Chapter Sixty
'Author's Point Of View'
Kaye woke up, nasisilaw siya sa puting kisama at ilaw na nasa itaas at kaharap niya ngayon, sinubukan niyang tumayo ngunit hindi niya maigalaw ang katawan dahil kumikirot ito. Kahit tarantang taranta na siyang gumalaw upang malaman kung nasaan siya.
'Nasa langit na ba ako?'
Yan kaagad ang naisip niya dahil sa puting lugar nakinaroroonan niyan, tumingin siya sa gilid niya at doon nakita niya ang bintana at kurtinang nakabukas, tumingin siya sa kanan niya at nakita niya ang maliit na aparador, doon naman sa sofa na kulay lila nakita niya si Miguel na nakatingin sa kanya na may pagaalala.
'Nasa hospital ako'
Sabi niya sa sarili, tahimik lang siya ng lumapit sa kanya si Miguel, bigla siyang kinabahan ng maalala ang nangyari. Nag-aalalang tinignan nita ang tiyan. Baby ko
"May masakit ba sayo?" Tanong sa kanya ni miguel ng makalapit ito sa kanya, ngunit imbes na sumagot ay galit na hinarap niya ito.
"Ang baby ko?!" Sigaw niya.
"Sabihin mo lang kapag may masa--" Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito at inulit ang tanong niya kanina.
"Miguel, Ang baby ko?!" Nafrufrustrate na siya, desperada siyang malaman ang kalagayan ng anak, kung ligtas ba ito, naalala niya ang dugong umagos sa hita niya bago siya mawalan ng malay, alam niyang hindi maganda sa babaeng buntis ang duguin.
"You have t--"
"Nasan ang anak ko!?!" Hindi na niya napigilan pa ang galit at pag-aaalala sa kalagayan niya at kung maayos ba ang batang dinadala niya, ang gusto niya lang malaman ay kung ligtas ito at walang nangyaring masama sa anak nila ni Tyler, she will never forgive her self once na may mangyaring masama dito.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, sa inaakto ng kaharap niya ngayon alam niyang walang magandang balitang dala ito, hindi niya kayang tanggapin kung ano man ang malalaman niya ngayon, tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan, halo-halo na ang nararamdaman niya pero hindi dapat siya maging ganito, baka niloloko o pinagtritripan lamang siya ni miguel ang nasa isip niya at pilit na nagpapakatatag na ligtas at maayos ang anak niya.
"Stop crying, makakasama sayo ku--" Ang bilis ng kilos niya ng makuha ang vase na may bulaklak na nakapatong sa bed side table at malakas na ibinato 'yon sa tabi ni miguel. Humagulgol na siya, sakit at galit ang nararamdaman niya, sakit dahil sa nangyari, galit dahil sa lalaking kinahihinatnan nitong lahat.
"Umalis ka dito!Hayop ka!" Sigaw niya habang umiiyak, sobrang sakit na, hindi niya mapigilan ang galit na kumakain sa pagkatao niya, parang pinagkaisahan siya ng kung sino at nangyari ito sa kanya. "Demonyo!! Kung hindi dahil sayo maayos dapat ako at ang anak ko!" Galit na dugtong niya ay pinagbabato ang mga kagamitan na nasa bed side table.
"Siguro kaya ka iniwan ni Klare kasi demonyo ka pala! Kaya nanlalaki na lang siya kasi wala kang kwenta! Pinatay mo ang anak ko! Walang hiya ka!" Akmang susugod na siya ng pumasok ang mga nurse at isang doctor.
"Mrs. Bautista, Calm do--" parang nagpantig ang tenga niya.
"Hindi ako Mrs.Bautista! I will never ever be a Mrs.Bautista!" Sigaw niya sa nurse na tumawag sa kanya ng Mrs.Bautista
"Ok Ma'am, please calm down, masamang nagsisisigaw kayo" She don't know how to control herself after all of this. Pagod na siyang makinig sa mga taong nakapaligid sa kanya, nagdidilim ang paningin niya at parang gusto niyang pumatay ng tao ngayon. Sobra-sobra na ang parusang ibinibigay sa kanya ng kung sino, may nagawa ba siyang mali? Yan ang tanong na umiikot sa isipan niya habang umiiyak at hindi pinapansin ang mga taong nasa paligid niya. Take me too! Please!...
Hindi man lang naramdaman ni Kaye ang karayom na tumusok sa kanyang braso na may halong gamot para mapakalma siya, sinabunutan ni miguel ang sarili. Damn! It's all my fault! I'm sorry, Klare. Sisi niya sa sarili, nasasaktan siyang nakikita ang babaeng minahal niya simula pa noong una, Klare will be his first and last love na kahit siya pa yung tipo nang babae na ipagtatabuyan at ipapamukha sa kanya na hindi niya deserve ang asawa, na hindi niya ito mapipilit sa kanya kahit pa paulanan niya ito ng sandamakmak na pera hindi siya nito mamahalin, kahit magpakamatay pa siya, hinding-hindi siya mamahalin ng babaeng minahal niya simula palang noong una.
He was sorry for all of this, he ruined everything, na kahit ang batang dinadala ng asawa ay nawala dahil sa pansariling kagustuhan, gusto niyang ibalik lahat, gusto niyang itama lahat ng pagkakamaling nagawa niya, hindi niya kayang makita ang babae na nasasaktan dahil sa kanya. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata ng makita niyang tulala na lang na umiiyak ang asawa, bakit ba humantong sa ganito? Gusto niya lang naman maging masaya sa piling ng asawa niya, sa piling ng babaeng pinakamamahal niya....
A/N: Epilogue na😍
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RastgeleKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...