Chapter Thirty

5.7K 113 2
                                    

Chapter Thirty

'Kaye Anne's Point Of View'

"Dapat pinatulan mo,Kaye!" Inis na sigaw ni Clara ng matapos kong ikwento yung nangyari. Inis na inis pa siya kasi daw di ko sinabi na nandoon daw si Alyana pero mas inis na inis daw siya sa Tita ni Tyler.

Nagpupunas ako ng buhok habang nakaupo sa kama ni Clara. Nasira ko pa nga ang date nila ni Dave dahil nag-aya na daw umuwi yung bestfriend niya dahil sakin, huminga naman ako ng paumanhin kay Dave at sabi niya naiintindihan naman niya ilang minuto din siyang nag stay dito sa bahay nila Clara at umalis na din ito dahil malakas na ang ulan at anong oras na din.

"Pabayaan mo na nangyari na wala naman na akong magagawa. Nainis lang din ako ng banggitin niya sila mama at papa" pagpapahinahon ko sa kanya.

"Yun na nga eh! Wala naman kinalaman sila Tita at Tito doon. Kung ako yun baka binuhusan ko na sila ng mainit na tubig" Sabi nito at naggigigil na Nagsuklay ng buhok at tumabi ng upo sakin sa kama niya.

"Gusto ko na nga silang batuhin ng kutsara buti na lang nakapagpigil pa ako" Buntong hiningang sabi ko

"Dapat ginawa mo lalo na sa Alyana na yun! Jusko hindi ko pa kilala masyado yun pero parang gusto ko na siyang iburol ngayon" Nangangalait na sabi niya at pabagsak na nilapag ang suklay sa tabi ng twalya na pinag sabitan ko.

Humiga ako sa gilid at tumingin sa mga sticker na nakadikit sa taas. Gustong gusto talaga ni Clara ang mga bituin

Alas onse na ng gabi at gising pa kami dahil hindi pa ako inaantok pati 'tong katabi ko na nagbukas ng chips na kinuha niya sa Kusina. Nanood na lang kami ng mga KDrama's habang magkatabing nakahiga.

Hindi na din namin pinagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa bagay na yun at natulog na lang ng mag aala-una na ng madaling araw.

***

Nagising ako ng maramdaman ko ang sunod sunod na pagvibrate ng cellphone ko sa ilalim ng unan ko.Pikit mata ko yung kinapa habang umuupo, ng makuha ko yun ay siya namang pagtigil ng pagvibrate. Kinusot ko ang mga mata ko at dumilat para tignan kung sino ang tumatawag o kung ano man yun.

"Oh Ghad!" 36 unread messages at 14 missed called galing kay Tyler. Binuksan ko agad ang mga messages at nag scroll pataas updang tignan ang nauna niyang mensahe.

Tyler:

Malapit na bumaba itong eroplanong sinakyan namin.

Sinend niya yun ng 2:54 am. Sunod kong binasa ang ibang mensahe

Tyler:

Nasan ka?

Kaye!?

Kanina pa ako nakauwi bakit wala ka dito sa bahay?

Wife nasan ka ba? May problema ba? Galit ka ba sakin?

Kaye,i am freaking worried!

Sabi nila Tita umalis ka na lang daw bigla

Hindi ko na natapos basahin ang iba pang messages ni Tyler ng mag pop-up sa cellphone ko ang numero ni Tyler na tumatawag,nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ngunit bago pa ito mamatay ay pinindot ko na ang answer

[Kaye?!Nasan ka susunduin kita!] Pang bungad niya at narinig ko pa ang boses nila Papa at nila Alyana sa kabilang linya [Kaye Anne Answer me, please wife]

Hindi ako sumagot. Tahimik lang ako pinapakinggan yung boses niyang pumipiyok para mangilid ang mga luha ko.

Tumingala ako upang hindi tumulo ang mga luhang handa nang bumagsak sa pisnge ko.

"Nandito ako kina Clara. N-nabored kasi ako sa bahay kaya nag overnight muna ako" Pagsisinungaling ko at sinubukan ko pang mas patatagin ang boses ko dahil alam kong mamaya maya lang gusto ko nang mapahagulgol sa pag iyak.

Wala naman kaming problema. Yung mga taong nakapaligid samin ang problema ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya [You should say it to me or to Tita Vivian, para hindi ako nag alala. Pagdating ko ikaw agad pinuntahan ko tapos wala ka pala] Malamig na tono ng boses niyang sabi.

"S-Sorry" Paumanhin ko at sunod sunod ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

[I'll fetch you there tomorrow] Tumango ako kahit alam kong hindi niya nakikita ayaw kong sumagot dahil alam ko na pipiyok lang ang boses ko kapag sumagot pa ako [Sorry for interrupting your sleep,wife.]

"It's Ok" Sabi ko habang pinupunasan ang oisnge kong basang basa na dahil sa mga luha ko.

[Go back to your sleep, Wife. I love you] Sabi nito at pinatay ang tawag ng hindi inaantay ang sagot ko.

Huminga ako ng malalim at binalik ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko tsaka humiga na ulit. Ilang minuto pa ang inantay ko bago bumagsak ang mga mata.

"I love you too, hubby"

A/N: Pambawi💋🌷

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon