Chapter Nine

7.6K 157 5
                                    

Chapter Nine

Tatlong araw na ang lumipas pero ngayon gulong-gulo pa din ako sa nangyayari.Una dahil sa lalaking nakita ko,sa kwintas at sa sulat.Pangalawa si Tyler.

Para akong mababaliw kakaisip sa mga yun.Siguro kailangan ko munang mag relax dahil stress na stress na din ako sa Trabaho ko sa Opisina ni Tyler.
Dalawang araw na siyang wala.Ang sabi niya babalik siya ng Paris kasi nagkaproblema sa bussiness na hinahandle ng kaibigan niya.

Tapos ngayon naman si Ate Trisha ang prinoproblema ko.Wala naman akong ginagawa sa kanya bigla bigla na lang akong babasain ng tubig.

Nung nalaman niya ang tungkol samin ni Tyler mas lalo siyang naging malupit sakin.Kulang na lang saksakin ako ng kutsilyo at sunugin ng buhay.

Tuwing magkikita kami ang sama ng tingin niya sakin.Minsan napapaisip akong tarayan din siya ewan ko kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi ako pumasok ng opisina dahil natambakan ako ng meeting kahapon kaya gusto ko magpahinga muna ngayon.Hindi pa ako lumalabas ng kwarto dahil nanghihina ang katawan ko at mukhang magkakasakit pa ata ako.

Nararamdaman ko na may sinat ako dahil nilalamig at sobrang sakit ng buong katawan ko.Sanay naman ako sa trabaho ngunit iba lang talaga ngayon.Sa bahay lang ako nagtratrabaho pero ngayon sa opisina na ni Tyler.

Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko.

"Ate Kaye?" Rinig kong tawag ni Janna sakin mula sa labas at kumatok.

"Bakit?" Sigaw ko kahit na nahihirapan na ako.

Parang tinutusok ng isang daang kutsilyo ang ulo ko sa sobrang sakin

"Ate Kaye?Pasok ako ahh" Sabi niya at narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. "Ate,Ok ka lang ba?" Tanong ni Janna ng makalapit sakin

"Janna,Kuha mo naman ako ng gamot sa lagnat at sakit ng ulo" Sabi ko at dahan-dahang umupo sa kama

"Sige Ate Kaye,Sandali lang" Sabi niya at lumabas ng kwarto.

Sumandal ako sa headboard ng kama ni Tyler at nagkumot tsaka pumikit.Gusto kong matulog ng matulog dahil sobrang sakit talaga ng Buong katawan ko.

"Don't act like a princess.You want medicine?Why don't you go downstair and get on your own?" Napadilat ako ng marinig ko ang boses ng Ate ni Tyler.

'Wag muna ngayon'

Hindi ko na siya inintindi kaya pumikit na lang ako.Wala na akong pake kung isipin niyang makapal ang mukha ko.Kahit ngayon lang gusto ko magpahinga at para humupa ang sakit ng katawan at ulo ko.

Maya-maya nakaramdam ako ng antok ng hindi pinapansin ang mga sinasabi ng ate ni Tyler.

____________________

Nagising ako ng may maramdamang malamig na bagay sa aking noo at parang may nagpupunas ng aking braso.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Tyler na pinupunasan ang aking kamay at braso.

Tumikhim ako ng mahina dahil mukhang di niya napansin na gising na ako.

Napatingin siya sakin at tinigil ang pagpupunas. "Sorry.Did i wake you up?" Tanong niya sakin

"Hindi naman" Sabi ko at umayos ng upo.

"Continue your sleep so you can take more rest" Sabi niya at umupo sa kama

"Hindi na.Ok na ako" Sabi ko dahil yun naman ang totoo

"Dapat tinawagan mo ko.May lagnat ka pala kung hindi pa ako tatawagan nila Janna hindi ko pa malalaman" Sermon niya sakin at tinignan ako ng nakataas ang dalawa niyang kilay sakin.

"Lagnat lang naman yun at sakit ng katawan.Kailangan lang ipahinga" Sagot ko at nag-iwas ng tingin

"And you didn't drink any medicine tsk" Sumbat nanaman niya at tumayo tsaka may kinuha sa study table niya.

"Kumain ka na at ng makainom ka ng gamot" Sabi niya at nilapag ang pagkain sa Harap ko kasama ang mini-stand table.

"Thanks" Sabi ko na lang at umayos tsaka kumain.Habang siya umupo ulit sa tabi ko at pinanood akong kumain dahilan para hindi ako makalunok ng maayos.Its so akward "Bakit?" Tanong ko habang ngumunguya

"Nothing.It's Just...." Sagot niya at hindi matuloy ang sinasabi.

"Ahmm Ok" Sagot ko na lang at pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa mabusog na ako kaya tumigil na ako sa pagkain habang itong katabi ko nakatingij pa din sakin "Bak--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang ilayo ang lamesa at hilain ako para halikan.

Bigla naman nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa ginawa niya.Tinignan ko siya habang magkalapat parin ang labi naming dalawa at nakatingin siya sakin.

Ng tumingin ako sa kanya bigla siyang pumikit at mas diniin pa ang sarili sakin.

Bigla namang nagflashback sakin yung hinalikan niya ako at tinugon ko ang mga iyon nakaraang tatlong araw na ang nakakalipas.

Napapikit at napakapit ako sa braso niya ng ihiga niya ako sa kama at pumatong sakin.Tulad ng dati tinugon ko ang mga halik niya ng buong puso.

'I love him'

Matagal na at ng marinig ko sa kanya ang tatlong katagang yun mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob upang mahalin siya.Mahalin at sumugal kahit hindi ako sigurado.

Akmang tatanggalin na niya ang pang-itaas ko ng biglang bumukas ang pinto ang pumasok ang dalawang lalaki dahilan para matulak ko si Tyler ng malakas.

"Fvck shit,dre"

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon