Chapter Twenty-Eight

5.9K 144 12
                                    

Chapter Twenty-Eight

'Kaye Anne's Point Of View'

"Hello Ms.Kaye,Si Bossing?" Napatingin ako kay Drake na mukhang kakarating lang at agad na hinanap si Tyler.

"Nasa taas pa drake, nagbibihis.Aalis kayo?"Sagot at Tanong ko sa kanya. Nandito kasi ako sa garden ngayon at nagmumuni-muni lang.Nabobored ako sa loob wala akong magawa.

"Opo Ms.Kaye may pupuntahan lang kaming meeting" Nakangiting niyang sabi.

"Wag mo na nga akong tawaging Ms.Kaye,Drake.Mas matanda ka pa nga sakin eh" Sabi ko sabay tawa.Paulit ulit na kasi.Sabi ko sa kanya wag na niya akong tawaging Madam o Ms. kasi hindi naman na siya iba sakin.

"Nakasanayan na kasi,Kaye" Sabi nito sabay kamot sa batok niya.

Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Alyana.

"Ms.Alyana?" Narinig kong banggit ni Drake at hindi makapaniwalang nakatingin kay Alyana.

"Hello,Drakey" Nakangiting bati ni Alyana kay Drake at tumawa pa siya nang mahina dahil sa reaksyon ni Drake sa kanya.

"Kailan ka pa nakauwi Ms.Alyana?" Tuwang tuwa na tanong ni Drake at lumapit kay Alyana at niyakap niya ito.Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumayo,siguro kapag nandiyan si Alyana at kausap niya ang mga tanong naging kaclose ko na din kailangan ko nang umalis dahil alam ko naman na mas matimbang siya kaysa sakin,na mas marami silang mga pinagsamahan kaysa sakin na 7 buwan palang sa pamilyang ito.

Biglang kumirot ang dibdib ko dahil sa naisip.

"Matagal na din Drakey, may mga inayos lang akong papeles kaya ngayon na lang ulit ako nakapunta dito" Sagot ni Alyana at bumitaw sa yakap

"Sige,Drake. Una na ako sabihin ko na lang kay Tyler na nandito kana" Hindi ko na inintay ang sagot niya at naglakad na ako papasok ng bahay. Pagkarating ko sa sala nakita ko si Tyler na pababa na at nagbubutones pa nang dark blue polo niya.

Nakita kong hindi maayos yung manggas nang damit niya nang lumapit siya sakin.Hinila ko siya nang Marahan at ako na nag-ayos nun.

"Nasa labas na si Drake.Saan punta niyo?" Tanong ko ng patapos ko nang ayusin yung damit niya. Alam ko naman na meeting yung pupuntahan nila kasi sinabi na ni Drake kanina pero gusto ko parin itanong sa kanya.

"Thanks" Sabi niya nang natapos ko nang ayusin yung manggas nang damit niya. "May meeting kami sa Baguio pero uuwi din ako agad kapag natapos baka madaling araw na kami makarating" Sabi nito at hinalikan ako sa pisnge na ikina init ng mukha ko. Sa pisnge lang!Dapat sa lips

"Pasalubong ko ah" Nakangiting kong sabi sa kanya.

He chuckled "Yes Ma'am" Sabi nito at nagsalute pa na ikinatawa ko.

"Sige na,alis na" Sabi ko at tinulak tulak pa siya nang marahan.

"I love you" Sabi niya at nagflying kiss pa.

Tunawa lang ako at iiling iling na inikutan siya nang dalawang mata.

Nang makalabas na siya tumalikod na ako at naglakad pa akyat nang kwarto para maligo at magreview dahil hindi naman ako pumasok dahil sa pagdating nila Tita Vivian at Alyana.

Nang matapos na akong maligo umupo ako sa harap nang laptop ni Tyler at binuksan yun. Sinimulan ko nang magresearch, kung ang ibang studyante na umaabsent ay naka online sa kanilang media account ako hindi. Hindi naman ako mahilig sa mga IG na yan at Facebook dahil mas gusto ko pang magbasa nang mga Romance and Comedy book.

Nagresearch lang ako tungkol sa mga Medical Equipments na hindi pa pamilyar sakin. Sa scince at technology and livelihood education ako nakafocus lagi dahil mas madalas nandoon ang tungkol sa caregiving.

Napatingin ako sa Cellphone ko na nagvibrate at isang mensahe na galing kay Tyler ang natanggap ko.

Tyler

Sumabay ka na mamaya kanila dad na maghapunan kasi anong oras na ako makakarating.Wag kang magpapalipas nang gutom Wifey

Napangiti ako at mabilis na nagreply

Me

Opo,Sir Manyak

Siguro kong may kasama ako dito iisipin na nilang baliw ako dahil ngiting ngiti ako at mapapatawa dahil sa reply ko kay Tyler.

Tyler

Sayo lang naman ako manyak

Nagreply ulit ako.

Me

Sabi mo eh.

Napatigil ako sa pakikipag kulitan sa text kay Tyler nang may kumatok sa pinto. Mabilis kong ibinaba ang cellphone ko at tumayo tsaka naglakad papunta sa pintuan para buksan iyon at bumungad sa akin si Alyana.

"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya at parang wala siyang narinig na tinulak ako sa gilid at diretsyo siyang pumasok sa kwarto namin.

Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. Hindi naman ako maldita pero kapag si Alyana ang kaharap ko nagiging maldita ako.

"Wala naman akong kailangan sayo,Kaye. Hindi ba ako pwedeng pumasok sa kwarto nang Fiancé ko?" Bigla akong napatawa nang nakakaloko. What?Fiancé?

"Correction. Ex-Fiancé" Pagtatama ko at humarap siya sakin at tinaas ako nang kilay. Hindi naman ako papatalo at pinag taasan ko rin siya nang kilay.

"I don't know why did Tyler marry a bitch girl like you because of your parent's death" Mas napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"Me?Bitch?Kung ako bitch ikaw slut" Nakangisi kong sabi. Mabilis kong hinawakan ang mahigpit kamay niyang malapit nang tumama sa pisnge ko.

"Wag mo kong simulan at baka itong kamao ko ang tumama sa nakakadiri mong mukha"

A/N:Bukas ulit hehe.....Feel free to comment and Click the Vote🌷

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon