Chapter Thirty-Six

5.9K 132 2
                                    

Chapter Thirty-Six

'Kaye Anne's Point Of View'

It's been 2 days. Ok na ok na kami ni Tyler. Nakapag-usap na kami na dapat ang maliliit na problema hindi na namin pinapalaki para hindi kami nag aaway. At sa dalawang araw na yun lagi ko din nakakasabay si Kaizer sa break time buti nga may kasabay ako pano ba naman itong si Clara sa boyfriend niya sumasama kaya wala na akong nagawa.

About Alyana, In-explain na ni Tyler lahat sakin, si Alyana daw ang napili para kasama niya sa pagtuturo kaya inintindi ko na lang dahil pagod na din akong makipag away sa kanya.

Sa Bahay na din Umuuwi ang ate ni Tyler kaya minsan sa labas na lang kami kumakain ni Tyler para daw maging komportable ako lalo't alam niyang hindi maayos ang samahan namin ng pamilya niya maliban kay Papa kaya um-agree na lang ako.

At ngayon kakatapos nanaman ng dalawang klase at nagpaalam na si Clara na mauuna na daw siya. Habang ako nagliligpit ng gamit tapos si Kaizer nasa labas at kausap ang mga babaeng naghihintay sa kanya. Tuwing madadaan ko ang mga classroom ng mga 'yan ang sama ng tingin sakin.

Napagkakamalan pa akong Girlfriend ni Kaizer kasi lagi daw kaming sabay kumain kapag break time na kahit nga din si Tyler ilang beses na akong tinanong kung nanliligaw ba si Kaizer sakin pero ang lagi kong sagot ay ang tawa ko.

Sino ba ang hindi matatawa. Ang seloso niya kaya!

Kinuha ko ang cellphone kong nagvibrate sa palda ng uniform ko at nakita ko ang isang mensahe galing kay Tyler.

Tyler:

Kasabay mo nanaman yun kumain?

Napatawa na lang ako dahil sa text niya. Laging ganyan ang tanong niya tapos kapag sasagot ako ng 'OO' ang sinasabi niya 'Siya na lang kaya asawahin mo tch!' Napailing-iling na lang ako at sinagot ang text niya at binalik na ang cellphone ko sa bulsa at naglakad na palabas ng room.

Saktong paglabas ko ay siya namang pag-alis ng mga kinikilig na mga babaeng kausap ni Kaizer.

Kinamot ni Kaizer ang batok niya at umiiling na lumapit sakin at sabay na kaming naglakad papunta sa Canteen.

"Ang hirap palang maging gwapo dito sa school niyo" Sabi ni Kaizer at napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Masanay ka na. Minsan lang din naman kasi magkaroon ng gwapo sa Second Year dahil halos lahat ng gwapo nasa Forth Year" kasama na ang asawa ko, "kaya just stick on it" Sabi ko na ikinailing naman niya habang nakangiti.

"Haist! Ang dami ko nanamang buburahin na number mamaya." Sabi nito at ngumuso,eh?! Ang cute gusto ko siyang kurutin.

"Baka sa susunod hindi na number ang ibigay sako" Sabi ko sabay tawa.

Nakita ko namang namula ang mukha niya bago nagsalita "Hindi namana ko ganon" sabi nito dahilan para mas lalo pa akong mapatawa.

"Ang defensive mo naman!wala pa nga akong sinasabi hahaha" Sabi ko ng makarating kami sa Canteen at umupo na kami pinakadulo at tabi ng salamin.

"Haist!Pinagtritripan mo nanaman ako, Kaye" sabi nito at ginulo ang buhok niya.

"Hindi kaya!" Sabi ko

Magsasalita pa sana si Kaizer ng may tumikhim sa harap namin.

"Can we seat here? There's no more available table except on this two seat and table in front of you two" Sabi ni Tyler kasama si Alyana na nakataas ang kilay. Tinignan ko si Tyler at nginitian kaso ang bwisit inismiran lang ako

'Selos ka lang eh!'

"Sure Mr.Villanueva and Ms.Montecillo" Sabi ni Kaizer kaya umupo na sila Tyler at Alyana sa harap namin.

"Kaye?" Napatingin naman ako kay Kaizer ng tawagin niya ako.

"Hmm?" Tugon ko

"Ako na bibili ng pagkain natin ah?" Sa sinabi niya doon ko lang narealize na di pa pala kami nakabili ng pagkain.

Mabilis akong tumango. "Sige" sabi ko.

Tumayo na si Kaizer at nagulat din ako ng tumayo si Tyler. Siguro bibili din ng pagkain nila kaya ang ending naiwan ako kasama ang ex-fiancè ng asawa ko

"Why don't you file an annulment paper? Para naman maayos kang makakakilos para lumandi sa iba" Biglang sabi ni Alyana at tinarayan ako. Hinarap ko siya at tinignan na parang namamangha sa sinabi niya tsk!

"Eh bakit ikaw? Hindi ka na lang maghanap ng ibang lalaking lalandiin mo" Taas kilay na sabi ko at sumandal.

"How about you? May asawa ka na nga lumalandi ka pa" Sabi nito dahilan para magpantig ang tenga ko sa narinig. Calm down, kaye.

"Bakit ikaw? Alam mo na ngang hindi ka na papatulan kumakabit ka pa" Sabi ko at nginitian siya ng nakakaloko. Nakita kong tinignan niya ako ng masama pero ngumiti din siya na parang demonyo. Demonyita naman talaga siya.

"For your information, your my ex-fiancè wife and also you are flirting with my cousin!bitch" She said that make me stilled

"Cousin?" I ask nowhere

"Yes, Kaizer Montecillo"

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon