Chapter Fifteen

7.1K 140 2
                                    

Chapter Fifteen

Nandito na ako sa Parking Lot at nagtatagong hinihintay si Tyler habang nakasimangot dahil sa Sinabi ng Teacher ko sa English.

Maghanap daw ako ng magaling na Studyante sa School na magtuturo sakin sa English dahil baka ka daw bumagsak ako.

Di kasi ako magaling sa English dahil hindi ko namang planong imaster ang subject na yun at di naman ako matalino tulad ng iba diyan.

Oo alam kong kailangan ko rin pag aralan ang English dahil part siya ng Science at part sa Science and Course na kinukuha ko at ang pagiging Doctor yun.

Mahigit kalahating oras na akong naghihintay kay Tyler dito at hanggang ngayon ay wala padin siya nangangalay na ako dito kanina pa dahil sa sobrang tagal niya mukhang hinarang nanaman ni Stephanie yun.

Tumingin ako sa Gate ng School at marami rami pa naman ang lumalabas na Studyante doon ng may mapansin akong lalaking nakatingin na nakablack hood at nakaitim na sumbrero.

Naalala ko nanaman yung lalaki sa bahay nila Tyler.Nung gabing yun doon na talaga ako nacurious kung ano bang nangyayari.

Nakatingin lang yung lalaki sakin kaya tumingin ako sa ibang direksyon para di niya mahalata na nakatingin din ako sa kanya.

'Nasan na ba si Tyler?'

Tumingin tingin ako sa paligid ng matanaw ko ang itim na van malapit sa pwesto ko.

Sasabay na sana ako sa mga studyanteng naglalakad ng may humila ng kamay ko at akmang sisigaw na ako ng takpan niya ang bibig ko at nagsalita siya.

"Ma'am Kaye wag kang maingay" Sabi nito at parang nakikilala ko ang boses nun.Tinignan ko kung sino yun ng tanggalin niya ang kamay niya sa Bibig ko

"Drake?" Sabi ko at nginitian naman niya ako.

"At your service madame" Lokomg sabi nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Takhang tanong ko kay Drake

"Inutusan lang ako ni boss,Ma'am kaye" Sagot nito at tumingin sa itim na van

"Nasan ba si Tyler?Si Tyler ba yung nasa itim na van?" Tanong ko sa kanya kasi tinitignan niya parin yung van.

"Si Boss po wala na dito kanina pa nakauwi" Huh?Eh nandito pa yung kotse niya

"Nandito pa sasakyan niya" Sabi ko sa kanya tsaka kung umuwi na siya dapat nagtext siya para di ako naghihintay dito

"Si Boss na lang ang mage-explain niyang Ma'am Kaye.Wala po ako sa Lugar para magsalita ng walang permisyon ni Boss" Sabi nito at may tinwagan.

"Boss" Si Tyler

[Where's Kaye?] Rinig kong tanong ni Tyler

"Nandito Boss" Sagot ni Drake sa kabilang linya

[Take her home now] Maawtoridad na sabi ni Tyler kay Drake

"May Itim na van dito boss kaya di pa kami makaalis baka masundan kami" Sagot ni Drake.Bakit naman kami susundan nun?

"Bakit tayo susundan nun?" Di ko napigilang tanungin kay Drake.

[Let me talk to my Wife] Rinig kong sabi ni Tyler

Binigay naman ni Drake sakin yung cellphone niya kaya tinanggap ko na

[Wife?]

"Hmm?" Nasabi ko na lang.

Wala akong masabi.Di ko alam para kasing kinakabahan ako sa meron ngayon.

[Sorry.You wait for me there for just nothing] Hinging sorry niya.

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko.Nacucurious ako sa mga nangyayari.First yung lalaking nakaitim.Yung itim na Van.Yung mga galawan ni tyler nakakapanibago.Kung bakit ako kinakabahan.

[Wife,Please I'm so sorry.I will explain later just always remember that i love you so damn much and always think that] Ano bang meron tyler?What's Happening?

"O-ok" Sagot ko bago ko marinig ang malalim na buntong hininga niya sa kabilang linya "I love you too" Habol na sabi ko habang nakangiti

Gulong gulo man ako sa nangyayari basta mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya.

[I love you more,Wife.Please take care of your self] Sabi ni Tyler bago binaba ang tawag

Inabot ko naman kay Drake yung cellphone niya at tinignan yung van na itim kaso wala na doon.

"Umalis na,Ma'am Kaye" Inunahan na ako ni Drake bago pa ako makapagtanong "Halika na ma'am kaye kailangan na nating umuwi" Sabi ni Drake kaya sumakay na kami sa Sasakyan niya.

"Pano yung sasakyan ni Tyler?" Tanong ko kay Drake ng paandarin na niya ang makina ng sasakyan niya at umalis na kami ng parking lot.

"Ipapakuha na lang daw ni Boss, Ma'am Kaye" Sagot niya kaya napatango na lang ako.

Bakit kaya Boss tawag nila kay Tyler?Kay Tyler ba sila nagtratrabaho?Siguro kasi pumunta na sila sa Bahay nila Tyler at tinawag din siya nila Drake at Jake na boss

"Nasan si Jake?" Tanong ko kay Drake.Wala lang naalala ko lang

"Bakit Ma'am Kaye?Wag mong sabihing may gusto ka doon Ma'am Kaye baka mapatay ni Boss yun haha" Lokong sabi niya at tumawa pa habang naiiling.

"Bawal ba magtanong?" Masungit na sabi ko

"Di naman Ma'am Kaye" Sabi niya

Umayos na lang ako ng upo at sumandal sa head rest.Ilang minuto lang ng bigla akong makarinig ng mahinang mura galing kay Drake

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ma'am kaye pakitawagan naman si Boss" Sabi nito at nagdridrive na kinuha ang cellphone niya sa Drawer ng sasakyan niya.

Inabot ko naman yun at hinanap ang Number ni Tyler.

Pipindutin ko na sana yung Call ng biglang may tumawag

'Boss'

Si Tyler 'to.

Sinagot ko na yung tawag at niloud Speaker.

"Hello?"Bungad ko

[Wife?Are you o--Fvck!] Kasunod nun ang putok ng baril at pagkawala ng kabilang linya.

"Drake anong nangyayari?!" Sigaw na tanong ko kay Drake dahil sa sunod-sunod na putok ng baril

"Ma'am Kaye yuko ka lang diyan" Sabi ni Drake kaya naman sinunod ko na lang ang sinabi niya at biglang bumilis ang takbo ng sasakyan niya.

"Magdahan dahan ka naman,Drake!"

A/N: Sorry for late Update

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon