakin saglit bago muling binalik ang tingin sa kalsada.

"None"

"Ohh bakit dito tayo dumadaan? Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Just sit and relax"

Ohh...okay... nagkibit balikat na lang ako at tulad nga ng sabi niya, sit and relax, yun ang ginawa ko at binalik na lang ulit ang tingin sa mga nadadaanan namin. Maraming puno na puno ng mga ilaw na nagpapaliwanag dito.

Bigla ko tuloy naalala noong magkasama kami ni Drake habang hinahabol ng kung sino. Bigla akong nilukob ng takot.

"Tyler, where are we going? Umuwi na lang kaya tayo" Sabi ko ulit. Scared that it might happened again. Paano kapag may sumunod sa amin? Alam kong hindi pa kami safe, hindi ko man na nakikita ang lalaking nakita ko sa hospital, hindi parin ako pwedeng mapanatag.

"Hey, it will be okay, nothing will happened, okay?" Tyler assured me. Hindi man sigurado ay tumango na lang ako at kinalma ang sarili. I should stop thinking to much, maybe i'm just stress because of what happened kaya ganito ako ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas ng tumigil kami sa isang restaurant, pinark niya ang sasakyan malapit sa tapat kaya nakikita ko ng maayos ang meron sa loob. Kumunot ang noo ko ng makitang wala naman tayo.

"Sarado ata sila" Sabi ko ng tinanggal niya ang seatbelt niya. Pero kung sarado bakit bukas ang ilaw?

"Let's go, Kaye" kunot parin ang noo kong tinaggal ang seatbelt at sabay kaming bumaba. Marami namang bukas na restaurant at may nga tao pa, bakit dito pa kami pumunta?

Naglakad kami papasok, he opened the glass door for me. Nagulat naman ako ng makitang may waiter doon? Baka wala lang talagang masyadong kumakain dito. Sa isip isip ko.

"Goodevening, Mr.Villanueva and Ma'am..." The waiter greeted us. Kilala niya si Tyler, siguro madalas siya dito.

Ngumiti lang ako sa Waiter, tumango naman si Tyler bago kami igaya ng waiter sa pinakadulong lamesa, nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng makitang medyo madilim sa parte na 'yon, pero may kandila sa gitna at maliit na vase na may isang pulang rosas. Its a dinner date set up.

Napalingon ako kay Tyler na nakangiti na sa akin.

"What?" Tanong nito sa akin na parang natutuwa pa sa reaksyon ko.
Umiling lang ulit ako, naglakad na kami papunta sa lamesa. Hindi 'yon kita sa labas dahil glass smoke ang nakaharang banda doon, kaya siguro hindi ko napansin kanina.

Pinaghila niya ako ng upuan, umupo naman ako, siya naman ay naupo sa harap ko. The waiter and waitress serve the first meal.

Gulat parin ako sa nangyayari. Parang ito yung nasa panaginip ko noon, pero hindi ko nagustuhan 'yon. That dream is like a nightmare to make, Tyler let go of me in that dream.

"I hope you like it. I remember that i didn't bring in this kind of date before when we are still together" I looked at him. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "I promise, be with me again, i'll do everything, Kaye. I will take care of you, i will make sure that you are safe, i will never get tired of asking you again again until you agree, i want you kaye, i want you for the rest of my life" Seryoso at mahabang sabi niya. Inangat niya ang kamay ko palapit sa kanya at hinalikan ang likod ng palad ko.

I can't stop the happiness that filling me right now. I smiled at him.

"I want you too, only you"

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon